CHAPTER TWENTY-NINE

50 9 0
                                    

"Compel to Speak"

MAHIGPIT ang pagkakagapos kay Vyxin sa upuan at tinitignan niya kami isa-isa ng masama niyang tingin. Walang tigil naman sa kakapaumamhin ni James kay Vyxin at nagpapaliwanag ito na hindi niya alam ang nangyayari.

Sa gitna ng lumang bahay ay mayroong malaking tent na siyang nagsisilbing higaan niya sa loob. Mayroong maliit na lamesa na gawa sa kahoy at nakapatong doon ang isang pitsel na may lamang tubig.

Halatang kakatapos niya lang kumain dahil sa pinagkainan niya na nasa lamesa. Naawa tuloy ako kay Vyxin dahil kakatapos niya lang kumain ay nakatikim siya sa akin ng malakas na hampas ng metal rod.

Pero nagbago ang awang naramdaman ko nang lumapit sa kanya si Karl at bigla nalang niya nitong inuntog ang noo niya sa noo ni Karl. Napahawak si Karl sa kanyang noo habang nakalukot ang mukha nito sa sobrang sakit.

Agad ko namang sinapak si Vyxin sa mukha at sinigawan ito dahil kapag uulitin niya iyon ay mawawalan na siya ng isang kamay dahil walang awa ko iyong puputulin kapag mananakit pa siyang muli.

“Diba sabi ni Karl ay mag-usap ng mahinahon baka nakakalimutan mo na nakagapos ka ngayon,” sabi ko sa kanya at habang ang tugon lang nito ay ang nanunuya niyang tingin.

“Ano ba ang nangyayari? May nagawa ba itong si Vyxin na masama sa inyo?” naguguluhang tanong ni James pero walang nagtangkang sumagot sa kanya.

“Kung nandito kayo para ipaghiganti ang Agent niyong pinatay ko ay sige!... Patayin niyo na ako. Tatlo laban sa isa? Luging-lugi ako,” matapang na sambit ni Vyxin at ngumiti pa ito na nakakapikon.

“May tatanungin lang kami sa iyo,” marahang sabi ni Aelyne sabay pumunta sa harap niya, “Ipagliliban muna namin ang tungkol sa pinatay mong Agent sa Headquarters. Mayroon kami ngayong kailangang malaman mula sa iyo.”

“What is it, princess?” tanong ni Vyxin kay Aelyne, “siguraduhin ninyong alam ko ang tinatanong niyo.”

“Tungkol sa CRYPTIC. Have you heard of them?” tanong ni Aelyne.

“Are you joking? Everyone knows who they are.”

“How about Erso Hallick?”

Sa sinabi iyon ni Aelyne ay nanlaki ang mata ni Vyxin at agad naman iyong nagbago nang nagsalita siya.

“Hindi ko siya kilala.” Pagmamatigas nito sabay umiwas ng tingin kay Aelyne.

Magsasalita pa sana si Aelyne nang bigla kong hinampas-hampas ang metal rod ng marahan sa kaliwang palad ko dahilan para mapalunok siya sa sobrang kaba.

“Oh siya sige! Kilala ko siya pero hindi ko sasabihin sayo, sa inyo, kahit anong mangyari. Ano ako uto-uto? Papatayin niyo rin naman ako kapag sasabihin ko sa inyo ang mga nalalaman ko!” sabi nito at sinundan niya ng malakas na pagtawa, “Isa pa ay—” napatigil ang kanyang pagsasalita at narinig ng lahat at malakas na sigaw ni Vyxin nang ipasok ko sa kanyang bunganga ang metal rod na hawak ko habang tumatawa siya kanina.

“Are you gonna tell us where the hell Erso is or I will push it harder to your mouth until your liver comes out?!” I yelled him vigorously as I heard him grunt in pain.

He tried to talk but a metal rod inside his mouth served as a barrier to prevent those words to escaped from his filthy mouth. I realized that he hardly breath and I immediately pulled it out and I heard him grasped in pain.

“Hayup ka! Magsasalita na nga. Huwag mo na ulit gawin iyon!” he said and he coughed. His eyes got reddish and there was a drop of sweat running across his face, “I know him from one request. Nakasulat doon na kailangan kong protektahan si Erso sa taong gusto siyang patayin.”

“At alam mo ba kung nasaan siya ngayon?” tanong ni Aelyne.

