Chapter 2: Chance Encounter

12K 192 22
                                    

Chapter 2: Chance Encounter

“Araw araw ba magiging ganito? Pinipilit niyo ako magkaroon ng girlfriend? Look alam ko may usapan tayo noong high school tayo. Pero hindi naman ito contest kasi. So what kung matalo ako at ako yung hindi nagkaroon ng girlfriend, iuunfriend niyo ba ako sa Facebook?”

“Oh come on. If ever wala pa ako girlfriend pagpasok ng fourth year then it will not mean talo ako. Ang pangit naman pag sinabing talo kasi lalabas contest ito. Respeto naman sa mga girlfriend niyo, baka mamaya isipin nila kaya niyo sila niligawan kasi gusto niyo manalo” banat ni Jay.

“Well he has a point” sabi ni Vivian. “Oo nga now I have doubts” sabi ni Paulette. “Gago ka kasi pare e, tignan mo na” sabi ni Bryan. “Kasalanan niyo naman kasi, pinipilit niyo ako magkaroon ng girlfriend” sabi ni Jay.

“Sige ikaw din baka wala ka nang mahanap in the long run” sabi ni Ronald. “Dude, lalake tayo no. Mas madaming babae sa mundo, tapos yung ibang mga lalake hanap narin kapwa lalake that means the ratio on woman to a real man is greater now. So relax lang ako at baka meron isa diyan ang hinahanap e yung katulad ko”

“At malay niyo yung babae na yon ang hinahanap ko din. E kung pareho kami mag effort at maghanap baka magkasalisi kami diba? Kaya ako relax lang, pero teka lang baka sabihin niyo mayabang ako. Siguro naman sa itsura kong ito e pwede narin ako matawag na handsome, tama ba? Or kahit handsome-ish…cute-ish…ayaw ko naman sabihin yon kasi baka sabihin niyo mafeeling ako. So girls handsome naman ako diba?” sabi ni Jay.

“Yeah you are, kaya nga nireto kita don sa dati kong schoolmate e. I gave her your number” sabi ni Jenny. “Kaya naman pala cannot be reached na daw ako sabi ng papa ko. Pinamigay mo na number ko sa ibang tao” banat ni Jay kaya natawa ang mag barkada niyang lalake.

“Korny mo, so did she text you?” tanong ni Jenny. “Ewan ko eto phone ko check mo” sabi ni Jay. Nagkumpulan ang mga dalaga at pinagbabasa ang mga text message ng binata. “Eto nakita ko…ang gago mo! Eto number niya e” sigaw ni Jenny kaya natawa si Jay. “Bakit bakit ano sabi niya?” tanong ni Bryan kaya nakisiksik na sila.

Unknown number: Hai!

Jay: Konichiwa. Watashi namae desuka?

Unknown number: Ano?

Jay: Mushi mushi anone anone anone

Unknown number: Tse! Tado!

Halakhakan ang magkakaibigan maliban kay Jenny. “Bakit naman ganon ginawa mo?” tanong ng dalaga. “Excuse me akala ko kinakausap niya ako ng Japanese kaya sumagot ako ng what is your name. Ano ba kasi yung text niya? Kung H-I then alam ko isasagot ko, sasagot ako ng hello” paliwanag ni Jay.

“Eesh ang gago mo, it’s the same as hi” sabi ni Jenny. “Sorry naman, how should I know diba?” sabi ni Jay. “Eto pa isa eto pa isa” sabi ni Bryan.

Unknown number: Hi phO

Jay: Excuse me di ako pumapatol sa kindergarten, di ako pedophile

Unknown number: di akO kindEr, cOlleGe na akO

Jay: utak kinder naman

Unknown number: GagO kA, akAla mo kung sinO kang gwapO!

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon