Chapter 65

957 47 2
                                    

Let's celebrate the birth of our saviour, advanced merry christmas!!! God bless and enjoy this chapter<33
------------------------------------------------------------










Chapter 65










Holiday PoV










"Trevor?"










Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at inabotan ako ng champagne, nagpasalamat ako at shock parin dahil hindi ko inakalang magkikita kami ulit. Gwapo parin si trevor at mukhang successful na successful sa buhay.









"I don't look like a queen, Trevor." I said after accepting the glass of champagne.










"But you are and I think you don't need any king but a knight?" he joke again, kaya tumawa nalang ako.










"Kumusta ka na pala?"










"I'm fine, how about you?"










"Good--- may kasama ka?" he ask before taking a sip of his own champagne. Umiling ako. "What a coincidence, I'm also alone."










Pareho kaming mahinang natawa. We talked about his career, nalaman kong engineer na siya at may project sa dubai, I'm amazed on how humble and successful he was, habang naguusap kami ay may lumapit sakanyang matandang babae, the old lady whispered something that made trevor's jaw move.










"Okay." he said staring towards someone from afar. Bumaling siya sa akin at bumalik ang palakaibigan niyang awra. "I'm so sorry but I need to handle some things."










"It's alright, sige na okay lang ako." sagot ko at tumango siya bago umalis sa aking harap.










Bumalik ang nakakabinging katahimikan ng buong paligid, ininom ko ang natitirang champagne at iniwan ito sa table. Naglakad ako sa paligid at nahanap ang sarili sa veranda habang nakamasid sa itim na kalangitan. May mga bituin sa maitim na kalangitan at nakakabighani itong pagmasdan.










Halos napatalon ako sa gulat ng may narinig akong nabasag, kaya umalis ako sa veranda upang sundan ang ingay ng isang taong pinapagalitan at gulat siyang makita ulit. Her eyes were red while picking up the broken pieces of the champagne glasses, may kasama siyang isang babaeng nakauniporme at mukhang manager niya, napakagat ako sa labi at pinagmamasdan nakakaawang si saldi habang pinapagalitan.










"Nako! ang lampa mo! kabago-bago mo palang ganyan ka na sa tarbaho" mahina at nangigigil na sigaw ng ginang habang pinapagalitan si saldi.










Walang tigil na tumutulo ang mga luha ni saldi at patuloy na humihingi ng pasensya at patawad na huwag siyang tanggalin sa tarbaho. Meroon man kaming hindi pinagkakaunawaan ni saldi ay hindi ibig sabihin na pagmamasdan ko nalang siya habang pinapagalitan, kahit sino man ang nasa posisyon niya ngayon ay tutulongan ko parin kahit si saldi pa.










"Excuse me but I think it's understandable na bago pa siya at mukhang hindi niya pa nakakaugalian ang ganitong tarbaho."










Lumipat ang mga mata ng ibang bisita sa akin at pati narin ang mukha ni saldi ay gulat rin, 'yung gulat na may pinaghalong pagtataka. The manager looked at me and suddenly showed her respect.











Babysitting the Bad boy (na mala play boy)✓ •EDITING•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon