Chapter 20: Interventions

10.5K 166 19
                                    

Chapter 20: Interventions

Kinabukasan ng dismissal nakasimangot si Jay habang pinapanood mga kaibigan niya na kumakain. “Walanghiya kayong anim, mga sakim. Taking advantage kayo, ako dapat nililibre niyo kasi may problema ako” sabi ni Jay.

“Pare kaya magkakasama tayo ngayon kasi we are your friends. We are here for you” banat ni Bryan. “Sabi mo kahapon magkikita tayo, mas nakatipid ako sana” biro ni Jay kaya natawa si Jenny. “E narinig nila e, at ang importante nandito kami para sa iyo. More friends, more point of views” pacute ni Jenny.

“Tapos dito pa sa mahal na restaurant, pwede naman sa fastfood ah” reklamo ni Jay. “Pare pag mas mahal yung pagkain mas maganda yung advice na makukuha mo” sabi ni Ronald. “Pati ikaw nagpapatawa ka na? Kailan ka pa natuto?” tanong ni Jay. “Dala din yan ng mahal na pagkain pare” sagot ni Ron kaya nagtawanan silang lahat.

“So ano masasabi niyo?” tanong ni Jay. “Syempre masarap” sabi ni Stephen. “Yung problema ko pare, hindi yung pagkain” sabi ni Jay. “Di maganda ang nanunulot, period” sabi ni Bryan. “Langya yun lang sasabihin niyo?” tanong ni Jay. “Basically that is it” sabi ni Jenny kaya natawa si Jay at inuga ang kanyang ulo.

“Kasalanan mo naman yan e, sana noon pa iniwasan mo na. Pero sabi mo magmumukha kang masamang tao. O ngayon nainlove ka na sa kanya. O diba? Kung dati konting sakit lang sana mararamdaman mo, ngayon mas masakit yang pinasok mo” sabi ni Bryan.

“Oo nga pare, kasi dalawa lang naman pwede mong gawin e. Una iwasan mo na siya. Friends parin pero dumistansya ka na. You can remain as friends naman e. Second, tuloy mo yan at masabihan ka niya ng tuluyan, mas masakit yon” sabi ni Stephen.

“Kayo naman kasi ang clingy niyo sa isa’t isa” sabi ni Paulette. “Siya naman yon e” sabi ni Jay. “Gustong gusto mo naman” sumbat ni Vivian. “Syempre! Gustong gusto ko talaga” sabi ni Jay sabay tumawa mag isa. “Napag usapan niyo ba boyfriend niya?” tanong ni Paulette.

“Never” sabi ni Jay. “Makes you wonder bakit siya ganon, pero Jay di ko sinasabi na masamang babae siya ha. Baka malambing lang siya talaga” sabi ni Jenny. “Just like Rochelle diba?” sabi ni Vivian at bigla nilang pinag usapan yung kaibigan nila nung first year sila.

“Kung iiwasan ko siya di ko talaga kaya gawin yon” sabi ni Jay. “E di magpakamanhid ka. If she clings to you then isipin mo boyfriend niya. Wag mo enjoyin. Wag ka din yayakap o aakbay sa kanya” sermon ni Paulette.

“Excuse me, kusa nalang na gumagalaw katawan ko no. Alam ko nakita niyo yung pagyakap ko sa kanya nung Sabado. That was my body acting on its own. Nung natauhan ako nagulat nga ako talaga pero nandon na e…di na ako bumitaw kasi ang sarap ng feeling” sabi ni Jay.

Tumunog phone ni Jay kaya agad niya ito nilabas. Inagaw ni Jenny agad phone ng binata sabay tinago sa bag niya. “Uy akin nab aka siya yung angtext sabi ni Jay. “It starts now, make yourself unavailable to her” sabi ni Jenny. “Akin na phone ko, baka importante yan e” sabi ni Jay.

“Pare listen to her, makakatulong ito sa iyo. Kailangan mo maging iresponsable. Tama siya isang paraan ito para mabadtrip siya sa iyo” sabi ni Bryan. “I will only ask one more time, give me my phone” sabi ni Jay kaya nagulat ang mga kaibigan niya.

ATOMICWhere stories live. Discover now