Chapter 46: Who Will Be Surprised?

22.2K 299 24
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Salamat sa mga good feedbacks. Nag-eenjoy ako at naiinspired habang binabasa ang comments nyo. salamat talaga. Pahingi ulit ng votes and comments. Salamat.

Chapter 46: Who Will Be Surprised?

*************************************

Hans’s POV

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata dahil naramdaman kong may humihimas sa aking ulo. When I shook my head up I saw Corrine. Smiling widely. Kahit na mamaga ang mukha nya at may fracture ang braso nya nagagawa nya pa ring ngumiti. Napakaganda nya talagang pagmasdan.

“C-Corrine.. kanina ka pa ba gising?” tanong ko.

Humagikhik sya bago nagsalita at nginitian ulit ako. “Oo. Sorry nagising kita hubby.” She smiled again. Pero naaawa ako sa kanya. Sana ako nalang ang nasa kalagayan nya. Sana ako nalang ang may bali.

“Hubby umiyak ka ba? ang laki rin ng eyebags mo.” sabi nya.

Tumango ako. He cupped my face using her free hand na hindi nakacast. Tiningan ko rin siya. Kahit nabugbog ang katawan ni Corrine maganda pa rin siya. She always smiled at me genuinely.

"Ang gwapo mo pa rin kahit mukha ka ng panda." sabi nya.

"panda? sa gwapo kong to hayop ang tingin mo. tsk." 

sasapakin sana nya ako kaso naramdaman nya ang sakit ng kanyang nakacast na braso.

“Aray…” sabi nya nung napasobra ang paggalaw nya. nag-give space rin kasi sya. “tabi tayo Hans.”  tinapik nya ang kama. And I did. Umupo ako sa kama nya at tinabihan sya. Inalalayan ko pa sya dahil papahigain ko sya.

“para naman akong mababasag nyan. Grabeh ka ah.” Natatawa nyang sabi.

I smiled at her. Akala ko talaga mawawala na siya sa akin. Halos mamatay na ako sa takot at kaba kahapon. Pero na pawi yun agad nung nalaman kong ligtas na sya at ang aming anak.

“Ano bang nangyari sayo?” tanong ko sa kanya.

Nakita kong kinagat nya ang kanyang labi at umiwas ng tingin sa akin. Pag ganyan na siya ibig sabihin ayaw nyang pag-usapan ang isang bagay. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi nya dapat iwasan ang ganitong mga bagay.

“nadulas ka ba sa hagdan at nahulog ka?” malumanay kong tanong.

Umiling sya at kita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata. Niyakap ko sya at itinapat ang noo ko sa noo nya. umiiyak sya at humihikbi. It melted my heart. Pag nalulungkot sya ako ang nasasaktan.

“h-hindi naman ako na hulog e.” inalis nya ang luha nya gamit ang isang kamay at yumuko sya. “may tumulak sa akin.”

Agad nagpanting ang pandinig ko nung marinig ko ang sinabi ni Corrine. Hindi aksidente ang nangyari sa kanya. Sh.t.

Hinawakan ko ang ulo nya at binaon sa dibdib ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha nya sa damit ko. “baby, sino ang may gawa? Sino ang nagtulak sayo?” tanong ko sa kanya habang hinahagod ko ang likuran nya. Palaiyakin to si Corrine at isa yun sa mga gusto ko sa kanya. Dahil kapag umiiyak siya gusto ko ako palagi ang magcomfort sa kanya. Gusto ko ako ang maging rason kaya ngumingiti siya matapos umiyak. Gago ko talaga.

“Si Hannah. Tinulak nya ako at sinampal ako sa mukha gamit ang sapatos nya. at tinadyakan nya pa ako. Ang sakit sakit ng katawan ko.” sumbong nya at umiiyak pa rin. It breaks my heart watching her this vunerable.

Itinaas ko ang mukha nya para matignan ako. Nung marinig ko ang pangalan ni Hannah agad kumuyom ang panga ko sa galit. fvck her! Gusto ko nang patayin si Hannah. Tangina sya! Napakuyom na rin ang kamao ko. Gusto kong bugbogin si Hannah hanggang mamatay. I'll kill her. I'll fvcking kill her. Pero hindi ko pinapakita ang killing intent ko dahil kaharap ko si Corrine.

Your Body Against Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon