CHAPTER TWENTY

85 15 5
                                    

"The Vanishers"

INIWAN ko muna saglit si Aelyne sa kusina para pumunta sa Headquarters. Mukhang napakaimportante ang ginagawa nilang pagpupulong tungkol sa ginawang kasamaan ng CRYPTIC kamakailan. Dumeritso ako sa garahe at pumili ng isang sasakyang volvo. Madalas ko na kaseng ginagamit ang Lamborghini at ayaw ko ring lumuma iyon ng mabilis.

Nang makapasok na ako sa loob ng kotse ay mayroon akong naramdamang presensya sa likod ng kotse. Nilingon ko iyon at wala naman akong nakitang tao. Imposibleng si Aelyne iyon dahil hindi niya ako nakitang lumabas. Isinawalang kibo ko nalang ang bagay na iyon at agad na pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

Masukal ang kagubatan at napakadilim pa ng gabi. Hindi na ako makakarating ng maaga sa HQ dahil sa tinatahak kong daan ngayon. Nasa 8:51 na ang oras at binilisan ko nalang ang pagtakbo baka sakaling makahabol pa ako sa pagpupulong.

Nang nakarating na ako sa HQ ay napansin ko na walang mga tao sa paligid. Nakaparada ang mga naglalakihang mga sasakyan at aircraft sa labas ng HQ. Ilang saglit lang ay nagkaroon ako ng kasamang pumasok sa main door ng HQ. Nagmamadali raw siya dahil kailangan niyang malaman ang topiko ng pagpupulong.

Maging sa pasilyo ng HQ ay wala akong nakakasalubong na mga doktor o armies. Naririnig ko lang sa malayo ang mga bulung-bulungan ng lahat sa Conference Hall. Kahit medyo malayo iyon ay abot sa akin ang mga naghahalong mga tinig habang patungo ako sa Conference Hall.

Nang malapit na ako ay doon ko mas narinig ang napakalakas na bulungan ng mga tao ng HQ. Nakaupo ang lahat palibot sa bilog na entablado na nasa gitna ng bulwagan. Kagaya ng dati ay mayroong holographic screen sa itaas ng entablado. Ang laman ng holographic screen ay ang logo ng HQ. Isang bala sa gitna at nasa gilid nito ang dalawang rifle at dalawang flusk at graduated cylinder.

Pumunta sa entablado ang spokesperson ng HQ at agad itong nagsalita. Hindi nga ako makapaniwala na nakaabot ako sa meeting ng buong HQ.

"Good evening, everyone. I'm so sorry for the short notice. But before we start... may the justice be with our side," pagsisimula nito sa pagpupulong at sabay-sabay ang lahat na nagsalita ng May The Justice be with our Side.

"Yesterday... our enemy did a horrific crime. A crime that happened in just 30 minutes," he said and everyone gasped in surprise, "They are very unpredictable. They kidnapped a 100 teenagers around the entire Central City. Fifty boys and fifty girls. We have no idea what is the reasons behind that event. But we have this theory that those children will going to be a living weapon for CRYPTIC. Before I continue let's all watch the footage we took during the kidnapping..." sabi niya at lumabas sa holographic screen ang isang video footage.

The headquarters has a lot of connection, so it's easy for them to gather all this videos.

Isang binatang lalaki ang naghihintay sa gilid ng kalsada nang bigla may tumapat sa kanyang harapan ang isang itim na kotse at kinaladkad siya nito papasok sa kanilang sasakyan. Sa pangalawang video naman ay isang lalaking nakikipaglaban sa mga miyembro ng CRYPTIC at walang awa itong pinagsusuntok sa tadyang at mukha. Sa huling video naman ay isang babae ang tumatakbo palayo sa itim na kotse hanggang sa binaril ito sa paa. Nagawa nila iyon lahat sa loob lamang ng 30 minutes. Hindi na pinatapos pa ng HQ ang pagpapalabas ng footage dahil mayroon pang sasabihin ang spokesperson ukol dito.

"So... here are the names of all the teenager they'd captured yesterday..." sabi ng spokesperson at lumabas sa holographic screen ang mga pangalan nilang lahat.

Nagsimula ang pagpapakita ng mga pangalan sa letrang A. Ang pagkakasunod-sunod ng pangalan nila ay base sa unang letra ng kanilang apelyido.

Adley, Eichmann

Aresic, Gorionso

Aldebra, Kristina

Dovious, Caramala...

Binasa ko isa-isa ang mga pangalan at hanggang nasa letrang F na ako. Mahina lang ang pagbasa ko nang biglang isang malaking pagkagulat ang naramdaman ko ng makita ko ang pangalan ni Kevin.

Fausto, Helerman

Grasion, Gemma

Ghenna, Adolf

Greenwood, Kevin...

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Halong poot at matinding pag-aalala. Hindi ko lubos akalain na mapapasali sa listahan si Kevin. Niyaya niya pa ako sa kanyang lake picnic party dahil kaarawan niya sa sabado.

Mas lumagablab ang galit ko sa buong CRYPTIC dahil sa ginawa nilang pagdukot kay Kevin. Hindi lang pala si Alessandro ang dapat kong iligtas, si Kevin din pala. Kapag mayroong mangyari sa kaibigan ko ay uubusin ko ang buong CRYPTIC hanggang ang mga abo nalang nila ang matitira.

"It's very alarming to all of us after we've heard this news. CRYPTIC are now pacing to their plan whilst we are here inside the HQ, still brainstorming of what's a good plan to locate their secret base. Even though they have no metallic orb, this event alone  cemented their legacy that they are a tough enemy," sabi nito at bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkabigo at galit dahil sa ginawa ng CRYPTIC.

Patuloy lang ang mga pangalan na lumilitaw sa holographic screen. Kasama ng mga pangalan nila ang mga pictures nila sa gilid nito. Ilang saglit lang ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa screen. Si Alessandro Seale.

"ALESSANDRO!" Isang tinig ang umalingawngaw sa buong bulwagan at ang lahat ng tao ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Agad ko namang hinanap ang taong sumigaw at halos matumba ako sa pagkagulat nang makita ko si Aelyne na nakatingin sa holographic screen.

"Who are you, miss?" tanong ng spokesperson ng HQ.

Hindi ito nagsalita bagkus ay namutawi sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan at nanangis ito ng sobra.

"Are you part of the Headquarters? Hindi ko nakikita ang mukha mo rito sa HQ," sabi ng lalaking nasa tabi ni Aelyne pero hindi niya ito pinansin at mas lumakas pa ang kanyang pag-iyak.

Nang bababa ang spokesperson sa entablado para puntahan si Aelyne ay agad akong tumakbo papunta kay Aelyne para tangkaing itakbo siya palabas ng HQ. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya ng HQ kapag nalaman niyang nasundan pala ako ng babaeng ito papunta rito.

"Who are you?" tanong ng spokesperson.

"Aelyne. Aelyne Mustacket and that person is the reason why I am here, I need to rescue him," sabi ni Aelyne habang tinuturo si Alessandro sa screen.

Patay.

Thank you for reading :)

Thank you for reading :)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kylvin Diasque [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now