Chapter 40: His Resolve

21.7K 298 23
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

pahingi po ulit ng votes and comments. Salamat ^_^

Chapter 40: His Resolve

Warning: Lenggwahe

******************************

Corrine’s POV

Dahan dahan kong iminulat ang nakapikit kong mata at nagulat ako nung nakitang nasa isang kwarto ako na kulay baby blue. Nakahiga ako sa isang king size bed at merong malaking LED TV sa harap ko.

Where the hell am i? Last time I remember nasa sasakyan ako ni Hans.

Habang abala ako sa pag-iisip kung papaano ako napunta sa kwartong ito bumukas ang pintuan ng CR. Napalingon ako at nakita ko kaagad si Hans nakakatapos lang maligo. Kita ko kung papaano pumatak ang tubig sa katawan nya. nakita ko rin kung gaano ka perpekto ang katawan nya na nagfleflex ang mga muscles nnya pag gumagalaw sya. At ang pinakanakakagulat is yung abs nya.

Nakita nya akong tinitignan ang katawan nya at hinayaan nya naman akong nakikita syang topless. How I wish tanggalin rin nya ang nakabalot sa kanyang towel.

Papaano ba ako na punta dito? Diba dapat papunta kaming Batangas?

“Enjoying the view?” natatawa nyang tanong.

Agad akong umirap at inalis ang tingin sa abs nya. ang gwapo nya naman kasi! Kaasar!

“baka si Hannah mag-eenjoy pag nakita kang topless.” Walang gana kong sagot.

“bakit ba palaging si Hannah ang pinag-iinitan mo? may ginawa ba sya sayo? Diba wala?” naasar na ang tono nya.

See? kinakampihan pa nya. at oo nagseselos ako.

“kinakampihan mo pa talaga ang babae mo.” tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at kumuha ako ng isang spaghetti strap top at isang denim shorts. Magpapalit lang ako dahil hindi na ako komportable sa suot kong jumpsuit.

“wala naman akong ibang babae. Ikaw lang naman ang babae sa buhay ko Corrine.” Namamaos nyang sabi.

“ako lang? e ano pala ang tingin mo kay Hannah? Lalaki? Pwede ba I’m fed up with your reasons. Nakakasuka.” Tinungo ko na ang CR at nagpalit ng damit.

Sana hindi nalang siya nagpakita sa akin dahil sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nya naaalala ko kung papaano nya ako sinaktan.

Naaawa rin naman ako kay Hannah pero katulad lang naman kami. Nasasaktan din ako. Marami din akong pinoproblema. Ang swerte nga ni Hannah dahil nasa kanya ang atensyon ni Hans instead sa akin.

Paglabas ko sa banyo agad akong bumaba. Nauuhaw ako kaya dumiretso ako sa Kusina. Ang galing ko lang dahil agad kong nakita ang kusina at nakita ko rin si Hans nagluluto ng pagkain. Ewan ko ba kung asan kami at bakit may access syang magluto.

“nasaan tayo? Nasa Batangas pa ba tayo?” tanong ko sa kanya.

Tinignan nya ako at tumango naman sya. “beach house to namin. Nakatulog ka kasi sa entire trip kaya binuhat kita at dinala dito.” Pagpapaliwanag nya.

“ano?! bakit mo ako dinala dito?! Oh god! Aalis na ako at pupuntahan ko sila Eliza. Ang tanga mo lang  dahil dito mo ako dinala! Napakainconsiderate mo talaga!” Mataray kong utas.

Tumikhim sya ng malalim bago nagsalita. “You’re hurting me. Ang sakit palang pandirian at ipagtulakan ka ng babaeng mahal mo.” I can hear sadness and guilt sa boses nya.

Nakayuko sya at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay.

Really? Because I’m not buying that act of yours!

Your Body Against Mine (Completed)Where stories live. Discover now