Chapter 11

18 3 0
                                    

Nilibot ko ang tingin ko sa apartment na napakalaki. I don't know where we are pero ang tanging alam ko lang nasa isang condo kami na napakalaki.

" Sayo 'to? " usal ko habang nanatiling nililibot ko ang tingin ko sa kabuan ng condo. Agad na napakunot noo ako nung makita ko ang isang gamit na pink na pouch na nakalagay sa couch.

" Nope..This is my fiancee apartment.." marahan akong napatango sa sinabi niya. Ah, kaya pala may pink pouch doon. Akala ko nag dadala siya ng babae niya condo eh.

Napatingin ako sa kanya na abala sa printer sa gilid. Ewan ko ba kung ano yung priniprint niya doon. Nilapitan ko siya ng bahagya para panoorin lang siya. Tanging tunog lang ng printer ang maingay sa pagitan namin. Nung lumabas na yung papel agad na napalaki yung mata ko. Yun yung contract namin! Oo nga pala kailangan ko yung irevised para hindi rin ako dehado.

" Oy, yung tungkol pala sa contract. Baguhin natin 'yun! " bossy kong usal sa kanya.

Bahagyang kumunot yung noo niya dahil sa sinabi ko. Ba't ganyan yung reaction niya?

" Are you kidding me? " balik na sagot niya.

" Tsk, ang daya! Ikaw lang may karapatan na mag lagay ng rules? "

" Oo.." mabilis niyang hasik na ikina-taray ko.

" Hindi ako payag! " pag mamatigas ko. Aba, Kailangan kong mag matigas para hindi ako luge dito!

Binalingan niya ko ng titig na ikina-ilang ko naman. Bahagya niyang binaling yung leeg niya sa kaliwa na animo'y nag isip ng malalim. Nangangasar ba 'to?

" Tingin-tingin mo? "

" Binabayaran kita, diba? " nung marinig ko yung tanong na yun para isang mic yun na nag echo sa akin na ikina-asar ko. Wow, ah! Porket binabayaran niya ko wala na kong karapatan sabihin yung opinion ko? Ganun ba yun?

" Lakas din ng apog mo, ah! Oy! Binabayaran mo nga ko pero alalahanin mo nasa akin yung repustasyon ninyong dalawa ng fiancee mo! Kung hindi ako pumayag, wala ka ngayong solusyon sa problema mo. " hasik ko sa kanya. Tinitimbang ko yung reaksyon niya sa mga pinag sasabi ko. Isa lang masasabi ko ang kapal talaga ng mukha niya. Wala siyang reaksyon...as in, nakatitig lang siya sa akin na blangko ang reaction. Kainis talaga!

" And then? " he hissed.

Mariin kong pinikit ang mata ko dahil kung hindi lang ako marunong mag timpi siguro meron na 'tong banggas ngayon sa mukha.

Tinalikuran ko nalang siya at umalis sa puwesto ko doon. Bwiset talaga siya! Arghhh! Nung may mahagip akong una na maliit agad ko yung hinagis sa kanya na sakto naman tumama sa ulo niya. Ang inis ko kanina ay napalitan ng saya. Akalain mo yun naka-one point ako.

" Sapul.." mahina kong usal bago ako ngumiti. Agad siyang lumingon na may galit na expression. Tinaas ko lang yung kilay ko sa kanya bago ako kumuha ng unan ng palihim. Nung bumalik yung tingin niya sa printer agad kong hinagis muli yung unan sa kanya at tumama naman ito sa likod lang niya. Napangiti lang ako kahit medyo palyado yung pag hagis ko.

" ANNIKA! " he shouted.

agad akong tumakbo sa pinto at tawang tawa pa rin. Kung kaya niya kong inisin kaya ko din siyang pagalitin.

--------------

Pahirapan pa niya akong tinawag para lang maupo ako sa upuan kung saan kami mag uusap ata. Syempre kailangan kong maging maingat lalo na may ginawa akong kasalanan sa kaniya. Baka mamaya bigla niya kong suntukin dahil sa kalokohan ko.

" Maupo ka na." pagod niyang usal dahil nakaka-limang sabi na 'ata siya nun.

" Pwede naman tayong mag usap ng ganito kalayo. " pag rarason ko.

" Annika, may trabaho pa kong gagawin. Please, sit down.." nag mamaka-awa ba siya? Napanguso lang ako bago ako tuluyang lumapit sa kanya at umupo sa upuan. Agad niyang binigay sa akin yung isang papel na same lang na papel na pinakuha niya kanina.

" Here's our contract. "

" Anong gagawin ko dito? "

" Sign it after you read it.."

Nung binasa ko yun agad na napadako yung mata ko sa dalawang blangko doon.

" Bakit may blangko? "

" Write whatever you want.."

Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ba siya? Lihim akong napangiti. Kahit pala papaano mabait din pala siya. Nag sulat na ako doon at agad na pinirmahan iyon.

Tanging isa lang yung nilagay ko na rules na gusto ko...

" Always respect me as your fake fiancee..."

" We're now settled for our contract.." he uttered.

May inabot muli siyang papel na medyo marami.

" Read it then signed it after you read that paper. "

" Ngayon ko babasahin? "

" Nope.. sa apartment mo nalang basahin yan but please make sure walang makakakita niyan. You can read our privacy issue between my real fiancee.." he murmured.

Privacy issue? Eh, bakit pinapa-basa niya sa akin?

" Bakit kailangan kong malaman? " taka kong usal..

Napatingin ako sa mata niyang may bahid na parang nasasaktan siya. Wait! Tama ba yung nakikita ko?

" It's for emergency purposes.." maikli niyang bulalas bago siya tumayo.

Kinuha ko yung papel at sumunod sa kanya. Nung makalabas kami sa apartment ng fiancee niya agad na dumiretso kami sa kotse niya. Tahimik akong sumakay sa kotse niya at ganun din siya. Napatingin lang ako sa harapan habang nag da-drive siya. Ba't parang may mali?

Agad na umingay lang ang paligid dahil sa pag tunong ng phone niya. Nung sinagot niya yun dahil sa katahimikan naririnig ko ang boses sa kabilang linya

" Nagawan mo na ng paraan? " the girl murmured on another line.

Kinuha ko nalang yung phone ko at sinuot yung earphone ko. Ayoko marinig ang usapan ng iba lalo na kung privacy ito.
Nanatili akong tahimik sa buong byahe habag nag papatugtog lang.

Napatingin muli ako sa papel na hawak ko. Tungkol saan naman kaya 'to?

FINDING FAKE GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon