CHAPTER 7

31 5 1
                                    


Agad niyang pinaandar yung kotse niya para makaalis na kami. Hindi ko alam kung ano yung magiging next na pupuntahan namin.

" How did you know? " agad na binalot ng baritonong boses ang paligid namin sa sobrang tahimik sa loob ng kotse niya. Tanging tunong aircon lang ang naririnig namin.

" Sa babaeng staff kung saan tayo kumuha ng gown.." pag amin ko sa kanya bago ko bahagyang kinagat yung pang ibang labi ko.

" What did you say? " tanong niya dahilan para tumingin ako sa bandang gawi niya. Agad na nag tama ang mata namin habang nanatiling nakalagay sa manibela ang kamay niya. Bakit naiilang ako? Gosh! Wag kang abno pulso!

" A-ano? Hindi kita maintindihan..." taka kong usal. Bahagya niyang tinaas yung kilay niya bago inalis ang paningin niya sa akin.

" Hindi ka ba nahalata na hindi ikaw siya? "

Dahan dahan akong napatango nung magets ko na yung ibig niyang sabihin.

" Don't worry! Best actress ako..." proud kong bulalas sa kanya para mag biro.

" Good.." tanging usal niya. Wala talagang kwentang kausap, eh! Walang sense of humor!

One hours has been passed and still I don't know where we're going. Naka-idlip na ko lahat-lahat at nasa kalsada pa rin kami.

" San ba 'tayo pupunta? " baling ko sa kanya.

Bahagyang sumasakit pa ang tiyan ko dahil wala pa kong breakfast. Aish! Sumabay pa nga daw!

" Venue.." tipid niya saad.

" Huh? Para saan naman? "

Nung kumalam ang sikmura ko agad akong napadaing dahil kumikirot na rin yung tiyan ko.

" Sa wedding venue..." he calmly said.

WHAT? DOON? WAIT! WAIT! EH, HINDI PA NGA KO PREPARED! CAN SOMEONE SAID TO ME THAT'S ONLY A PRANK?!

" Seryoso ka? " pilosopo kong tanong.

He looked at me before he give me an answer.

" I'm serious, noob..."

Shemay!

---------

Nasa Liavera Hall kami ngayon kung saan gaganapin ang kasalan. Garden Island type yung sahig kaya medyo peacefully yung vibes para sa 'akin.

" Don't eat too much.." pag bibigay babala ng asungot kong katabi.

Napatingin ako sa mala-fiesta na nakahain sa akin. Agad kong kinuha yung juice at uminom ng bongang-bongga.

" Control yourself.." dagdag muli niya.

Kumuha ako ng kanin at ulam bago ako marahang tumango sa kanya. Tumagal ako ng ilang minuto lang sa pag kain dahil ang asungot ay agad na kong hinila. Panira talaga eh!

" Hoy! Hindi pa ko tapos kumain.." sita ko.

" It's enough..."

Enough? Tapos niya kong gutomin? Loko-loko talaga, eh! Wala kong nagawa kundi sumunod sa kanya. Kasalukuyang nasa make up room ako. I didn't imagine na ikakasal ako ng ganitong kaaga at biglaan. Like duh? Every girl dream a fantastic wedding concept and not like this!

" We're done, Ma'am Ysabble..." usal ng nag make up artists sa akin.

Nag pasalamat lang ako sa kanya bago ko puntahan si Sir Joshua sa kabilang kuwarto. Pag bukas ko palang ng pinto agad na bumungad sa akin ang naka-suit na lalaki. Napatingin ako sa buhok niyang nakataas ng bahagya dahil sa wax 'ata na nilagay.

" Your done? "

He look totally different right now...

" Hey, your done? "

Napadako naman ang mata ko sapatos niyang parang diamond kung kumislap dahil sa sobrang itim at kinis nito. Titingin na sana ako sa ibang bahagi ng katawan niya nung agad akong natauhan ng may pumitik sa noo ko.

" Aray ko naman! " inda ko.

" You're not answering on my question, noob.."

Namumuro na 'tong lalaki na 'to ah!

" Hindi noob pangalan ko.."

" But that name was really fit to you.." he mocked.

Napairap nalang ako dahil sa pinagsasabi niya. Gwapo na sana kaso may mental problem sa utak.

" Punta ka sa hospital.." usal ko na ikina-kunot ng noo niya. Hindi gets ng mokong! Napatawa nalang ako bago ako nag kibit balikat sa kanya.

FINDING FAKE GIRLFRIEND जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें