Chapter 30: Launch

10.9K 198 28
                                    

Chapter 30: Launch

Kinabukasan pagkatapos ng almusal nagtungo ang grupo sa Vigan. Todo buntot ulit si Jay sa grupo ng girls, si Oliver naman nagmamarunong at tila tourist guide habang naglilibot sila.

“This way” sabi ni Oliver sabay inaabot kamay niya kay Leilani. Lumapit ang dalaga, nakaramdam ng kirot si Jay ngunit hindi humawak ang dalaga kundi tumalikod. “Jay dali dito” sabi niya kaya binilisan ni Jay at tumabi sa dalaga.

Nauna na sila kaya tumabi si Ronnie kay Oliver, “Aray, seenzoned ng malupet” bulong niya kaya si Oliver napailing at hinabol yung dalawa. “I have been here before so dito tayo” sabi niya. “Hey, let us enjoy the place. One thing I learned from our Subic trip ang sarap kaya mawala” sabi ni Leilani kaya nagtawanan yung ibang girls.

“Oo nga Oli, kung gusto mauna ka na sa park since nabisita mo na pala tong lugar noon. Sige na sunod kami” sabi ni Florence. Umatras si Oliver, nainis pagkat sinusundan ng ibang girls sina Jay at Leilani. “Let it go pare” sabi ni Daniel.

Pagdating sa park ang daming mga food stall ang nakahilera. Sumingit si Leilani sa isang stall para sumilip ano yung benta. Sobrang daming tao kaya lumapit si Jay. “Lei don nalang tayo sa kabila, pareho naman benta nila” sabi ng binata sabay inabot kamay niya.

Nagtipe toe si Lei, nagpupumilit sumilip. “Sa kabila nalang” sabi ni Oliver sabay akbay sa dalaga. Umurong si Lei, di namalayan inabot kamay ni Jay at hinawakan ito. Bumitaw si Oliver at titig lang sa mga kamay nung dalawa.

Natauhan si Leilani, tinignan niya kamay niyang nakahawak sa kamay ni Jay. Paglingon ni Jay agad nilayo ng dalaga tingin niya at nagkunwari na tinitignan parin yung stall. “Dito…Lei” bigkas ni Jay na muling nagpapatigas, mga tuhod niya tila bibigay sa matinding saya na nararamdaman pagkat kaholding hands niya yung dalaga.

Konting hila at sumama si Lei, diretso tingin ni Jay, “Dito dito” sabi niya. Di makaimik si Leilani, sadyang malayo ang tingin niya pero parang bibigay narin mga tuhod niya sa kakaibang kiliting nararamdaman. Pagdating nila sa kabilang stall di nila alam pareho kung bibitaw sila o hindi.

“Eto o, ano ba yung gusto mo?” tanong ni Jay. “Ah..hmm..” bigkas ng dalaga na ayaw talaga bumitaw kaya tinignan niya yung kabilang stall. “Try natin don pa” sabi niya. Naglakad ulit sila na magkahawak kamay, nagpipigil si Jay ng ngiti, ang dalaga parang gustong bumitaw pero hinigpitan niya hawak sa kamay ng binata sabay tumigil sa paglakad.

“Ah Jay..lampas na..” sabi niya sabay bitaw at tinuro yung nalampasan na stall. Bumili sila ng special empanada for take out, nung paalis na sila naglakad lang silang magkatabi. Panay tingin ni Leilani sa kamay ng binata, si Jay naman natuliro pagkat nais sana niya hawakan ulit kamay ng dalaga pero nahihiya na ito.

Binagalan ni Leilani konti, “Jay ano kaya benta nila don o sa madaming tao” tanong ng dalaga. “I don’t know, wanna go see?” tanong ng binata. “Yeah” sagot ng dalaga kaya naglakas loob si Jay, humarap sa daanan pero paatras na inaabot kamay niya sa dalaga.

Kagat labi si Leilani, humawak sa kamay ng binata at paglock ng mga kamay nila dumikit siya konti. Holding hands ulit sila kaya sa malayo si Oliver lalong nasaktan. “Tol let it go, ayan na ebidensya o” sabi ni Ronnie. Naglakad palayo si Oliver, “Mauna na ako sa kotse” sabi niya.

ATOMICWhere stories live. Discover now