Chapter 52: The One Who's lurking In The Shadow

22.4K 303 34
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Three more chapters to go before Epilogue. Na post ko na ang story ni Azrael pakibasa nalang yung 'Playing Games With The Ruthless'. Salamat sa patuloy na suporta. Pahingi uli ng votes and comments. Salamat.

Chapter 52: The One Who's lurking In The Shadow

***********************************

Corrine's POV

"kanina pa yan ring ng ring ang phone mo ayaw mo bang sagutin?" tanong ni Eliza habang abala sa pagkarga sa kay Luna. Nagpapabreast feed kasi sya. Kanina pa lunch tumutunog ang phone ko at alam kong si Hans yung tumatawag.

Nasa bahay nya ako at nagtitimpla ng gatas para kay Zeal na nandun sa living room nanunuod ng Pokemon. Same field of interest sila ni Aly, Ark At Ethan they all love pokemon. Mag mumukha na talaga tong Pikachu ang anak ko.

Nalulungkot pa rin akong isipin na naglalunch break si Hans sa babaeng yun. Heiress nya mukha nya. nung makaalis ako sa building agad akong tumungo dito. Busy si Corona sa pagmomodel nya at si Tanya naman nandun sa America so siya lang talaga ang pwedeng gambalain. Naikwento ko na rin sa kay Eliza ang nangyari kaninang lunch. Umiyak ako pero slight lang. baka Makita ng anak ko at syempre iniiwasan ko yun.

"buti ka pa nga isang tao lang ang pingseselosan mo, eh ako nga halos lahat ng fans ni Zack pinagseselosan ko. nililink pa sya sa mga female celebrities. Nakakaasar lang. kung pwede ko lang talaga pigilan si Zack sa pangarap nyang sumikat ay matagal ko nang ginawa." reklamo nya.

"fans yun eh. At anong bang magagawa ko Eliza? Hindi naman ako pwedeng maghysterical sa kompanya. Nakakaasar lang kasi e. ngingiti ngiti sya ng ganun sa babaeng yun at ang kapal din ng higad gusto pang gawing escort ang asawa ko!" pinipigilan kong hindi pumiyok pero na mamaos na talaga ang boses ko.

"bakit ba hindi mo sinungitan yung babae. E si Steph nga noon na pagtatarayan nyong dalawa ni Tanya. Yun pa kayang malanding yun." Ani nya.

Napabaling ang atensyon naming dalawa ng biglang may nagsalita sa may entrance ng bahay. Hindi naman yun si Zack kasi may concert yun sa Davao City at pamilyar ang boses.

"hey there little boy!" masayang sabi ni Corona. "hi there girls."

"akala ko ba busy ka?" tanong ni Eliza.

Agad nagbago ang timpla nya dahil sa tanong ni Eliza. Bumusangot siya at nagkunot ang noo.

"akala ko..rin." she fake a smile at syempre pansin yun namin. Matagal na kaming magkaibigang tatlo so for sure alam naming kung kelan kami galit at malungkot.

"tita, why crying po? Si mommy rin kanina nagkacry din po. Ang pula ng nose ni mommy." Ani ni Zeal.

Naglakad na ako papunta sa anak ko at binigay ang gatas nya. nagulat ako ng yakapin ng anak ko ang binti ko. kakaiba talaga ang yakap ng mga Montefalco e.

"Mommy, wag na cry po iiyak si Zeal pagmagkra-cry ka." Nisiksik nya ang mukha nya sa binti ko at napangiti nalang ako. mama's boy talaga tong baby ko.

"Baby drink mo na ang milk mo at pumunta ka na sa room natin. Dun ka na magwawatch ng TV." Utos ko.

sa tinagal tagal ba naming magkaibigan ni Eliza, kaya ayan may kwarto kami ng anak ko sa kanilang bahay. Dito kasi ako tumatambay pa minsan minsan. Mga dakilang house wives lang naman kami. Tinahak na ng anak ko ang hagdan papuntang second floor at sumunod naman si Eliza. Tulog na kasi si Luna at kami nalang dalawa ni Corona ang naiwan sa living room.

"may problema ka rin noh?" tanong nya sa akin. Tumango nalang ako at napabuntong hininga kami ng sabay.

"kanina nung nagphophotoshoot tinawagan ako ng asawa mo. tinatanong kung saan ka raw. Sabi ko naman sa kanya na baka nandito ka."

Your Body Against Mine (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora