CHAPTER 2

83 41 10
                                    

CHAPTER 2

Nag mamadali kong sinuot yung disenteng damit ko para sa interview mamaya. Nag suot lang ako ng white polo at denim pants. Nauna na si Jessica kanina sa Auditorium B3 kung saan gaganapin yung event ng company ng mga Wilford. Bahagya kong inayos yung buhok ko para hindi mag mukha akong basahan mamaya pag interview na. This interview was precious moments for us kaya naman kailangan kong maging presentable ngayon.

Sinukbit ko na yung bag kong shoulder mini na nakalapag sa study table ko. Pag tapak ko palang sa corridor halos bumulaga sa akin ang mga estudiyante na sobrang bongga ng suot. Yung iba meron pang accessories sa katawan at naka-killer heels pa sila. Grabe! Iba talaga pag may kaya sa buhay!

Tinahak ko na ang papunta sa Auditorium B3 kung saan gaganapin ang event na 'to habang nag lalakad ako nag iisip na ko ng pwedeng sasabihin ko pag tinanong na ko ng mga interviewee ng biglang may isang pesteng nilalang ang bumunggo sa balikat ko. Anak ng tupa! Ang sakit! Napadapa ako sa sahig ng wala sa oras at kung minamalas ka nga naman una tuhod pa! Buti nalang naka-pantalon ako kaya medyo naibsan yung sakit.

" Sorry, Miss..." untag nung nakabunggo sa akin. Imbes na tulungan ako agad itong umalikod  sa akin at nag simulang humakbang palayo. Ganon lang yon? Sorry lang?

" Oy, lalaki! " sigaw ko bago ako tumayo mag isa at tinuro siya. Akala ko ipag papatuloy lang niya yung pag lalakad ng bigla siyang lumingon. Base on his apperance, mukha palang siyang 3rd year! Gosh! Bastos naman na Junior 'to.

" Why? " he asked while his expression was blanked. Don't tell me ganyan din expression niya nung nag sorry siya sa akin kanina? Bastos na nilalang talaga!

" Iho, anong year ka na? 2nd or 3rd? " sita ko sa kanya. Tumaas ang kilay ko nung nilagay pa niya yung kamay niya sa pocket ng pantalon niya. Bastos nga talaga!

" Why are you asking? " he asked without expression again.

" I'm your Senior, show some respect.." puna ko. Yung kaninang blankong expression ay napalitan ng mapanuri. Agad na sinuri ako ng mga mata niya kaya agad akong nailang.

" So, are you attending interview, huh? " he asked without showing a respect again. What a boy!

" Show respect kid..." untag ko nalang bago ako humakbang para lagpasan siya. Nakaka-apat palang ako ng hakbang ng bigla siyang mag salita .

" Kid? Offensive, huh?.. " he chuckled.

Hindi ko nalang siya pinakinggan pa at dumiretso nalang ako sa Auditorium B3 Room. Nung makita ko si Jessica agad ko siyang dinaluhan.

" Tagal mo, girl? Anyare sayo? Lapit lapit lang ng dorm natin dito, ah. Ano na traffic ka? " pangangasar niya.

" May asungot na bumangga sa akin. Ang sakit pa naman! " reklamo ko.

" Asungot? Saan ka naman nabangga, aber? "

" Jusme! Wag mo ng tanungin! Oh, anong balita na? " usal ko habang naka-nguso sa mga estudiyanteng nakapila na.

" Tagal mo! Yan pang dulo na tuloy tayo! " agad na kaming pumila habang nag rereklamo tong isa na kesyo ang tagal ko kaya kami pang dulo na at kung ano-ano pa!

Nag usap lang kami ng mahigit one hour ni Jessica. Ganito pala ang interview, noh? Kakapagod tumayo para lang pumili.

" Tatlo nalang at ikaw na ang next Annika. " hasik ng katabi ko. Para siyang bulati na hindi mapakali sa pag tayo. Ano ba naman 'tong kaibigan ko may lahi ba 'tong uod dati?

" Oh my gosh! I need breath.." usal niya. Napailing nalang ako dahil sa kagagahan niya.

" Air yun, Jessica! Hindi breath! Gawa gawa ka talaga.." ganyan siya lagi pag kabado hindi malaman kung ano ang gagawin sa buhay niya.

"Next, Annika Sandoval! Please come forward! " tawag nung isang lalaki na naka-suit pa. Bahagya akong hinampas ni Jessica bago ako tuluyang nakapasok.

Pag pasok ko palang agad na sumalubong sa akin ang ihip ng aircon. Napalingon ako sa harap at isang upuan lang ang nandoon. Nye? Isa lang ang mag iinterview?

" Sit down, Miss... and your card please.." pormal na usal ng lalaking naka-suit kanina. Siya din yung bumigkas ng pangalan ko nung tinawag niya ko.

Binigay ko sa kanya yung card ko at inilagay naman niya iyon sa desk ng mag iinterview sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan dahanpumasok ang isang lalaki na malamang na yung mag iinterview sa akin ngayon. Agad siyang yumuko para tignan yung card ko na nakalagay sa desk niya.

" Miss Annika Sandoval.." when he pronounced my name kasabay iyon ng pag angat niya ng tingin sa akin.

Nung makita ko yung mukha niya agad akong napatakip sa bibig dahil sa gulat. No! Bakit siya nasa upuan na yan? Omo!

" Thank you for coming here to have an interview.." pormal niyang untag bago humalikipkip. Agad na nag bara yung lalamunan ko dahil sa nakikita ko ngayon.

" By the way, I'm the CEO of Wilford Company.." he uttered while he looking at me.

Agad akong naubusan ng hininga dahil sa sinabi niya. What did he say? He say what?!

FINDING FAKE GIRLFRIEND Where stories live. Discover now