Pastor

5 1 0
                                    


Gumagawa kami ng yema sa church upang ibenta sana para sa dagdag funds para sa darating naming youth camp.

Bale yung church namin, dun na din nakatira yung pastor namin at asawa nyang pastora din.
May dalawang kwarto yun, una yung kwarto nila at pangalawa yung prayer room.

Sa sobrang dami ng ginagawa namin, inabot na kami ng 7PM na yata. Pero okay lang kasi masaya kami. Habang gumagawa ng yema, nagtatawanan kami kasi napakakalog ni pastora. Palabiro sya at ang daming nakakatuwang kwento kaya nakilibang kami. Samantalang  ang asawa nya na pastor naman sobrang tahimik at seryoso, as usual.

Nang biglang tinanong ni pastor kung nasaan na daw yung dalawang brother-in-christ namin.
Sinagot ko naman na yung isa naglalaba sa sapa at yung isa namamasada pa. Silang dalawa lang kasi ang laging kasama nila pastor sa simbahan na lalaki.

Nang biglang tumayo si pastor at pumunta sa kwarto nilang mag-asawa. Pero lumabas din at pagkatapos sa prayer room naman pumasok na para bang may hinahanap.

Nang wala siguro syang makita, bumalik sya sa mesa na pinaggagawan namin ng yema at naupo ulit sa upuan na inuupuan nya kanina. Hindi naman namin sya masyado pinansin kasi tawanan pa rin kami ng tawanan dahil sa mga funny stories ni pastora.

Mayamaya, nagtanong si pastor ulit.

"Nakita nyo ba yung lalaking pumasok?"

Nagkatinginan kami ng kaclose ko doon na si Ate Vilma. Kasi kami yung malapit sa pintuan at wala naman kaming nakita. At naman, 20/20 pa yung vision namin at imposible naman talagang hindi namin yun makita kahit pa malabo yung mga mata namin. Kung may dumaang tao, imposibleng makalampas ng di namin napapansin. Kung tao nga talaga.

Sinabi namin na wala kasi kung may papasok na tao, kami ang unang makakakita.

Pero ininsist ni pastor na meron, dinescribe nya pa. Nakasuot daw ng green na shirt , nakamaong na shorts, malaki ang katawan at kayumanggi.

Nagulat daw si pastor kasi pagkapasok ay dire-direcho lang na walang kakibo-kibo. Parang nabastusan daw si pastor kasi di man lang nag-tao po. Walang respeto diumano.

Nung pagkapasok nung lalaki, dumirecho sa may tapat ng pinto at lumingon sa loob ng kwarto nila pastor na parang may hinahanap at pagkatapos ay pumasok sa prayer room, hindi na lumabas. Kaya pala pumunta si pastor sa dalawang kwarto para i-check kung sino yun.

Pero dahil wala syang nakita, bumalik sya sa pwesto namin.

Medyo creepy kasi sobrang seryoso talaga yung mukha ni pastor. At kung ano ang pagiging kwela at palabiro ng asawa nya, siya naman kinaseryoso ni pastor, imposible na nagbibiro sya.

Pero dahil alam kong nasa church kami at kasama namin si God, medyo napapakalma ko naman ang sarili ko. Nag-pray na lang kami na kung sino man yun, nawa'y huwag kaming guluhin.

Ang tanong ko ngayon: Sino kaya yung lalaki na yun at ano ang hinahanap nya sa loob ng simbahan namin ? Pero ano pa man ang mangyari, ang importante ay manalig tayo sa Diyos upang di tayo magambala ng bad spirits. Yun lang. Di na talaga nakita ni pastor na lumabas yung lalaki na yun kung sino man sya.

P.S.
Gifted talaga si Pastor. Nag-open up sya na nakakakita rin sya ng mga lamang lupa. Ayon sa kanya, may masasama pero dahil sa alam ng mga nilalang na yun na naglilingkod siya ng Diyos, hanggang babala lang sila kay pastor ng "umalis ka dito"

Hindi daw kasi nila nagagalaw ang mga taong naglilingkod ng Diyos.

Minsan may naririnig si pastor na mga maliliit na nilalang na parang tumutugtog ng banda.
Kung san nya banda narinig yun, merong mamamatay.

Tres(Horror Stories Compilation)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin