Chapter 27: Tiwala

11.1K 172 16
                                    

Chapter 27: Tiwala

“Ocean Adventure, Canopy slide, hanging bridge, wall climbing then Zoobic” bigkas ni Leilani sa tuwa habang nagbabasa sa kanyang phone. “So we are going to those places?” tanong ni Jay. “Hmmm except yung wall climbing and Canopy slide kasi meron daw ganon sa Pagudpod so lets just do that with my friends” sabi ng dalaga.

“Okay, hey look o airplane” sabi ni Jay kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkat nakita niya yung eroplano na palanding sa malapit. “Leilani!” sigaw ng binata pagkat binuksan ng dalaga yung bintana, lumuhod siya sa kanyang upuan sabay nilabas ang upper body.

“Drive slower” sigaw ng dalaga. “Leilani! Get inside” sigaw ni Jay sabay napahawak sa shorts ng dalaga. “Kukunan ko siya, slower Jay” sabi ng dalaga. Napatingin ang binata sa rear view mirror, wala naman sila kasunod kaya binagalan niya ng husto hanggang sa tinigil niya yung kotse.

Nang makalanding yung eroplano tuwang tuwa si Leilani na pinanood yung video. “Clark na yang area na yan, would you like to go there?” tanong ni Jay. “Its getting late” pacute ng dalaga. “Sorry talaga” bulong ni Jay. “Okay lang no, its normal to get lost, its part of the fun” lambing ni Leilani.

Isang oras lumipas nakapasok na sila sa Subic kaya pareho silang napangiti. “Wow, everything here looks so organized and clean” sabi ng dalaga. “Uy Starbucks o” sabi ni Jay. “Maybe we can go around tomorrow, its getting dark so we need to find a place to stay” sabi ni Leilani.

“Sorry talaga ha, I took two wrong turns kaya late tuloy tayo” sabi ni Jay. “Ano ka ba? Okay lang no, at least next time alam na natin” sabi ni Leilani kaya napangiti si Jay. “Wait, lets try the nearest hotel, turn right daw” sabi ng dalaga.

Isang oras na paglilibot wala silang mahanap na hotel na may bakanteng kwarto. “Have we tried all the hotels?” tanong ni Jay. “No” bulong ni Leilani. Tinabi ni Jay yung kotse saka tinignan yung phone ng dalaga. “Ang dami pa palang hotel dito sa isang area” sabi niya.

“Pero Jay…the rates are expensive” sabi ng dalaga. “So? Oh look eto o group of hotels near the boardwalk, tara don” sabi ni Jay. “Kasi ikaw na gumastos ng lahat, gusto ko naman sana ako magbabayad ng rooms natin” sabi ni Leilani. “Nonsense, lets go” sabi ni Jay. “Short yung dala kong pera, may nakita akong ATM a few blocks so can we go there first?” tanong ni Leilani.

“No, we can go there tomorrow. Will you relax, pero niloko ata ako ng kaibigan ko, sabi niya pakita ko lang tong card tapos bibigyan tayo VIP treatment” sabi ni Jay. “If may kwartong available, nakalagay naman dito sa card yon” sabi ng dalaga kaya natawa nalang si Jay. “Oo nga pala, I didn’t read. Anyway sa boardwalk tayo” sabi  ng binata.

Ilang minuto lumipas napatigil yung kotse, pareho silang titig sa makulay na lighthouse ng isang hotel. “I think its very expensive here, just look at the cars parked o…oh look artista yon o” sabi ng dalaga kaya napatingin si Jay. “Its nice, tara dito tayo” sabi ng binata. “Jay please, iba nalang” sabi ng dalaga kaya bumwelta si Jay at nakita yung mas simpleng hotel sa malapit.

“Oh look oh look someone seems to be checking out” sabi ni Jay kaya pinaspasan niya pinarada yung kotse sa vacant space. “Wait here and I will go check” sabi ni Jay. “Sasama ako” pilit ng dalaga kaya pareho silang pumasok at nagtungo sa lobby.

ATOMICΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα