Chapter 39: You Don't Deserve My Love

20K 317 31
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Pahingi ng votes and comments salamat ulit.

Chapter 39: You Don’t Deserve My Love

***************************************

Corrine’s POV

“Corrine tara na! nasa van na ang lahat.” Rinig ko ang boses ni Tanya na may halong pag-aalala.

Inalis ko ang luha ko at pinagbuksan ko sya ng pinto. Nung nakita nya ako nagulat sya. Nagulat pero biglang napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha nya. she hugged me and I hugged her back.

“kung masyado ng mabigat ang nararamdaman mo pwede mo namang sabihin sa akin Corrine. We’re best friends remember.”

Hinahagod nya ng likod ko at tahimik akong humihikbi sa kanya. “I’m sorry breast. Pero okay pa naman ako. I need to be strong and I need to stand on my own.”

“wag ka ngang umiyak. Ang laki na ng eye bags mo. kaloka ka talaga. Naiiyak tuloy ako.” Aniya.

Nung naghiwalay na kami sa pagyayakapan agad akong kumuha ng aviators at sinuot ko to para mapagtakpan ang mugto kong mata. Nakakulay sky blue ako na fitted jumpsuit. Sasakyan nila Eliza ang sasakyan namin patungong Batangas. Ang sabi nya nandun na daw ang iba nyang mga pinsan sa Batangas. At beach party daw ang mangyayari.

Bakit kasama si Hans? Nasaan ang Hannah nya?

“Nag-away na naman kayo ni Hans no? At binalik mo pa talaga ang engagement ring.” Ani Tanya nung makalabas na kami ng bahay.

"sinaktan nya ako Tanya. A marriage that is tainted by lie is worthless." sabi ko.

"okay. Pero sana hindi mo yan pagsisihan." aniya sabay nagkibit balikat.

Nakita ko agad ang excitement ng mga boys dahil tuwang tuwa sila at ang lalakas ng tawanan. Papasok nasana ako sa loob ng van ng bigla akong pinigilan ni Eliza.

“hep..hep..hep!! dun ka kay Hans sumabay. Nandun ang mga gamit mo.” ani Eliza. "magbati na kayong dalawa ah."

“what?! ayoko nga!” sigaw ko.

“alam namin na may di pagkakaunawaan kayo ng husband to be mo kaya go! Dun ka sa kanya sumabay para makapag-usap kayo.” Pagpapaliwanag nya.

“ayoko nga. dito nalang ako. Hindi ko kayang tignan ang bwesit na yun.”

Kung simpleng di pagkakaunawaan lang sana ang pinag-awayan naming kayak o pa siguro syang harapin pero hindi e. hindi ito simpleng di pagkakaunawaan.

“mabuti pa nga Corrine, kawawa naman si Hans. Wag ka na ngang pa hard to get girl.” ani Corona.

“oo nga, naman. Kawawa si parekoy,” sawsaw naman ni Zack.

“Corrine. ilinaw mo sa kanya lahat. Kung may gusto kang sabihin sabihin mo na. dahil pagsisisihan mo yan. Dapat pag may problema pinag-uusapan yan at hindi tinatakasan kasi sa nakikita ko ngayon tinatakasan mo ang problema mo.” sermon ni Tanya.

I have no choice. Hindi daw kami pupunta sa Batangas pag hindi ako dun sumakay kay Hans.

Lumabas ako sa Van at nakita ko si Hans na naka wayfarers na nakasandal sa kanya trailblazer. Tinignan nya ako at padabog naman akong naglakad papunta sa sasakyan nya. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na naghahigh five sila dahil siguro na pilit nila akong dun sumakay sa sasakyan ni Hans. Sila Corona at Eliza ang lalawak ng ngiti samantalang si Tanya taimtim nya akong tiningnan.

Your Body Against Mine (Completed)Where stories live. Discover now