Chapter 44: Behind Her Mask

21.9K 302 60
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Pahingi ng votes at comments. Salamat ^_^

Chapter 44: Behind Her Mask

Warning: SPG                 

********************************

Palabas na kami ng restaurant (nagdamit na sya. May dala kasi siyang sling bag na kung saan may extra tee shirt.) when Hans and I saw a familiar figure. The person is smiling at us. Napakaliwanag ng ngiti nya na kahit madilim na ay na sisilaw kami. Lumapit sya sa amin and nakipagbeso beso.

“Ang ganda mo talaga Corrine.” Masayang sabi ni Hannah at saka tiningnan nya si Hans na puno ng pagmamahal.

Bakit siya nandito? Bakit ngayon pa. agad akong kinabahan at nanlambot ang tuhod ko. sinuri nya at napako ang tingin nya sa mga kamay namin ni Hans na magkahawak. Dahan dahan ko sanang aalisin ang kamay ko kaso hinigpitan nya ang pagkakahawak nito.

“bakit ka nandito?” tanong ni Hans.

Binalingan nya ng tingin si Hans at ngumiti na naman siya. She’s really gorgeous and full of happiness. I guess, simula nung bata pa to palainom na to ng enervon. Nakapamewang siyang nakangiti kay Hans. Kita ko sa ekspresyon ni Hans ang kaba. At kahit walang ginagawang masama si Hans na ninikip ang dibdib ko. nagseselos ako.

“Hans, hindi mo ba ako namiss? Namiss kasi kita.” Hinagkan nya si Hans sa labi at nanlalaki lang ang mata ko sa nakita ko. I was speechless. Pati si Hans hindi nakareak. Pinulupot nya ang kamay nya sa kabilang braso ni Hans.

Hans looked at me with an apologetic expression. Nasasaktan ako. Siguro hindi pa nya kayang sabihin kay Hannah kung anong relasyon meron kaming dalawa. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil naninikip ang dibdib ko at nanunuyo ang lalamunan ko.

“Hans. Punta tayo sa bar. May bar ang kaibigan ko dito. Date tayo kumbaga.” She’s clueless. Tiningnan ni Hannah ang magkahawak naming kamay ni Hans bago nya ako tiningnan face to face.

“gusto mong sumama?” tanong nya.

Umiling ako. “ayaw sumama ni Corrine. So tayong dalawa lang talaga Hans.” Ani Hannah.

“Sayang Corrine hindi ka makakasam a. gusto ko sanang ipakita sayo kong papaano magdirty dance. Ang galing rin kasing magdirty dance ni Hans, grinagrind ko nga ang katawan ko sa katawan nya. at alam mo ba hinahalikan nya rin ako. Ang sarap sarap nga ng halik nya e.” proud na sabi ni Hannah.

Hindi ko alam kong pinapainggit nya ba ako o sadyang proud lang talaga sya. Kung kaya ko lang burahin ang nakaraan ni Hans bago kami nagkakilala matagal ko na sanang ginawa. Kung maaga sana kaming nagkakilala malamang mas kilala ko si Hans. Gusto ko ako ang first nya. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay anytime tutulo na ang luha ko. fvck!

Nakita  kong paparating sa direksyon ko si Tanya. Agad naningkit ang mata nya nung Makita nya si Hannah. Humalukipkip sya. I just hope hindi magpakita ngayong gabi ang evil side nya.  Napabuntong hininga si Hans ng malalim at marahan syang bumuga ng hangin. He looked at me and kissed me in the lips. Nung matapos nya akong halikan by reflex agad akong napatingin kay Hannah. She was shocked and she’s in pain. Nanlaki ang mata nya at niyuko nya ang ulo nya.

“Sorry Hannah. Hindi ako sasama sayo.” Utas ni Hans sa malambot na tono. Alam kong nahihirapan ring magpaliwanag si Hans. I smiled at him and give him a supporting smile. Hinigpitan ko rin ang paghahawak ko sa malaki nyang kamay.

He looked at Hannah na ngayon na pansin kung may tumulong luha sa mata nya. Agad nya naman itong inalis. “I’m sorry. Nakakaistorbo ba ako?” tanong ni Hannah. She raises her head and smiled at us.

Your Body Against Mine (Completed)Where stories live. Discover now