Succubus X Incubus

5 1 0
                                    

💕 Day 22

Succubus at my Sister's Dormitory

Magka-school mate kami ng ate ko noong college. Pareho kaming nasa Medical School at parehong medtech ang kinukuha naming course that time. Ako uwian ako, byabyahe pa ako ng dalawang oras para lang makarating sa school na pinapasukan namin samantalang iyong ate ko ay may sariling dorm.

Two times pa lang ako nakapunta sa dorm niya dahil medyo takot ako sa ambiance ng dorm ng ate ko. Bali tatlo sila sa isang room. Maluwang naman ang kwarto nila. May dalawang double deck. Mag-isa lang ng ate ko sa double deck na isa pero kapag dumalaw ako ay ako iyong nasa taas. Pwede kasi bisita ang lalaki saka close kami ng mga kadormmate niya na classmate niya.

Sa first floor ng dorm niya ay bodega - bodega ito ng mga inidoro. Ang sabi-sabi kasi nalugi raw ang negosyo kaya iyong mga hindi naibenta ay dito na lang itinambak tapos pagkadating mo sa dulo ng bodega ay papaakyat sa second floor kung saan doon iyong dorm ni ate.

Ginawang dorm ang second floor. Sabi nila konti lang daw ang naninirahan doon. Bali kapag akyat mo, bubungad sa iyo iyong pinto ng pinakaunang kwarto. Tapos kapag naglakad ka sa hallway, magkatapatang mga pinto na. Ang kinakatakot ko lang kasi doon ay nasa dulo pa sila. Katabi ng cr kwarto nila ate.

Kaya raw pumwesto sila ate sa pinakadulo ay para kapag naiihi, natatae o gusto nilang maligo ay malapit lang. Sinubukan kong sabihan sina ate na lumipat na kaso nga lang ayaw niya kasi mababa nga iyong renta.

Natutulog ako non sa kwarto nila ate doon sa dorm na iyon kasi may vacant akong tatlong oras. Tapat lang din kasi ng school iyon, bali papasok lang ng konti. Nagising ako kasi may naririnig akong tulo ng tubig. Malakas. Parang umuulan na ganon. Edi bumangon ako, wala sila ate. Alam ko pumasok na sila sa last class nila kaya ako lang ang naiwan.

Noong binuksan ko ang pinto, parang iyong ingay eh nanggagaling sa may cr. Kaya pumunta ako ng cr, nakita ko iyong isang faucet nakabukas. Punong-puno na ng tubig iyong timba. Inisip ko baka nakalimutan patayin. Edi pinatay ko. Hindi pa ako nakakahakbang palabas, bumukas ulit. Aaminin ko medyo nakaramdam ako ng takot pero nilakasan ko loob ko kasi lalaki ako e. Pinatay ko ulit iyong faucet kasi inisip ko na baka sira iyong tubo ganoon.

Tapos pagkahakbang ko papalabas, hayop lahat ng faucet bumukas. Lahat ng faucet sa bawat cubicle. May faucet kasi at timba don. Pati iyong faucet sa lababo bumukas.

Nawala talaga pagkalalaki ko talaga that time. Tumakbo na lang ako papasok ng kwarto nila ate.

Succubus experience.

Natutulog din ako sa dorm ni ate tapos nanaginip ako ng isang napakagandang babae. Nakabestida tapos sobrang ganda talaga. Yun bang mabibighani ka ng sobra. Tapos sa panaginip ko, pumasok daw kami ng kwarto nila ate tapos tinulak niya raw ako sa kama (ayon sa pagkakaalala ko) tapos ginawa daw namin yun. Pakiramdam ko talaga may lumabas sa akin that time. Masarap daw sa pakiramdam ganoon. Parang totoo ba. Tapos, tapos na raw yung "ginawa" namin. Biglang nag-iba iyong itsura niya hindi ko na matandaan kung ano basta sobrang pangit. Sobrang pangit talaga na hindi ko maintindihan iyong itsura. Pumatong daw yung "babaeng pangit sa akin" na parang gusto raw ako rapin, don ko na naisip na nababangungot ako. Nararamdaman ko rin yung katawan ko na gumagalaw tapos mabigat iyong dibdib ko na hindi na talaga ako makahinga ng sobra. Para akong malalagutan ng hininga ganon. Sobrang takot na takot na ako. Hindi ko na rin magalaw iyong katawan ko, hindi ko rin maidilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko talaga mamamatay na ako that time. Sa isip-isip ko ay sinasabi ko na gusto ko pa mabuhay. Sinubukan kong gumising, ayaw. Sinubukan ko ulit ayaw. Pinilit ko talagang gumalaw at don na ako nagising.

Pawis na pawis ako pagkagising ko tapos yung kabog ng puso ko sobrang bilis. Nanghihina pa ako. Tapos yung salawal ko basa. Para talaga akong "nilabasan"

Hindi na ako nagdalawang isip na umalis. Tapos kwinento ko kanila ate, wala naman daw silang experience na ganoon pero may nakita raw si (ate Janeng) noon sa cr na kamay raw na putol.

-RhizMaganda

###########

INCUBUS

Nagsimula lahat noong lumipat kami ng bahay.

Hindi ako masyadong lumalabas ng bahay kaya naman lagi lang ako nakadungaw sa terrace namin para makita ko 'yung mga naglalarong bata sa labas. Masarap tumambay sa terrace namin dahil sa tapat no'n ay may puno na pwedeng silungan kapag maaraw pa. Nakaugalian ko na tumambay sa terrace namin pagkatapos kong maligo at doon ako nag aayos tulad nung pagsusuklay at pagpapatuyo ng buhok.

Maayos naman ang lahat nung una, hanggang sa dinala ko at pinakilala ko ang nobyo ko sa aming pamilya. Dito na ako nagkaroon ng kakaibang karanasan.

Isang gabi, patulog na ako. Antok na antok na ako pero pakiramdam ko ay mababaw pa rin ang tulog ko. Hindi ko alam kung sleep paralysis ba 'yung naranasan ko o nananaginip lang ako. Dahil kung ano man 'yon, sobra akong nabahala.

Habang tulog ako, nakakita ako ng lalaki na parang anino sa itim. Wala siyang mukha at hindi ko maaninag ang kanyang buong katawan. Lumalapit siya sakin at gumagapang na sa paahan ko. Tapos may nakita akong parang matulis na bagay sa kamay niya at itinapat niya ito sakin. Hindi ako makagalaw, kinabahan ako dahil parang ipapasok niya sa private part ko yung hawak niya.

Hindi ko maipaliwanag pero parang na-satisfy yung katawan ko. Pakiramdam ko ay parang may totoong tao na humahawak sa katawan ko. Nakikita ko siyang nakapatong sakin at nakahawak sa katawan ko pero nasa dilim kami at hindi ko alam kung bakit hindi ako nasasaktan.

Nagising ako nang alanganing oras at napagtanto ko na parang may mali doon sa nangyare sakin. Sinabi ko yon sa lola ko at natakot siya, pinagbawalan na niya akong tumambay sa terrace namin at huwag na raw ako mag aayos ng sarili sa tapat ng puno.

Pero hindi pa rin natapos yung pangyayaring 'yon. Parang mas lalong tumindi yung pakiramdam ko simula nung pinagbawalan ako ng lola tumambay sa terrace.

-Krew

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now