Chapter 25: obsessively smitten

24.2K 346 24
                                    

Pahingi naman nga comments at votes. Sana nagustuhan nyo ang cliché na storyang to. Salamat rin sa mga comments guys nakakataba ng puso. I love you all. And salamat sa suporta! Aja!

dedicate kay Grandpa ang chapter nato ^_^ ito na grandpa Kael... 

WARNING: LENGGWAHE

**************************

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Chapter  25: obsessively smitten

Third Person's POV

Iniwan ni Corrine si Hans na tulala at nangingilid na ang luha ni Hans. Nasaktan sya. Hindi nya masisisi si Corrine dahil in the first place kagagawan nya yun.

Tanginang ideyang yan! FVCK! Pagmumura ni Hans.

Tinignan nya nalang si Corrine na unti-unting nawawala sa paningin nya. ramdam nya ang sakit na binigay nya kay Corrine. Nakita pa nyang nanginginig at nanghihinang umalis si Corrine.

Alam nya sa sarili nya na espesyal si Corrine. Alam nya dahil naramdaman na nya ang pakiramdam nato. Yung tipong may mga nagliliparang paru-paro sa tiyan nya.

Napasabunot nalang siya sa buhok nya at padabog na naglakad at napadpad sa soccerfield ng school. Madilim na pero rinig pa rin ang sounds na naggagaling sa auditorium dahil hindi pa natatapos ang night event. May mga booth and stalls pa nga sa school vicinity and may mga estudyante rin sa labas at inienjoy ang gabi. May mga nagdidate pa nga at masyang Masaya pa dahil sa napakasuccessful na School Festival.

 Nakita sya nila Kelly, Steph, Kaizzer at Dale na nakatingala sa langit at pinipigilan ang kanyang luha.

Ang mga luha ni Corrine ay parang balisong na tumutusok sa kanyang puso ng paulit-ulit. Ayaw na ayaw nyang Makita ang mga luha ni Corrine dahil nanghihina siya every time nakikita nyang umiiyak ang babaeng pinapahalagahan nya. ang pangako nyang hindi paiyakin si Corrine ay napako.

Tumakbo si Steph papunta sa kanya at agad netong pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Hans. Masama nyang tinignan si Steph.

"That b.tch! ang kapal ng mukha nya ah! Akala mo kung sino. Dapat alam nya ang lugar nya. alam namin naming past time mo lang si Corrine at yung si Agatha diba Hans?" malambing na paninigurado ni Steph.

Marahas nyang hinawakan ang daliri ni Steph at pinihit nya ito. Napasigaw sa sakit si Steph at nagulat sila Kelly, Dale at Kaizzer sa ginawa ni Hans kay Steph. Hindi sila makapaniwalang magagawa ni Hans ito sa isang babae.

Tinulak nya si Steph ng malakas na naging rason para mapaupo siya sa Bermuda grass ng soccerfield.

Napanganga ang lahat ng nakakita sa ginawang panunulak ni Hans kay Steph. Namutla si Kelly dahil alam nyang siya ang nagbigay ng ideyang pagselosin si Corrine para mapagtapat nila ito sa kanyang nararamdam.

"TANGINA!! Ang past time kayo yun! Si Corrine hindi! Wag mo syang itulad sayo! And I decided to change! Tangina lang dahil ang babaeng rason kung bakit gusto ko nang magbago ay tinalikuran ako! Fck!" malutong nyang pagmumura at pagsisigaw. Hindi lang si Steph ang pinapatamaan nya kundi pati si Kelly.

Nakita nyang nangingilid na ang luha ni Kelly pero hindi nya ito pinansin. Galit si Hans. Galit na galit na kahit bestfriend nya ay kinakamuhian na nya.

Napakuyom ang panga nya.

Nagflash sa isipan nya ang imaheng nakangiti sa kanya si Corrine. Ang maamo nyang mata na nagpapaliwanag sa kanya. Ang maganda nito pilik mata. Ang mahabang umaalon nyang buhok. Ang makinis nyang kutis. Ang matangos nyang ilong at ang kulay pink nitong labi. Mukha talaga syang anghel at ang anghel na ito ay nagpapabaliw kay Hans.

Your Body Against Mine (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang