Chapter 10

18 6 3
                                    

Chapter 10

Agad ko siyang nakita na nakatayo sa gilid ng kotse niya. He's wearing blue long sleeve polo with his black pants. Mas lalo siyang naging matikas dahil sa relo na suot niya sa right wrist niya. Agad kong binagalan yung lakad ko at marahan siyang tinignan mula sa malayo. They're right! I can't deny na gwapo nga talaga siya.

Nung agad siyang tumingin sa direksiyon ko ang maamo niyang mukha ay agad na nalukot. Ang aga aga ganyan agad ang bungad!

" Tagal mo.." usal niya ng makalapit ako.

" Ang bilis ko nga eh! Wala pang 2 minutes nasa parking lot na agad ako." prangka kong usal sa kanya.

" Nandito na ko ng six o'clock pa lang.." he hissed.

Agad na napalaki ang mata ko. Six o'clock? Eh, tinawagan nga niya nga ko ng ganun oras? Nag bibiro ba siya?!

" Tsk..liar.." hasik ko bago ko tinangkang buksan sana yung pinto ng kotse niya dahil sa sobrang lakas ng puwersa agad akong nawalan ng balanse dahilan para tulungan niya kong hindi matumba. He's holding my right wrist habang yung isang kamay niya ay nasa likod ko.

Agad na naramdaman ko yung kuryente nung mag dikit yung mga balat namin. This is our first skinship na sobrang lapit. My heart suddenly beats faster. Inayos ko agad yung tayo ko bago ako naiilang tumingin sa kanya.

" B-b-bakit ba ang hirap buksan ng p-pinto ng k-kotse mo? " goshh! Ba't ako nauutal?!

" Mag antay ka kasi.." he said in a sarcastic way.

May kinuha siya sa pocket ng bulsa niya at pinindot iyon dahilan para tumunog yung kotse niya. Ano naman yun?

" Sakay na.." he whispered. Bahagya akong lumayo bago ako tuluyang sumakay sa kotse niya. Umikot pa siya bago siya tuluyang nakasakay sa kotse niya. Napalihis agad ako ng tingin papunta sa bintana ng maalala ko na naman yung nangyari kanina sa labas.

Geh! Utak, paalala mo pa yung kahihiyan moments ko?! Bwiset!

" Dala mo yung contract? " he said before he start the engine.

Contract? Anong contract?

" Ano yun? " clueless kong tanong sa kanya. Masama niya kong tinignan bago dahang dahan na binuka yung bibig niya.

" ANNIKA! " he shouted. Agad na napadako yung kamay ko sa mag kabilang tenga ko. May balak ba siyang sirain yung eardrums ko? Kainis!

" Nasan na yun? " tanong niya agad.

" Nasa apartment. Naiwan ko yata sa sala namin. "

" May kasama ka doon? "

" Yup, yung bestfriend ko."

Agad na binatukan niya ko na ikinagulat ko. Oy! Physical abuse yun ah!

" Kunin mo doon.." mariin niyang utos. Bakit ba atat siyang kunin ko yon?

" Ayoko! Malayo yung apartment ko. Nakakapagod kaya! "

" Annika! You need to find it before your bestfriend finds it. " galit niyang utos sa akin. Ano bang meron sa contract na yun?

" Tsk...oo na! Sandali lang ah! " binuksan ko yung pinto ng kotse niya bago tuluyang bumaba.

" Kung makautos wagas..." I whispered.

" I can hear you..." he uttered. Lumingon lang ako sa kanya bago ko ibalibag muli yung pinto ng kotse niya. Talagang sisirain ko ng tuluyan yung pinto ng kotse niya! Antayin mo lang na bumingo ka sa akin!

Nag simula na kong mag lakad nung marinig ko na naman yung boses niya.

" YOU NEED TO RUN, ANNIKA! " napairap agad ako bago ako tuluyang tumakbo para lang sa bwiset na papel na yun!

-------------

Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng apartment namin. Nung buksan ko 'to agad na bumungad sa akin si Jessica na hawak yung contract na bigay ni Sir. Joshua sa akin kagabi. Agad na napalingon siya sa direksiyon ng pinto kung nasaan ako.

" Annika, ano 'to, huh? "

" Akin na yan.." agad kong inagaw yung contract sa kanya.

" Pumayag ka sa ganyang rules? " nag hysterical na tanong niya. Nagtataka ko siyang tinignan bago ko binasa yung nakalagay doon.

Five rules of contract:

1.) Sleep in my condo every Friday and Saturday

2.) You need move out in your apartment

3.) Don't you ever say about our deals.

4.) Any skinship is okay.

5.) You need to kiss me infront of many people every interview.

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa malupet na rules niya. Kiss? Nahihibang na ba siya? Skinship? Eh kung sapakin ko kaya siya! Argghh! Hindi ko inaasahan na magiging ganito pala kahirap mag panggap!

" Jessica, let's talk about later! Okay? Byeeee! " tumakbo na ko palabas bago ako tadtadarin ng tanong ni Jessica. Siguro naman may karapatan akong irevised yung contract diba?

*Beep, beep*

Agad akong napahinto dahil sa pag tunog ng phone ko. Sinagot ko agad yung tawag niya.

" Did you get it? " bungad niya.

" Oo! Bwiset ka, Sir Joshua! " usal ko bago ko siya patayan.

FINDING FAKE GIRLFRIEND Where stories live. Discover now