CHAPTER EIGHTEEN

78 16 9
                                    

"Erso Hallick"

“HELP! Someone! Help!” Iyon ang naririnig ko mula kay Aelyne. Palakas ng palakas ang boses nito at ang ibig sabihin lang ay malapit na ako sa kinaroroonan nila.

Masyadong malaki ang buong gusali at kanina pa ako paikot-ikot dito para lang mahanap sila. Dahil sa kakasigaw ni Aelyne ay nagbigay iyon ng deriksyon sa kung saan ko sila maaaring mahanap.

"Help! Someone help us please! Hel—” putol na sabi ni Aelyne nang marinig ko ang pagsampal sa kanyang mukha dahil umalingawngaw ito sa buong gusali.

Mas bumilis ang takbo ko papunta sa kanila at nang makita ko ang isang silid na mayroong kakaibang pinto. Nabubuksan iyon gamit ang isang card key. Dalawang bantay ang nakatayo malapit sa pinto at dahil wala silang alam na nandito ako sa loob ay mabilis ko silang pinatumba.

Agad kong hinubad ang kanilang uniporme at mabilis iyong sinuot upang magpanggap na kanilang ka-uri at makapasok sa loob na hindi mapanghihinalaan.

Nasa gilid ako ng kuwarto kung nasaan sila dinala. Naririnig ko mula dito ang mga bulungan ng mga bantay. Walang anu-ano'y biglang nagsalita si Alessandro.

“What do you want from us? Money?”

“If I were you, boy, I would shut my filthy mouth.” Pag-iinsulto nito ng isang bantay at mabilis na sinapak si Alessandro. “Any minute now, our boss will come. Right now, you should start to kiss your girlfriend goodbye because we are going to experiment your bodies.” And he gave them a hideous laugh.

“Screw you!” sigaw ni Aelyne.

Akmang babarilin niya si Aelyne nang hinugot ko bigla ang baril ko at pinaputukan ang ulo nito. Nagkalat ang utak niya sa buong silid na ikinagulat ng lahat. Huhugot pa sana ang kasama niyang bantay ng baril nang naunahan ko siyang pinaputukan sa kanyang noo.

I pulled out my other pistol and I shot the remaining guards. Their blood were flooded the entire room and their flesh were exploded into pieces as I released every shot of bullet to their heads. I immediately untied the ropes on Alessandro and Aelyne’s bodies. Their both faces drew a unexplainable shock as they saw me rescuing them.

“Parang nakakita naman kayo ng multo sa mga mukhang niyong iyan,” I uttered and suddenly chuckled.

“H-How did you do that?” Alessandro asked me. His knees were trembling due from massive hits he received from the guys that I killed earlier.

“Wala nang tanong-tanong pa. Umalis na tayo rito,” sabi ko sabay inalalayan silang dalawa palabas ng silid.

Sa dulo ng hallway ay mayroong dalawang bantay na paparating. Pinaupo ko muna si Alessandro kasama si Aelyne para harapin ang dalawang bantay. Tumakbo ako papunta sa kalaban at bigla akong napahinto nang mabilis na hinugot ng isa ang kanyang baril tsaka binaril ako sa kanang balikat.

Napaluhod ako dahil hindi ako agad nakaiwas sa bala ng kalaban. Agad kong kinuha sa machine gun na nasa likod ko at pinaputukan silang dalawa.

Dahil sa malaking ingay na nilikha ng machine gun ay nakaagaw ito ng pansin sa lahat. Naririnig ko na ang mga mabibigat na mga yabag paakyat sa kinaroroonan naming tatlo. Mayroong lumabas na isang lalaki na mayroong hawak na baril at tatangkain niya akong patayin nang bigla siyang natumba.

Nilingon ko si Alessandro at nakita ko na mayroon siyang hawak na baril.

“Wow,” sabi ko at ngumiti ng bahagya, “Doon. Doon tayo pumunta. Paparating na rito ang mga kalaban,”  sabi ko sa kanilang dalawa at bumalik kami sa lugar kung nasaan ko sila unang nakita.

Kylvin Diasque [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon