CHAPTER 6

33 11 2
                                    

" Do I look like her? " Tanong ko sa kanya.

Isang mahinang buntong hininga lang ang inilabas niya bago siya nag maneho muli. He didn't respond on my question.

I stayed silent for many minutes. Hindi ma-absorb ng utak ko yung sinabi niya. Posible ba na maging mag kamuha kami? Like duh? Xerox copy? It's impossible, right? Bahagya akong napailing nalang dahil sa pinag iisip ko bago ako bahagyang sumimsim sa coffee na inorder niya sa drive thru.

" Ang pait.." tanging na bulalas ko agad. Isang higop palang humahagod na agad yung pait. Jusme! Daig pa ang ampalaya sa sobrang pait.

" Noob.." he whispered.

Agad na umikot yung mata ko dahil sa sinabi niya. Nahiya naman ako sa sobrang talino niya! Edi, siya na! Hindi na muli akong humigop sa kape. Hindi keri ng dila ko ang pagiging original ng kapeng ito. Wala man lang cream na nilagay.

Dumaan ang isang oras at sa wakas nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Pumasok lang kami sa isang shop na meroong limang palapag. Infairness, ang ganda ng interior nila! Pasok sa Instagram post!

" Hello, Sir! " pag pasok palang namin agad na may bumati sa aming babae. Napatingin ako sa kasama ko at hindi man lang siya nag abala na ngumiti. Tsk! Sungit talaga!

" We're here for our order..." he mentioned.

" Anong order? " mahina kong tanong sa kanya pag katapos umalis ng babae para asikasuhin yung sinasabi ng kasama ko. Bahagyang natuptop ang bibig ko dahil sa pag dedma niya. Sarap sapakin, eh!

Nilibot ko nalang yung paningin ko sa buong pasilidad. Puro white yung makikita mo na mga gamit even cabinet and sofa. Hindi nag tagal lumabas na yung babae na kausap ni Sir Joshua na may bitbit na wedding gown.

" Eto po.." abot niya sa amin.

This is real? Kasal nga pala namin ngayon! Pinasadahan ko agad yung wedding gown na fitted ang style nung baba nito. Naku, baka makita yung belly fats ko! Nag baba ako ng tingin para kapain yung tiyan ko. Buti nalang hindi pa ko nag breakfast.

" Wear it..." he demanded.

" Dito? " I asked back. I'm still looking on the wedding gown na hawak ko na ngayon. May bits na maliit sa palibot nito at flakes dahilan para kuminang ito ng bahagya.

" Stupid...fitting room.." he murmured.

Bahagya akong napatango bago ngumiti ng hilaw. Sabi ko nga na bobo ako! Aish! Kinuha ko yung gown at agad naman akong sinamahan ng babae.
Inabot ako ng limang minuto sa pag sukat dahil medyo mahirap siya suotin. Buti nalang talaga fit sa katawan ko at kasya.

" You look gorgeous, Ma'am Ysaballe.." pag bibigay papuri ng babae nung ihawi ko agad yung curtain. Agad akong napatigil dahil mali siya ng banggit sa pangalan ko.

" Ysaballe? " taka kong tanong.

When the realization hit me agad akong napatawa ng bahagya.

" Yeah, your right! My name is Ysaballe. " bulalas ko nalang. Dali dali akong bumalik sa loob ng fitting room bago batukan ang sarili. Wala pa 'atang isang araw mabubuko na kami. Yari ako nito kay Sir. Joshua!

Ysaballe? Her fiancee named Ysaballe, huh? Bakit kaya nawawala yung fiancee niya?

Nung matapos kong suotin yung gown, bumalik ako kung nasaan si Sir Joshua.

" You're done? "

Marahan lang akong napatango bago ibigay sa amin ng babae yung gown na naka-balot na sa malaking box.

" Thank you.." bulalas ng babae bago mag salita yung katabi ko.

" Let's go.." he said.

Ang next na pinuntahan namin ay yung isang boutique na malapit sa mall. Nag ningning agad yung mga mata ko ng makita yung mga jewelry. Don't tell me na kasama 'to?

" Here, Miss.." agad akong napatingin sa kanya nung pumili na siya. Eh? Hindi niya ba ko tatanungin kung ano ang gusto ko?

" Bakit ikaw pumipili? Diba, dapat ako? " taka kong tanong sa kanya.

" Just shut up.."

" Bakit? Tama naman ako, ah? " depensa ko.

" My true fiancee choose this. She's not you...." he fired back.

Napatikom agad yung bibig ko dahil sa sinabi niya. That's mean, bago mawala si Ysaballe nakahanda na talaga lahat para sa wedding nila?

" Ysaballe..." usal ko sapat na para marinig niya.

His reaction turned into a shock one.

" What did you say? "

Napatingin ako sa babae nung kuhanin niya yung tinuro ni Sir.

" Pretty.." tinignan ko yung pendant ng kuwintas na pinili ng tunay niyang fiancee. It's a infinite design.

FINDING FAKE GIRLFRIEND Where stories live. Discover now