CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita

Start from the beginning
                                    

"Muzaka-senpai..." Morishige

Ngiting tiningnan ni Muzaka si Hanamichi na dumedepensa sa dalawang players ng Toyotama.

"Ikaw na namang Unggoy ka!" nangingilagid na sabi ni Kishimoto habang pinupwersa si Hanamichi.

"Tikbalang ka!"

"Padaanin mo kami!" pamumwersa din ni Itakura na parang gusto na niyang patayin si Hanamichi. "Gusto mo bang mamatay?"

"Patayin mo yang neknek mo. Ilang beses mo nang sinabi yan pero puro bibig ka lang!" barat ni Hanamichi sa kanya.

"Bwisit ka!"

"Hindi... HENYO AKO!" Hanamichi

"SIGE GANYAN NGA HANAMICHIIIIIII!!" sigaw ni Mito.

"Wag mong palulusutin ang mga mandarayang yan!" sigaw din ni Takamiya.

"Pabagsakin mo na lang sila para kwits!" tumatawang sigaw ni Ohkusu.

"Sira ulo, baka ma Technical-Foul siya." Noma

Ang bola na hawak ni Jin mula sa 3-point line ay shinoot ito.

*Pak!*

Nanlaki ang mga mata ni Jin nang biglang sumulpot sa harapan niya si Masashi Kawata.

"Hindi maari..."

Ang bola na may perpektong momentum sana ay nawala dahil sa pagtama ni Masashi. Ang tinaguriang malakas na centro ng College Matches.

"Rebound!" sigaw ni Jin.

Tiningnan naman siya ng masama ni Hanamichi. "Ikaw ang patayin ko dyan Jin eh!"

Walang sinayang na segundo si Hanamichi at agad na iniwan ang dalawang Toyotama para abangan ang rebound.

"MASASHI VERSUS SAKURAGI ULIT!"

"SINO KAYA ANG MAKAKUHA SA REBOUND?"

Ang bola ay tumama sa unahan ng ring at tumalbog ito ng mataas. Nag unahan si Hanamichi at Masashi sa paglapit nito.

Ang mga Company Coaches naman mula sa iba't-ibang kuponan ay napaabang ulit sa pagitan nilang dalawa.

"Sige! Bata!" sigaw ni Maki.

"Sakuragi!" Sendoh

Sabay tumalon si Hanamichi at Masashi na parehong nakataas ang mga kamay para abutin ang bola.

"Kunin mo Masashi!" sigaw ni Coach Kawarama.

"Kuya!" Mikio

*Pak!*

Ngunit si Hanamichi parin ang nakakuha ng rebound na ikinagulat ng lahat.

"AYOS!!" sigaw ni Akagi.

"Ganyan nga Gunggong!" tuwang sigaw rin ni Mitsui.

Pagkababa ni Hanamichi kasabay ang bola ay napatingin siya sa harapan kung saan nandoon parin si Masashi. Hindi siya pwedeng magdunk. Kaya tumalon ulit siya at nagjumpshot.

Pagkabitaw niya sa bola...

May braso ang pumulupot sa leeg ni Hanamichi.

*Shoot!*

Tagumpay na pumasok ang bola kasabay ang pagbagsak ni Hanamichi sa sahig.

*BLAAAGG!*

Parang yumanig ng kunti ang court na tinatayuan nila dahil sa malakas na bagsak ni Hanamichi.

Pumito na naman ang Referee.

"INTENTIONAL FOUL! BLUE NO. 5!" sabi ng Referee at tinuro ulit nito si Kishimoto.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now