Toll Gate

4 0 0
                                    

June 2, 2016 around 1-2am.

Pauwi na kaming Ilocos ng mga pinsan ko galing Manila, anim kami sa sasakyan.

Sa may toll gate habang hinihintay namin yung turn namin, nakita ko yung isang security guard na nakaupo. Lumingat lang ako saglit,  pagtingin ko ulit wala na yung guard pati yung inuupuan niya. Di ko pa agad sinabi sa mga pinsan ko kase ayokong matakot sila. Yun na nga turn na namin sa toll gate, ako yung nasa passenger's seat, nahulog yung blanket ng isa kong pinsan so humarap ako sa kanila para sana ayusin yung blanket niya.

Kaso may nakaupong lalaki sa pinakalikod na part ng sasakyan, hindi ko kita yung mukha niya. Pero andun lang siya nakaupo, ako naman sobrang takot na takot na ako. Sinabihan ko yung pinsan ko na bilisan niya magdrive para makaalis na kami sa parte na yun. After mga 5 minutes tumigil bigla yung sasakyan at andun pa din yung lalaki, dun na talaga ako kinabahan. Bababa sana yung pinsan ko to check pero sabi ko na wag siyang bumaba at magdasal na lang. After 3 minutes, umandar na ulit yung sasakyan. At nung tumingin na ulit ako sa likod, wala na yung lalaki.

Kaya kapag bumibiyahe na kami at kapag nasasakto sa toll gate sinasara ko na lang yung mata ko at nagdadasal.

- Shinn

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now