CHAPTER 8

36 7 3
                                    

White dress...

Bouquet of flowers...

White high heels...

Groom...

Beautiful view...

Perfect reception...

Everything was really perfect, except one thing...

The bride is not a really bride...

" You may now kiss the bride.." usal ng pari hudyat na patapos na ang kasal.

Agad akong napatayo ng tuwid dahil sa sinabing 'kiss the bride ' chemerut. Napatingin ako kay Sir. Joshua na parang totohaning talaga niya. Akala ko tatanggalin niya yung belo ko pero nag kamali ako. Bahagya niyang hinarang yung kamay niya at bahagyang nilapat sa kaliwang pisnge ko ang labi niya. Kung ikaw ang makakakita parang hinalikan talaga niya ko pero it's was a trick para hindi mahalata na fake kiss 'yun.

Napatingin ako sa mga taong nasa event na 'to. They're happy without knowing the bride was missing. I wonder if the parents of Ysaballe was finding her or not?

Inalalayan ako ni Sir bumaba sa stage at nakipag-shakehands siya sa iba. Nakasunod lang ako sa likod niya na parang tanga. Gosh! Mukha akong tuod dito?!

Nag aantay ako na may makikipag usap sa akin pero wala as in walang nag babalak na lumapit sa akin. What the!

" Oy, nasan yung parents ng fiancee mo? " curios kong tanong nung matapos siyang makipag kamay sa iba.

" Bakit mo tinatanong? " masungit na tanong nito.

" Aba, syempre! Parents yun na magiging in law mo. " pabalang kong sagot. Lahat nalang ba kapag mag tatanong ako sa kanya kailangan ng rason?

" Wala sila rito.." napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Anong wala? Eh, kasal 'to ng anak nila? Sinong magulang ang hindi aattend sa kasal ng anak nila?

" Huh? As in wala? " pag kukumpirme ko.

" Bingi ka ba? "

Agad na nag angat ang kilay ko dahil sa tanong niya. Minsan talaga masarap kalbuhin ang mokong na 'to eh!

" Parents mo? Nasaan? " tanong ko muli habang nag lalakad na kami.

" Wala sila rito.." napahinto agad ako sa pag lakad dahil sa binitawan niyang salita habang siya ay patuloy lang. Wala din sila rito? Kasal ba 'tong matatawag?

Napatingin ako sa mga tao na animo'y walang pake sa amin. May mali eh...it's weird...

Napatingin ako kay Sir Joshua na may kausap na naman. Sobrang formal niyang makipag usap. Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao na may kanyang-kanyang mundo na.

Hinakbang ko na yung paa ko para sana lapitan si Sir. Joshua nung may biglang humarang sa akin...CAMERA MAN? What the?! Anong pakulo 'to?

" Can we have a photo of you, Ma'am? " tanong nung isang lalaki. Tatanggi palang sana ako nung biglang may mag flash na camera. Nag paalam pa sila! Mga baliw pala 'tong mga to eh.

Matapos ang isang camera na nag flash may dalawang camera pa ang sumunod na umilaw. Hindi ito ang inaasahan ko! Anong uri ba ng kasal ang napasukan ko? Kaloka!

Wala kong ginawa doon kundi picturan kami ng picturan. Matapos ang solo picture...kaming dalawa naman ni Sir. Joshua ang napicturan. Akala ko ba may reception? Bakit hindi kami nag punta doon? This is the most weird na kasal na attendant ko!

Kasalukuyang nasa loob ako ng kotse niya para ihatid ako. Naalis ko na yung ayos ko maliban nalang sa make up na nakadikit pa rin sa mukha ko.

" Do you want to eat? " he asked.

" Buti tinanong mo ak---- "

" Yes or no? " he impatiently asked. Napairap nalang ako dahil sa asta niya.

" Yessssssssss.." sinadya kong habaan dahil sa sobrang inis ko sa kanya.

Tinabi niya agad yung kotse niya sa nadaanan naming drive-thru. Kinuha niya sa yung wallet niya sa pocket ng pants niya.

" Paki-two order sa akin.." pag dedemand ko. Agad niya kong binalingan dahil sa sinabi ko.

" Tsk! Ibibigay ko sa kaibigan ko.." pag depensa ko agad dahil sa titig niyang mapanghusga.

" Hello, Sir! What's your order? "

" 2 Hamburger and 2 coke and 1 coffee..."

Did I heard right? Hamburger lang?!

Napabuga nalang ako sa kawalan dahil sa pagiging kuripot ng CEO ng Wilford Company!

" Bakit? Burger? " tanong ko.

" Why? You don't want? " he asked back.

" Yes...I want meal.." usal ko. Bago ako ngumiti ng hilaw sa kanya.

" Dapat sinabi mo.." he shrugged.

Tsk! Hindi naman siya kasi nag tatanong bago mag order.

" Miss, please add one meal. Chiken with rice.. "

" Bakit one lang? Make it two.."

" Are you playing with me? " naasar na niyang baling sa akin.

" Mukha ba tayong nag lalaro? " pabalang kong tanong bago ako tumingin sa babae na naka-assign sa counter.

" 2 meal, Miss.." usal ko sa kanya. Tumingin muna siya sa katabi ko bago marahang tumango at tumipa sa screen na nasa harap niya.

" You're annoying.." mahina nitong usal.

" Don't worry...the feeling is mutual.." usal ko bago ako pumikit. Bahala na siya diyan! Hayystt! Hanggang kailan kaya ako mag tatagal sa ugali niya?

FINDING FAKE GIRLFRIEND Where stories live. Discover now