"Puro ka SITSIT!"

8 1 0
                                    

Psssssssssssst...........

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng takdang aralin nung narinig ko yung unang sitsit. Nilingon ko yung kusina, wala namang tao. Kaya nagpatuloy lang ako sa pagsusulat.

Maya maya ay bumaba si nanay para magbanyo.

Nay: Nak, gabing gabi na, sana kanina mo pa ginawa yan! Ikaw na lang gising! Tulog na tulog na mga kapatid mo!

Bulyaw niya sakin.

Oval: Opo nay, sandali na lamang ito at matatapos na. Aakyat na rin ako.
Inuna ko po kasi ang pag-igib ng panligo namin para bukas ng umaga.

Nay: Siguruhin mo lang. Pagtapos ko magbanyo ay tutulugan na talaga kita. Maniwala ka't sa hindi makikita mo hinahanap mo kapag nagtagal ka pa sa ginagawa mong yan. Iakyat mo na rin yang arinola.

Oval: Oho nay.

Pumunta na nga ng banyo si nanay. Nasa likod bahay namin yung banyo. Nakaupo ako sa salas namin na kalahati pa lang ang may bubong dahil kasalukuyan itong ginagawa. Sa pagkakaupo ko ay nakaharap ako sa pinto ng bahay. Maikling mesa lang ang gamit ko. Nasa gitna ako ng sofa set. Sa kanan ko ay ang hagdan paakyat sa mga kwarto. Sa kaliwa ay bintana na kanina pa nakasara. Sa likod ko ang kusina na kung saan ay may pinto palabas patungo sa banyo. Yung kalahating parte ng salas na walang bubong ay ang karugtong ng kusina. Yung pwesto ko may bubong. Matapos kong habulin ng tingin si nanay ay muli akong bumalik sa pagsusulat.

Ilang minuto ay pumasok na si nanay. Narinig ko yung paglock niya ng pintuan sa kusina.

Nay: Sinabihan na kita. Matutulog na ko.

Saad nya habang umaakyat ng hagdan. Syempre nginitian ko siya.

Oval: Opo nay.

Pagpasok nya sa kwarto niya ay narinig kong huminto na yung radyo na kanina'y pinakikinggan niya. Nakikinig kasi lagi siya ng drama.
Mukhang seryoso nga si nanay na tutulugan na niya ko.

Mga ilang minuto ang lumipas ng may narinig nanaman akong sitsit mula sa kusina.

Psssssssst......

Mas maikli ito kaysa kanina. Di ko pa rin pinansin dahil mas matimbang ang grado kesa takot.
Ilang minuto ay umisa pang muli. Sa pagkakataong ito ay mula sa bintana ko naman narinig.

Pssssssssssssssst......

Medyo mahaba. Kinilabutan ako. Nahinto ako saglit sa pagsusulat. Tumayo ako at nagkaway kaway ng kamay. Sinipa sipa ang paa. Pampaalis ng kaba. Muli ay umupo na ko at nagsulat.
Siguro matagal tagal ang naging pagitan nung huling sitsit ng biglang.....

Psssssssssttttt.......

Tumaas balahibo ko sa batok. Mula sa may itaas ng pinto ko narinig yung tunog.
Hinawakan ko yung libro at pinilit ko na lang basahin yung nakasulat para mapawi yung takot ko.

Psssssssssssst!!!!!!

Parang galit na yung sitsit nya kaya tumayo na ko. Hawak ko yung baso ko ng tubig, ihahagis ko talaga sa kanya to. Inikot ko ng tingin ang buong salas namin, pati kusina at siwang ng bubong ay tinignan ko pero wala namang ibang tao. Sa takot at inis ko ay nagsalita na ko dahil mukhang sinasadya nya kong takutin.

Oval: Pssst! Pssst! Pssst! Pssst! Pssst! Pssst! Pssst! Kanina ka pa sitsit ng sitsit ah! Magpakita ka! Sitsit ka ng sitsit tapos di ka magpapakita?! (Bulyaw ko)

Nang bigla na lamang may narinig akong sumigaw mula sa hagdan.

HOY! SINONG KAUSAP MO?! BAKIT NAGSISISIGAW KA?!

Tres(Horror Stories Compilation)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن