Si Manang

5 1 0
                                    

ingat tayo sa mga kukunin nating kasambahay

September 2015

kasama ko non sa bahay ang ate ako at 2 nyang anak na babae, isang 7yrs old at isang 3 yrs old parehong babae , college ako non at madalang akong payagan ng ate ko na gumala kaya ang ending sa bahay namin ang place to be ng mga tropa ko ( hiwalay kami ng bahay ng ate ko, sa bahay ng mama ko) nag tatrabaho non si ate sa isang call center company sa may BGC and GY ang schedule nya . During morning ang ate ko tulog ako papasok sa school ang naiiwan sa salas namin yung 2 bata at yung yaya nila na si manang Belen , mabait si manang,  masarap mag luto at maalaga talaga .

Since hiwalay nga kami ng bahay ni ate sa mama ko , nag asked si mama kay manang Belene kung may kilala pa daw pa ba syang pwede pumasok as all around kasambahay dun sa bahay nila mama ang sabi ni manang uuwe daw from Quezon yung kapatid ng asawa nya na si manang Cora at nag hahanap rin ng trabaho dito sa manila .

Nung umuwe na si manang Cora dito sa manila pinakilala ni manang Belen si Cora kala mama at the same day nag start na rin sya sa pag ttrabaho sa bahay nila mama, one of her tasks is to look after dun sa dalawang pamangkin kong anak ng ate ko na OFW . isang 5yrs old na babae  at isang 3 yrs old na lalaki.

Ilang araw palang si manang Cora sa bahay nila mama pero lagi daw nag huhumagalpal ng iyak yung pamangkim kong 3yrs old everytime na bath time na nila and ang lagi nyang sinisigaw ay "ayaw ko sayo manang .. panget ka po " sigaw na sya ng sigaw ng monster ..

May team building non sila ate kaya di sya uuwe ng 2days sakto ata halfday lang din ang schedule namin sa school . nag paalam ako na kung pede ay mag sleep over sa bahay non ang isang friend. pumayag naman si ate .

Kumakain kami non ng dinner ng biglang may kumatok sa gate namin pag silip ko si manang Cora.. pinapasok ko , tinanong sya ni manang belen bakit sya andon . ang sabi nya may bisita daw kase ang kuya ko kaya wala syang tutulugan kaya sinabi daw  ni mama na dito na lang sya samin matulog nung gabing yon .

medjo maloko at bully ang kaibigan kong si Celine , bumulong sya sakin na nakakatakot daw si manang Cora, na parang mahahati anytime .. tumawa lang ako non pero deep inside yun nga rin ang nararamdaman ko since the day na nakita ko sya.

walang room sa second floor ng bahay namin . isang kama at may uratex foam nakalatag sa sahig kung saan nakahiga yung dalawang pamangkin ko , si manang Belen andun  sa dulo si manang Cora . kami ni Celine yung nakahiga sa kama ..

around 2:30am gising pa kami nanonood kami ng movie non , nag tanggal si Celine ng earphone non sabi nya sakin "beb ang ingay ng bubong" nag tanggal din ako ng earphone at pinakinggan ko, inilawan ko nawala yung tunog ..

bumalik kami sa panonood pero umingay ulit yung bubong, parang palapit na samin yung tunong , nag tapat ulit ako ng flashlight sa kisame at nawala ulit yung tunog .

hindi na kami bumalik sa panonood , at nag amba ng matutulog pero for the 3rd time umingay ulit yung bubong na sobrang bulabog na at parang babagsak na samin yung tunog, matapang na ko buksan yung ilaw , (yung switch ng ilaw ay nasa upper part ng hamba ng hagdan which is pag tumayo ka para buksan yung ilaw ay makikita mo yung hagdan at since 3yrs old Palang yung pamangkin ko may harang yung hagdan namin para di sya mahulog, mga gitna ng hita yung taas ng harang.. kung may aakyat e makikita mo agad at bukas din ang ilaw sa kusina sa baba kaya di masyadong madilim) laking gulat ko ng buksan ko ang ilaw ay nakita ko si manang Cora na nakatayo sa tapat ng bintanang salamin (di na bubuksan ) pag akyat ng hagdan.

tandang tanda ko yun na halos 10-15 secs. akong naka tayo sa takot at sya rin di gumagalaw sa pwesto nya nakatingin lang sa baba . nag lakas loob na kong mag salita
"SAN KA PO GALING MANANG?"

Ngumiti lang sya sakin at sumagot ng "Dyan lang"

kinalabutan ako sa boses nya na parang may halong pag tawa

napaisip ako sa sagot nyang "Dyan lang" dahil di ko naman syang nakitang umakyat ng hagdan ..

bumalik ako sa higaan at binuksan ko na lang ang lampshade sa tabi ng kama , nag talukbong ako ng kumot pero naka silip ako sa pwesto ni manang Cora .. hindi ako nakatulog maging si Celine dahil natatakot kaming baka anong mang yari sa mga pamangkin ko na natutulog malapet kay manang cora ..

Kinuwento ko kay ate lahat ng nangyari nung gabing yon pag ka uweng pagkauwe nya .,
nakararamdam na si ate ,at ang sabi nya di nga rin daw maganda ang tingin nya kay manang Cora

Hindi na pumayad si ate na sa bahay matulog si manang Cora.

-aye

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now