Chapter 20: Sleep Over

35.9K 412 41
                                    

Pahinge po ng votes at sana po magcomment din kayo. Salamat.

*****************************************

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Chapter 20: Sleep Over

Corrine’s POV

Tahimik na nagmamaneho si Hans at nakakabingi na ang katahikan. Papunta kami ngayon sa mall. Ni isa sa amin walang nagdare na magsalita. Hindi naman sa awkward kasi good mood naman sya kaso lang tinatamad lang talaga akong kausapin sya at inaantok na ako. Hindi ko na pansing nakatulog ako at nung nagising ako nakita ko nalang nasa parking na kami ng mall.

“Corrine….” Tawag ni Hans sa akin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

Ang gwapo talaga nya sobra!! Bakit ba ganito sya kagwapo?!! Nakakaasar ang perpektong mukha nya!!! at ang ngiti nyang yan parang pang advertising ad.

“Tara na.” ngiting ngiti nyang sabi.

Lumabas na sya para pagbuksan ako ng pinto at nilahad ang kamay nya. wow lang, gentleman si mokong. Hihihi. Kinuha ko naman ang kamay nya. mapapahiya to kapag hindi ko kinuha ang kamay nya at sino ba ang aayaw sa super hot delicious na si Hans? Tanga lang ang aayaw sa gwapong toh.

Habang naglalakad na kami ni Hans dito panay na naman ang tingin ng mga kababaihan kay Hans at ang loko walang kaalam-alam na ang lalagkit na ng tingin ng mga toh sa kanya na to the point parang hinuhubaran na nila si Hans sa isip nila. Ang iba nalalaglag na ang panty at bra nila.

“oh my!!! Ang gwapo!!! Si Hans yan diba? Yung star player ng SHU basketball team?!” narinig ko ang isang babaeng kilig na kilig at panay ang picture kay Hans na akala moy isang sikat na celebrity.

“Ang ganda rin ng kasama nya ah!!! Girlfriend nya?” tanong nung kasama nya.

“Mas bagay kami ni Hans!! Ako dapat ang kaholding hands nya.”

Bakit ba ang gwapo ng isang toh. Tignan mo ang mga babaitang toh ang lalandi. Sarap isubsob ang mukha sa sahig at hambalusin ng tubo. Kaasar! Bakit ganyan sila makatingin sa boyfriend ko! Tsk!

Binitawan ni Hans ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko kaya nagulat ako pero di ko pinahalata. Pero binitawan nya ako para maakbayan ang beauty ko. At syempre nag-aalboruto lahat ng babaeng nakitingin sa amin. Aber magselos sila dyan! Hmp!

Narinig kong may umiyak pa sa mga nakatingin sa amin at may nagprotista pa nung akbayan ako ni Hans na heto ngiting ngiti habang nakatingin lang deretso sa daan. Na baliw na ata dahil ngumingiti ng walang rason pero ang sarap sa pakiramdam na inaakbayan ako ni Hans.

“hindi naman sila bagay!!”

“Maganda siya pero hindi ako boto sa kanila!! I mean yung girl. I don’t like her for that guy.”

Dahil hindi ko na kineri ang pinagsasasabi ng mga anti-Corrine nilingon ko sila at hinanap ang mga bruhang bitter dahil girlfriend ako ni Hans at ang mga chupacabra nagdrama pang hindi nakatingin sa akin at meron ring talagang makakapal ang mukha na tinaasan pa ako ng kilay. At syempre pag ganitong kaetchusan di ako magpapatalo. Tinaas ko ang kilay ko at linakihan sila ng mata.

“hahahaha!!!”

Na bigla ako sa tawa at hagikgik ni Hans kaya nakuha nya ang atensyon ko. Halata sa mukha nya  na sobrang tawang tawa sya. Promise may tupak nato!

“anong problema mo?!” ngumuso ako dahil feeling ko ako ang pinagtatawanan ng lecheng to.

“Hahahaha.. nakakatawa ka wifey. Kung lakihan mo ang mata mo para kang owl.” Tawang tawa pa rin sya.

Your Body Against Mine (Completed)Where stories live. Discover now