ROOM 3-2

8 1 0
                                    

karanasang hindi ko malilimutan noong nasa elementarya ako.

Ang paaralan namin ay usap usapang dating kuta ng mga hapon sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig at marami ding sabi-sabi na marami daw ang nag paparamdam doon at may mga nagpapakita ring mga hindi matahimik na kaluluwa. Isa itong pampublikong paaralan sa aming lungsod.

Nasa grade 3 ako noon ng una kong naranasan ang kababalaghan sa aming paaralan. Pinadala kami ng aming science teacher ng cellphone para sa aming experiment na gagawin, dahil ako ang representative ng aming grupo ako ang nagdala ng gagamiting cellphone.

Sa hapon ang klase namin sa science at sa tuwing magtuturo si maam ay kailangan naming lumipat sa classroom niya sa section 2. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at ng mga kaklase ko noon at naisipan naming kuhanan ng litrato ang banyo ng classroom ng section 2, inutusan nila ako noon at agad ko namang sinunod at natakot kaming lahat ng makita namin ang litratong nakuha namin, may dalawang anino kasing nag reflect sa dingding ng banyo, dalawang babae ito na para bang nakatingin sa camera ng cellphone ko. Kahit natakot na kami sa mga oras na iyon ay kinuhanan ko ulit ang banyo at nagkagulo na kami noong nakita na andun pa rin ang anino ngunit mag isa na lamang ito. Pinag agawan ng mga kaklase ko ang cellphone ko para maki usyoso at ako naman ay pilit nilalayo ito sa kanila dahil baka malaglag ito at mabasag.

Nasa gitna kami ng pagaagawan noon ng mapansin kong nag p-play ng video ang cp ko. Napatigil ako at tiningnan ang video na yun pati mga kaklase ko ay nakinuod na rin. Nakita namin sa video ang classroom ng section 2 at yung mga kaklase ko ay andoon din tapos yung ingay mamin habang nag aagawan ay naririnig rin namin pero ang mas nakakatakot ay ang pag litaw ng dalawang imahe na balot ng tissue or bandage ata. Kita sa video ng cp ko na dumaan ang dalawang creatures na yun balot na balot ng puting benda ang buong katawan na tanging mata lang ang kita at may mga dugo pa sa ilang parte nito, nangilabot rin kami noong tumingin ang mga ito sa camera bago mawala. Ang ipinagtataka ko ay kung paanong nakuhanan ang video na iyon kasi ang pagkakatanda ko nasa homescreen na ang phone ko noong nagsimula itong pag agawan ng mga kaklase ko at ang nakakatakot pa ay yong video ay naka save na at kusang nag play. Yung kuha ng video ay steady lang siya hindi siya magulo knowing na kinukuyog ako ng mga classmates ko.

Tinanong namin yung teacher namin ukol doon at pinakita sa kanya ang video pero tiningnan niya lang ako at nginitian tapos nagsimula ng mag turo. Hindi na ulit ako nagtanong noon at sa tuwing andun ako sa room na yun ay hindi ko maiwasang hindi matakot.

- JT

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now