Chapter 38: Husband To Be

22.6K 309 31
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Salamat sa patuloy na suporta. Pahingi ulit ng votes at comments.

Chapter 38: Husband to be?

************************************************

Corrine’s POV

“hey..stop crying. If you kept doing that ako ang mapapasama sa tingin ng mga tao.” Malambing nyang sabi.

Inalis ko ang mukha ko sa dibdib ni Azrael at tinignan ang paligid. Nakita ko ang mga taong nakatingin sa amin. Nagtaka ang iba habang pinagtitinginan kami ni Azrael.

Pagtingin ko sa kanya pulang pula na ang mukha nya sa kahihiyan. Pero kahit namumula sya ang gwapo pa rin nya. Agad kong inalis ang luha ko.

“sorry.” Ani ko.

“it’s okay. So saan pala tayo magkakaraoke?” tanong ni Azrael.

“wait lang itetext ko ang mga friends ko kung asan sila.” Hinanap ko ang phone ko at wala sa loob ng shoulder bag ko.

Tumakbo ako pa balik sa loob ng restaurant at narinig ko pang isinigaw ni Azrel kung saan daw ako pupunta.

“naiwan sa table na kinainan natin ang phone ko! kukunin ko lang!” sigaw ko.

Pagkapasok ko sa restaurant agad kong tinungo ang kinainan naming mesa kanina and thanks God nandun pa ang phone ko!!

Kinuha ko ito at napatingin ako sa wallpaper ng phone ko. naramdam ko na naman ang sakit at paninikip ng puso ko. ayoko ng umiyak dahil sa kanya pero kahit anong pilit ko hindi ko mapigilan ang mga luha ko. may nakawalang luha sa mata ko at pumatak ito sa screen ng phone ko. sa screen na kung saan nandun ang picture namin ni Hans. Picture namin na karga karga nya ako yung pangbride at kiniss nya ako sa noo ko.

Tinungo ng tingin ko ang table nila Hans at nagulat ako nung nakatingin pala sya sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. bakit ako pa ngayon ang nagiguilty?

Natulala sya habang nakikita nya ang pagpatak ng luha ko. Kita ko ang pagsisisi sa mukha nya at nasasaktan ako. Pero siya ang bumitaw. Pinaalis nya ako at nakuha nya akong saktan.

Umalis na ako sa restaurant dahil nasasaktan ako habang kinakasama nya si Hannah. Ayokong sugurin si Hannah dahil napakabait nya.

Nakita ko si Azrael na nakasandal sa kotse nyang fortuner. Ang yaman talaga nila at kahit anong damit man ang suotin nila parang pinagsisigawan pa rin ng awra nila na mayaman at makapangyarihan sila.

I smiled at him at kumaway naman siya. He’s a carefree and fun to be with just like Hans.

Tahimik naming tinungo ang Ardiella Karaoke Bar. Hindi ko makuhang kausapin sya dahil nahihiya ako nung binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya at tahimik lang rin naman sya.

Nung narating na namin ang bar agad siyang  nagpark na at narinig ko syang nagsalita.

“you really love him. And you’re in pain because you love him so much.” Utas ni Azrael.

Naramdaman ko sa tono ni Azrael ang lungkot. At nasasaktan ako. Nagigipit ako sa dalawang Montefalcong toh.

“yeah. But loving him is toxic. Pinapasaya nya nga ako pero siya rin naman ang rason bakit nalulungkot ako.” Malungkot kong sabi.

“screw that feeling. That fvcker’s so lucky that an angel like you is in love with him.” naaasar nyang sabi sabay sabunot sa buhok nya.

Pagpasok namin sa KTV bar agad bumungad sa receptionist table ang mga receptionist na may malalawak na ngiti habang nakatingin kay Azrael. Naglakad kami papunta dun. Kinikilig sila habang nakatingin kay Azrael.

Your Body Against Mine (Completed)Where stories live. Discover now