Chapter 18: Ikalawang Bagyo

11K 168 25
                                    

Chapter 18: Ikalawang Bagyo

Sabado ng umaga sa gate ng bahay nina Leilani nakaabang si Jay. Bumukas ito pero si Ken gang nakita ng binata. “Good morning ate, si Leilani po?” tanong ni Jay. “Uy pasok ka, bumabagyo. Sige na doon ka nalang mag antay” sabi ni Keng. “Ah sige po dito nalang ako” pilit ng binata.

“Halika na, sige na baka ako pa yung magalitan” sabi ni Keng kaya si Jay napakamot at sumama na sa loob. “Sabi niya kasi nine po e” sabi ni Jay. “Oo pagkatapos niya kumain e naka idlip siya sa salas kasi kaya ayon nagmamadali na siya” sabi ni Keng.

“Ay dalian niyo, sabihin niyo na wag na magmadali. Kaya ko naman mag antay” sabi ni Jay. Sa pintuan ng bahay nanatili si Jay, “Pumasok ka” sabi ni Keng, “Sige po, dito lang ako. Pakisabi nalang sa kanya wag nang magmadali. Ayos lang ako dito” sabi ni Jay.

Limang minuto lumipas bumukas yung pintuan kaya napatingin si Jay. Ama pala ng dalaga kaya yon kaya medyo gulat siya. “Good morning sir” bati niya. “Ano ginagawa mo diyan? Pumasok ka dito sa loob” sabi ni Conrad kaya napilitan na si Jay pumasok.

Naupo si Conrad sa sofa sabay sinindi yung TV habang si Jay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan. Nakarinig sila ng mga yapak pababa ng hagdanan, sumilip si Leilani na basang basa pa buhok. “Daddy let him sit” sabi ng dalaga.

“No, I am fine. Take your time pala” sagot ni Jay. “Okay wait lang ha” sabi ni Leilani sabay umakyat ulit. Nanatili si Jay sa pwesto, bigla siyang tinignan ni Conrad. Umurong ito sa sofa, “Sit” sabi niya kaya iniwan ni Jay yung payong sa pintuan sabay nakiupo na sa sofa.

“What course are you taking?” tanong ni Conrad. “Business Process Outsourcing sir” sagot ni Jay. “Ngayon ko lang narinig yan, may pera ba diyan?” tanong ni Conrad. “Kahit ano naman pong kurso may pera basta pagbutihin mo” sagot ni Jay kaya napatitig si Conrad sa kanya ng matagal.

“You are right. So you are graduating next year?” tanong ng ama ng crush niya. “Most likely sir but I do plan to take a master’s degree in management” sabi ni Jay. “Good. May I just ask, how long have you been driving?” tanong ni Conrad.

“Would you like the legal answer?” banat ni Jay kaya medyo natawa ang ama ng dalaga. “Honestly sir I have been driving since I was fifteen years old. My father is always out of the country. I cannot depend everything on my mom so I wanted to learn early”

“I see. This will be the second time you two will be going out while there is a storm” sabi ni Conrad. “I would not ask her out if I know I cannot take care of her and…she was the one the who insists we go out…how can I say no?” sagot ni Jay kaya muli siyang tinignan ni Conrad.

Titig lang si Jay sa TV, bago magsalita si Conrad pababa na si Leilani mula sa hagdanan. Naka skinny jeans ang dalaga at body fit maroon blouse kaya ama niya napailing. “Go get a jacket or sweater” sabi ni Conrad. “Dad, wala ako non” sabi ng dalaga.

Tumayo si Jay sabay biglang tinanggal sweater niya na may hoodie. “Its okay sir she can wear this” sabi niya kaya agad lumapit si Leilani at parang bata na tinaas ang kanyang mga kamay. Sinuot ni Jay yung sweater sa dalaga, nagulat si Leilani nang paharapin siya ng binata sabay inayos pa buhok nito.

ATOMICWhere stories live. Discover now