“Ituturo ko sa inyo ang lugar kung saan ako pumunta para protektahan siya. Dalawang buwan na iyon nangyari at hindi ko masisiguro sa inyo na nandoon pa rin sila.”

“Kilala mo ba kung sino ang nagbigay sa iyo ng request?” tanong ko sa kanya.

Umiling ito hudyat na hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng request. “It was unidentified requestor.

“Alam mo ba kung sino ang gustong pumatay sa kanya?”

“ Si… Hal?... Ham?... Si Hanes!” sigaw niya nang maalala niya ang pangalan ng lalaking gustong patayin si Erso.

“Bakit naman gusto niya itong patayin?” sunod ko namang tanong sa kanya.

“It’s prohibited to ask any questions when we accept the request. Our work is to follow what’s written inside the request.”

“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? O baka gawa-gawa mo lang yan lahat,” biglang sabi ni Aelyne.

“Inamin ko na nga sa inyo lahat ng nalalaman ko," naiiyak nitong sigaw kay Aelyne, “Ano pa gusto niyo? Sasamahan ko na nga kayo sa dakong pinagtataguan niya.”

Nagkatinginan kaming lahat dahil sa naging reaksyon niya. Nagmistulang naging bata ito dahil sa pamimilit ko sa kanya. Natawa nalang ako sa kanya.

Matapos niyang magsalita ay kinaladkad ko siya palabas ng kanyang lumang bahay papasok sa kotse. Sinigurado kong wala siyang dalang armas para manlaban sa amin. Agad naman akong nagpasalamat kay James sa pagtuturo sa kinaroroonan ni Vyxin. Hindi pa rin ito nahimasmasan sa kanyang nakita at gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan sa nangyayari.

Bumalik kami sa bahay ni Karl para doon maghanda sa pagpunta kay Erso. Iniwan ko muna sila saglit kina Karl dahil kailangan kong pumunta sa mansyon para kumuha ng mga armas. Kahit medyo hindi pa maayos ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa rin na ipagpatuloy ang pagpunta sa pinagtataguan ni Erso.

Gumamit ako ng High-Tech Med ng Headquarters para sa mga sugat ko sa katawan. Nagpalit na rin ako ng damit dahil punong-puno na iyon ng pawis at dugo. Kahit nandidilim ang paningin ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pagmamaneho hanggang sa nakaabot ako sa bahay ni Karl.

Inilatag ko sa harap nila ang mga baril na kakailanganin namin para mamaya. Hindi naman makapaniwala si Karl sa kanyang nakita at halatang hindi siya pamilyar sa mga baril na nasa harap niya.

Nakangiti si Vyxin sa aming kinatatayuan habang nakagapos pa rin ito. Alam ko na mayroon siyang interes sa mga baril. Hindi naman ako nagulat kong alam niya lahat ng klase ng baril dahil isa siyang miyembro ng RAPSCALLION. Kinalagan ko siya tapos itinutok sa mukha niya ang baril at pinaalala sa kanya na kapag gagawa siya ng hindi naaayon sa plano ay mababasag ang bungo niya.

“Alright, folks! Gear up!” sigaw ni Vyxin habang masayang-masaya itong namimili ng baril.

Habang pinapanood ko sila na naghahanda ay nabaling ang paningin ko sa isang sulok ng bahay. Tinanong ko kung ano ang mga bagay na iyon kay Karl at sinagot naman niya ako na isa iyong mga DVDs. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

“Mga pelikula dati. Dahil nga nagbago na ang mundo ay wala ng nagproduce ng mga pelikula. The Father of my Grandfather collected these films before,” sabi nito habang nag-aayos sa kanyang sarili, “Films like Star Wars, Back to the Future, Some Kind of Wonderful, Dead Poet Society, Say Anything, The Ghost, Jurrasic Park, While You Were Sleeping, Before Sunrise, Titanic, The Sixth Sense, Cast Away, The Marriage Story, and many more. Have you watched one of those?”

I nodded. How can I remember if I ever watched them if I have this amnesia?

“So what is your favorite film?”

“The film who conquered the top spot of the worldwide box office at 2019.”

“And what is that?” I asked him.

“Secret.” He gave me a grin.

I’m curious of that film. I’m gonna ask him again after we exterminate the group of Erso Hallick.

Thank you for reading. :)

Kylvin Diasque [ COMPLETED ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang