Chapter 5: Mini Bomb

11.6K 200 7
                                    

Chapter 5: Mini Bomb

“If ever first ko magkakaroon ng bagsak this sem ata. This professor is giving me a hard time” sabi ni Bryan. “Then stop looking at her. Stop fantasizing about her” biglang sagot ni Jay kaya umariba sa tawa yung iba. “Baliw lalake yung professor ko” sabat ni Bryan.

Umatras si Jay, nagtakip ng bibig sabay pinalaki ang kanyang mga mata. “Ooooh did you just come out my friend?” banat niya kaya napahalakhak ng husto si Paulette. “Shut up Jay, nagsimula ka nanaman e” sabi ni Bryan. “For your information kami ni Pet may terror na prof pero kakayanin namin yon” sabi ni Jay.

“Style niya lang yan, pero lagi naman mataas grades niya” lambing ni Paulette. “Uy alam niyo guys may sikreto si Jay” sabi ni Vivian kaya nanlaki ang mga mata ng binata. “Oo nga, may future siyang maging actor” sabi ni Jenny. “Oh no please” bulong ni Jay.

“What is this immense feeling…arrhhhh” bigkas ni Paulette tila ginagaya yung drama ni Jay sa video. Super tawanan yung girls kaya tinakpan ni Jay mukha niya. “I saw her many times buying a panty liner so I told my mom…I wanted to wear one too” banat ni Jenny kaya napatawa si Jay ng malakas.

“Bruha hindi ganon yon” sabi ni Jay. “Oh so gusto mo sabihin ko yung tamang linya?” hamon ni Jenny. “Ayaw” bulong ni Jay kaya laugh trip yung mga dalaga. “Oy ano ba yan? Tungkol saan yan?” tanong ni Stephen. “Basta, oh may kumalakat na video sa Facebook, title niya e torpe caught on camera…so far may three hits palang siya”

“Sana may mag upload non sa Youtube” banat ni Vivian kaya inuga ni Jay ulo niya. “Trending and bully na torpe” sabi ni Jenny kaya natawa nalang si Jay. “Ronald, Stephen, Bryan, my long time friends it is about time” sabi ni Jay kaya lahat napatingin sa kanya. “Bryan naalala mo pa ba nung magkasama tayo after mo maghatid ng roses sa bahay nina Paulette? Yung bigla mo ako pinangggigilan sa kotse ko. Nagkapasa pasa ako non pare”

“Stephen, naalala mo pa ba nung sinagot ka ni Vi? Pinaghahalikan mo ako gago ka. Na bear hug mo pa ako tapos nakita pa tayo ng mga kapitbahay nila nung nasmack mo ako lips” kwento ni Jay kaya napahalakhak ulit ang mga dalaga.

“Ron, naalala mo pa nung muntikan na tayo makulong? Nung sinagot ka ni Jenny…nung nasa kotse na tayo bigla kang nagsisigaw sa tuwa tapos hinuli tayo ng pulis” sabi ni Jay. “Gago kasalanan mo yon. Bakit ka kasi nagsisigaw ng rape” bulyaw ni Ronald kaya halos mamatay na sa tawa ang mga dalaga.

“Shit dinala tayo sa presinto, akala nila naka drugs tayo. Your dad had to fetch us. Nasermonan pa tayo. Mga pre, ang tagal na sobra na sinusubukan ko intindihin bakit ganon naging reaksyon niyo. Pero lately I think I get it now. Nakilala ko na yung crush ko mga pre at alam ko nakilala palang, ibang level kumpara nung sinagot kayo nitong tatlo…”

“Pero I get it now, ang sarap ng feeling mga gago kayo! Yung tinutukoy nila kanina ako yon. Yeah I met her already and I am so damn lucky that I got a chance to spend a few minutes with her in the canteen. Kay dali sabihin na happy ka pero that moment na kasama ko siya sa canteen”

“Parang doon ko lang nalaman yung totoong kahulugan ng happiness. Ang babaw ko alam ko pero pagbigyan niyo na ako. Para bang nagtrade places mga scrotum ko…bituka ko parang nagpaikot ikot tapos puso ko sige pump ng pump..pump ng pump ng dugo kaya para akong kiti kiti na ewan” sabi ni Jay kaya bungisngis ang mga kaibigan niya.

ATOMICWhere stories live. Discover now