CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita

Start from the beginning
                                    

"Hindi tayo sigurado dyan." sabat ni Coach Anzai.

Ang 2-3 defense set ng Akita Team ay naging Man-to-man.

"Nagbago sila ng formation!" sabi ni Mari.

"Hindi kaya may dark past yang mga player natin sa kanila?" tanong ni Coach Zakusa.

"Oo daw."

"Talaga? Sabihin mo nga."

"Ayoko nga."

"Sabihin mo na lang kase!" pagpupumilit pa ni Coach Zakusa.

"Mag Coach ka na lang kaya! Chismoso ka rin eh!" inirapan siya ni Mari saka binalingan ulit ng tingin ang court.

"Kaya wala kang jowa kase ampanget ng ugali mo!" Coach Zakusa

*Pak!*

Sinapok siya ni Mari ng papel sa mukha niya dahil sa mga sinabi nito.

"A-Aray..." daing ni Coach Zakusa.

"NICE, PASS FUKUDA!" sigaw ni Mari.

Ang bolang hawak ni Fukuda ay pinasa niya kay Jin. Dahil sa pasa na iyon ay nabago ulit ng defense formation ng Akita Team.

Hawak ni ulit ni Jin ang bola. Nakatingin naman sa gawi niya si Itakura. Kutob ni Jin may gagawin na namang kabulastugan si Itakura.

Ang hindi alam ng Akita Team ay nakabantay lang si Hanamichi sa binabalak nilang dahas na kilos.

Isang metro ang lapit ni Kishimoto at Itakura sa isa't-isa. Nagtinginan silang dalawa para sa kanilang ikikilos. Nagtanguan sila dalawa at...

"At ano na naman ang balak niyo?"

Nabigla silang dalawa nang makarating agad si Hanamichi sa harapan nila.

Naghiyawan na naman ang manonood.

"HALA ANG GALING! 1 ON 2! GRABEEEEE!"

"KAYA MO KAYA YAN SAKURAGI?"

Si Coach Kawarama ay sumususpetya na kay Hanamichi base sa mga galawan nito bilang temporaryong Centro. May naalala siya na isang tao na may parehong anggulo ni Hanamichi.

"Bakit parang nakikita ko si Kuya sa kanya?" taka na may mahinang boses na tanong ni Coach Kawarama nang maalala niya ang mukha ng kanyang nakakatandang kapatid na si Hanarama Sakuragi.

"Imposible... Kalokohan 'tong naiisip ko. Imposibleng magkaapo si Kuya." dagdag pa niya at umiiling pa.

"May problema ba Coach?" tanong ni Mikio sa kanya.

"W-Wala naman." sagot nito

Si Morishige at Rango na nakaupo sa local teams area ay tila nanumbalik ang mga ala-ala tulad nung binantayan sila ng sabay ni Hanamichi.

"Hindi maari. 'Wag mong sabihin balak niyang bantayan ng sabay ang dalawang Toyotama na yan?" maktol na tanong ni Rango tila hindi makapaniwala sa pinag-iisip.

"Bakit, hindi? Napigilan niya nga tayong dalawa na mas matangkad pa sa kanya, yan pa kayang maliliit na yan." makatwirang sabi rin ni Morishige.

"Kung sabagay Tol, tama ka. Ang height ni Kishimoto ay 195 centimeters at si Itakura naman ay 189 centimeters, samantala yung Unggoy na may pulang-buhok ay 205 centimeters... Bakit kase tumangkad pa ang Sakuragi'ng yan!" inis na sabi ni Rango habang nakatuon parin sa laro.

"Kung parehong Point-guard ang dalawang player na yan ay malulusutan nila si Sakuragi."

Parehong lumingon si Morishige at Rango nang may nagsalita sa kanilang likuran. At doon nakita nila ang nakangiting si Muzaka.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now