S.U. 35 Christmas for a Cause

Start from the beginning
                                    

Natapos na ang kanilang performance, todo sigaw naman kami bilang pagsuporta at siyempre proud na proud. Ang galing kaya nila!

"Wow that was an awesome performance from business department!" wika ng mc pagkatapos, nagpalakpakan at hiyawan naman ang lahat. "Now the next contestant, let's welcome liberal arts department!"

Umalis na ako sa aking puwesto at pinuntahan ang double A's. Masaya naman silang natapos nang maayos ang kanilang performance.

Pagkaraan ng ilang minuto natanaw ko naman si Knox at ang orphic braw. As usual alam mo na agad dahil nagtitilian ang mga babaeng nakakasalubong nila.

"Princess nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," bungad ni Prince pagkalapit sa akin.

"Pinuntahan ko lang ang double A's, napanuod mo ba ang performance nila?" tugon ko.

"Naku hindi, nasa tambayan kasi kami kanina, kamusta ang performance nila?"

"Nakakalungkot naman hindi mo kami napanuod Prince," biglang singit ni Aviana na kanina pa pala nakikinig sa likuran namin.

"Sorry Vian, 'wag kana malungkot," sambit ni Knox sabay lapit sa kanya. Natatawa nalang ako, sobrang pula ng mukha ni Aviana at pilit pinipigilan ang kilig na nararamdaman dahil malamang baka makakuha na naman siya ng kurot kay Aubrille.

"Malapit na ang dance contest Prince, naka-ready na ba kayo?" tanong ni Aubrille.

"Oo, papunta na rin dito ang mga kasama ko. Good choice kayo Brille dahil hindi mahirap turuan ang mga nakuha ninyong idadagdag sa grupo ko."

"Oo naman Prince, pipili talaga kami ni Aub ng magaling. Ayoko kayang pahirapan ka pa sa pagtuturo. Basta ah mamaya galingan ninyo, mag-cheer kami ng bonggang bongga!" wika ni Aviana na may malapad na ngiti.

"Oh ayan na pala sila Prince, mag-ready na kayo sa back stage," singit ni Aubrille.

"Sige, my Princess pwede mo akong samahan saglit?"

"Wah grabe kinikilig ako!" sabi ni Aubrille na ngayon ay nakatutok pala sa aming dalawa ni Knox.

Napangiti tuloy ako na parang hiyang hiya, "Ah e, sige sure walang problema."

"Sama ako sayo girl, tamang tama bibigyan natin sila ng bonggang support!" rinig kong wika ni Aviana.

Bigla naman siyang nilapitan ni Aubrille, "Hoy Avian may pupuntahan tayo, samahan mo muna ako. Hailey maiwan na muna namin kayo ah."

Hatak-hatak ni Aubrille si Aviana papalayo sa amin. "Teka lang Prince babalikan ko kayo, susunod ako sa back stage," sigaw ni Aviana. Natawa na nalang ako sa pagiging die hard fan niya kay Knox.

"Sagabal lang tayo sa dalawa, tara na. 'Wag kana makulit Avian," wika naman ni Aubrille bago sila tuluyang makalayo. Mga loko talaga, gusto ni Aubrille na bigyan kami ng quality time ni Knox.

"Punta na tayo sa back stage Princess. May pinaayos akong room doon para sa atin at sa mga kagrupo ko."

Tumango naman ako kay Knox at sumunod sa kanya. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng dressing room, nag-aayos na sila ng kanilang susuotin. Ako naman eto nahihiya, kahit sa cr sila nagbibihis nahihiya pa rin ako kasi bukod kay Knox at Kyler hindi ko na ka-close at kakilala 'yung ibang nadagdag sa grupo. Galing kasi sa ibang section ng business ad.

Nagpunta na si Knox sa my cr at nagsimulang magpalit ng damit.

Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok. "Ms. Hailey may nagpapabigay po saiyo," sabi ng lalaking dumaan sabay abot ng isang frappe.

Kapag mga ganitong bagay hindi tuloy naiiwasang ako'y kabahan, nakatanggap na ako ng ilang mga threat at ang dalawa roon ay pawang inabot lang sa akin at pinabigay. Tulad nang regalo na may picture ni mommy at musical box.

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now