Chapter 14: Issue

10.9K 175 35
                                    

Chapter 14: Issue

Lunes ng umaga sa tambayan pagdating ni Jay napansin na niya yung kakaibang tingin nga kabarkada niya. “Let me guess, tungkol ito don sa photo ano?” tanong niya. “At kailan ka pa nag out of town? Kailan ka pa natuto?” banat ni Jenny.

“Ilang beses ka namin niyaya mag out of town pero ayaw mo then makita namin sa Facebook nag out of town kayo?” dagdag ni Paulette. “Pero that is not the point actually, Jay bakit ganon yung photo niyo? Explain” sabi ni Vivian.

Huminga ng malalim si Jay sabay tinignan yung boys. “No comment kami diyan pare” sabi ni Bryan. “Fine, kasi ganito po yon. Para maliwanag, she came to me last Friday asking me to accompany her to a photo shoot. Isang sa mga pangarap niya ay maging model of sorts, a friend na photographer offered to make her portfolio, so ayon pumayag ako”

“Teka bago kayo mag react patapusin niyo ako. Hindi ko siya matanggihan, oo alam ko ang lugar ko sa buhay niya. Kaibigan lang pero pano ko siya tatanggihan? I super like her and kahit pumasok ang moralidad sa isipan ko na big no no kasi may boyfriend siya, pano ko tatanggihan ang crush ko?” sabi ni Jay.

Magsasalita sana si Jenny pero siniko siya ni Paulette, “Let him finish” sabi niya. “Thank you, now oo alam ko never ako sumama sa inyo mag out of town. The reason is that…hindi ko maiwanan ang mama ko at kapatid ko. Ever since I was little, my dad would always tell me to take care of them while he was gone”

“Kaya di ako makasama sa late night gimmicks niyo, kaya di ako makasama sa out of town. Ayaw ko lang talaga may masamang mangyari tapos wala ako. I made a promise to my dad, so I kept it even if it meant sacrificing a lot. Pero nangako ako e so patawarin niyo ako if you think I didn’t want to go with you. Now bakit ako sumama sa kanya? Well hesistant ako, pero sabi ng daddy ko nandito na daw siya at siya na daw bahala sa mommy ko at kay John”

“He gave me permission to go so I went with Leilani. Ngayon pwede na ako sumama sa inyo sa late night gimmicks, pwede na ako sumama sa inyo sa out of town trips. My job is done, if you cannot understand that then I do apologize” sabi ni Jay.

Natameme ang kanyang mag kaibigan at ni isa walang nakapagsalita. “Now you all know the truth, so next question please” landi ni Jay kaya napangiti nalang ang mga kaibigan niya. “Jay, yung photo” sabi ni Paulette. “Ah yes, well nung pauwi na kami dito after nung shoot nakakita ako ng very nice spot overlooking the ocean”

“My mom prepared snacks for us, di pa namin nagalaw so I decided na magpicnic kami. On the spot picnic, ginamit namin yung car mats nga e. She loved the view, she took so many photos then habang kumakain kami bigla niya naisip na magselfie kami. Hesistant ako talaga, I swear alam ko limitations ko pero nung tinanong niya bakit ayaw ko wala ako masagot”

“So ayun pumayag ako, I didn’t know she would post it but she did. I was worried talaga. Ayaw ko talaga magkaproblema sila ng boyfriend niya. So if you look at the photos I was half smiling, well more than half kasi kadikit ko si crush e. Siguro naman alam niyo na ano feeling non so if mali man ako then again I apologize” sabi ni Jay.

“Ang daming likes” sabi ni Jenny. “Really?” tanong ni Jay. “Don’t tell me di mo pa nakita” sabi ni Vivian. “Hindi pa e, I was too busy” sabi ng binata. “Well nagtataka lang kami kasi walang violent reactions and not even one sa replies asked who you were or wala man lang nagtukso” sabi ni Paulette.

ATOMICOnde as histórias ganham vida. Descobre agora