Old office to New Office

17 1 0
                                    

December 2016

Interview day ko nun,  bale 10AM palang nasa office nako kahit 11AM ung interview. Honestly nag expect ako ng bongga sa madadatnan ko since Makati sya located. But I was wrong! Yung office na napuntahan ko hindi mukhang office talaga. It looked old from outside of the building , elevator to office mismo ay sa 30th floor pa at nagexpect nako agad na may mararamdaman. Pag pasok ko pinag antay muna ako sa receiving area. After 15 to 20 minutes ayan na, may naramdaman nako at nagpakita na sya. Anino lang sya pero matangkad! Diko nalang pinansin.

Then I was hired.  Natanggap ng'ako. Hindi muna ako natutulog sa sleeping quarters, di ako sumilip sa pantry o sleeping quarters for a month!

After a month mejo comfortable nako sa office, at one day mejo napaaga dating ko, naisipan ko muna umidlip sa sleeping quarters. I prayed muna then I talked to the entity (na hindi ko naman nakikita pero I knew someone was there), isa lang double deck bed dun at hindi pwede higaan ung taas kase walang foam. Yun nahiga nako padapa at ako lang andun.

After 10 mins siguro na paralyze nako at ramdam ko umuuga ung bed. Ayun nakita ko sarili ko may naka dagan na itim na maliit na babae "based" sa haba ng buhok nya. Tapos sa paanan ko may bata na itim din naka siksik sa electric fan. I prayed hard hanggang magising ako pero hindi muna ako bumangon kase ramdam ko nauga pa ung bed.

Nung bumangon nako tinignan ko ung paligid then sinabihan ko sila ng "Nakiusap ako wag kau manggulo dba? Duga nyo naman!" Tapos nilayasan ko na sila. Wala ako pinag kuwentuhan nun not until naging close ko na ung maintenance namin nakwento ko sa kanya tapos dun sya nag sabi na marami na daw binabangungot tlaga dun at same ng nakikita black shadow.

ECQ in April.

Unfortunately dalawa lang kami ng ka work ko allowed pumasok sa office at the rest of the employees work from home set up na.

Napasok ako ng 1PM at ung ka work ko 6PM since part time nya lang un. Sabay kami nauwi ng 11PM kase sakanya rin ako nag rerent since the start of lock down.

Bago kase sya pumasok ni reready ko na station nya saka fan. Malayo cubicle nya sa table ko since sa admin area ako nag wowork. Everyday ko ginagawa ung pag peprape, para mag reretouch nalang sya at prepare sa task nya.

Nang isasaksak ko na ung fan so yumuko ako, tapos may kumalabog sa gilid ko after a minute. Pag angat ko ng ulo ko naka open na ung exit/vent door namin
sa office but there's no way mag open un kase may lock yun at dinaanan ko sya ng naka sarado pa bago ko isaksak ung fan. Natulala ako at nakatingin lang sa pinto ng mga isa o dalawang minuto.

Maya maya sa gilid ng mata ko may nakita akong babae na pasugod saken na parang galit! Pag lingon ko ng mabilis nawala sya. Sa isip ko baka may naka pasok din na tao sa office since I don't lock the door. I checked every cubicle pero wala talaga.
I checked the time it was 4:45, dumarating ung friend ko 5:20 pa!
Tuloy lang ako sa work nun na parang walang nangyari pero hindi ko na ulet niready station nya after that incident.

After 2 days I convinced my Boss na iuwi ko nalang computer ko dun sa unit ng friend ko at mag work from home nalang ako at friend ko since may laptop naman sya. Pumayag sila!

Sadly nagka sakit ako in May. I resigned in mid June kase sobrang pagod ko na. Gawa ko lahat ng admin work at pasahod sa mga employees that would take about a week or so bago lahat makasahod kase nga limited lang oras ng banko nung ECQ.

MECQ or GCQ na un umuwi nako saamin after I resigned. Ayaw nila pumayag so sabi ko 2 week leave nalang. Pero bago matapos ung 2 week leave ko nag submit nako resignation. Ayaw parin nila tanggapin! Until I received messages from 2 of my co-workers.

I didn't expect na babalik pa pala ako sa office na yun!
No enough public transpo parin that time so in short, SA OFFICE KAMI TUMIRA!

- PARK SHIN HYE

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon