Karipas ng Takbo

5 0 0
                                    


*Shared story ng aming teacher na nasaksihan nya sa isang estudyante ng aming paaralan.

Taong 1994
Dalawang babaeng magkaklase daw ang naglalakad pabalik sa kanilang classroom,  galing daw sila sa gym noon saktong may cr silang nadaanan. Sabay silang pumasok ng cr,  ang hitsura pala ng cr namin sa school ay dalawang pinto,  isa para sa lalake at isa para sa babae.  Wala naman ibang tao nun ay napagpasyahan daw nila na sabay ng mag cr.

Nang makapasok na ang isa sa magkaklase ay umupo na daw ito sa inidoro, ng biglang bumukas ang pinto ng cr.  Inakala naman ng isang estudyante na sinilip sya ng kasama nya kaya naman sinabi daw nya na sa labas na sya antayin. Ngunit naaninag nya mula sa pinto ng cubicle na pumasok parin ito sa loob.

Maya maya ay nakita nya mula sa ibaba ng pinto mga paa,  walang suot na sapatos o tsinelas,  madumi at maputla.  Nagtaka at dinapuan na sya ng kaba dahil alam nya na hindi ang kaklase nya ang pumasok sa loob.  At nung naglakas ng loob sya na tumingin dahan dahan sa itaas at nakita nya ang isang babae na nakahawak sa itaas ng pinto,  nakasilip lang ang ulo at nakatingin sa kanya paibaba, nanlilisik at maputing maputi ang mga mata. Sa sobrang takot daw ng babae ay itinulak nito ang pinto at kumaripas ng takbo kahit nakababa pa ang kanyang palda at underwear.  Sakto naman naglalakad ang mga guro papunta sa isang classroom ng makasalubong nila ang estudyante at sa kanila ito nagtungo. Napayakap daw ang batang babae sa sobrang takot at hindi daw ito tumatahan sa pag iyak. Agad daw nila ito dinala sa faculty.  Doon na daw ikinuwento ng estudyante ang nakakakilabot na naranasan nya sa cr. Ilang linggo din daw di pumasok ang estudyante at tuluyan na nga itong tumigil sa pag aaral.Ayon sa aming teacher,  napag alaman daw nila na ang babaeng nagpakita sa estudyante ay ang babaeng ni-rape at itinapon sa lugar kung saan nakatayo ang paaralan ngayon.  Lugar daw talaga iyong ng mga tapunan ng mga pinapatay at sinasalvage noong masukal at mapuno pa ito.

Madami din kababalaghan ang ikinukwento sa amin ng mga naging gwardya ng paaralan. Na tuwing alas tres daw ng madaling aras ay may nakikita silang babaeng nakaputi na umaakyat sa second floor papuntang AVroom. May pagkakataon din na nakikita ito sa hagdanan ng isang building, nakaupo at kapag lalapitan ay bigla na lang maglalaho.

-mascot

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon