CHAPTER THREE

226 29 69
                                    

"Six Feet Under"

BIGLA nalang bumagsak ang ulan at halos hindi na makita ang daan sa sobrang lakas nito. Patungo ako ngayon sa puntod ni Dad. Nilakad ko lang ito dahil hindi naman malayo ang sementeryong pinaglibingan ni Dad mula sa Headquarters. Basang-basa na ako ng tubig-ulan at nakalimutan kong magdala ng payong dahil hindi ko naman inasahan na bigla nalang umulan ng malakas.

Nang nasa tapat na ako ng puntod ng namayapa  kong ama ay tinitigan ko lang iyon. Mga isang minutong pagtitig habang pinipilit kong alalahanin ang lahat. Nakasulat lamang sa kanyang lapida ay ang sarili niya pangalan. Binasa ko pa ang kanyang pangalan ng mahina at agad na umupo sa tabi ng kanyang puntod.

"Siyaszo Diasque. A Father, A Brother, and A General."

I'm on mute. No thoughts. Empty. It is like I was exist without knowing who really I am. I couldn't remember everything even my own father. I felt like I was walking naked in the dark forest towards to an unknown place.

Suddenly, I felt something warm running down across my cheek. It blended with cold water pouring from the dark clouds. I didn't know that I was already crying and I didn't notice it. Now, I realized that even though my mind forgot all my memories, my heart did not.

I smelled a mysterious pleasant smell after the rain stopped.

"Petrichor."

Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Sa pagkakaalam ko ay ako lang mag-isa ang pumunta dito sa sementeryo. Nilingon ko ang boses na nagsalita kanina at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng formal suit. Mayroon siyang itim na payong at inabutan ako ng isa pang payong.

"Petrichor ang tawag sa naamoy mo, young master," sabi nito at ngumiti sa akin.

Singkit ang kanyang mga mata at mas lalo pang pinasingkit ang kanyang mga mata nang ngumiti ito ng napakalapad. Medyo nasa mid-twenty ang edad niya at base sa postura nito ay isa siyang magandang lalaki. Nakakasindak ang tindig nito at parang bihasang-bihasa siya sa pakikipaglaban.

"Nakapagdesisyon ka na po ba? Young Master?" tanong ulit nito sa akin.

Sa una ay napakunot pa ako ng noo sa sinabi niya pero agad ko namang natandaan ang bagay na tinatanong niya.

"Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba ang misyong ipapatong sa balikat ko," sagot ko naman.

Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko at ngumiti na naman siya.

"Ganyan din ako noong una. Kinakabahan," sabi nito at huminga nang malalim, "pero kakayanin mo rin yan at 'wag kang mangamba. Dito ang buong HQ na susuporta sa'yo."

Sa mga sinabi niya ay bigla akong napangiti at nagkaroon ng kaunting lakas ng loob na makakaya ko ang misyong ibibigay sa akin ni Uncle.

"I'm Tobias Liu," pagpapakilala niya sa akin at yumuko sa harap ko.

"T-teka lang... 'di mo naman kailangan yang gawin," sabi ko sa kanya na naiilang.

"By bowing our heads to our masters, it represents our respect and loyalty," sagot naman nito sa akin.

"G-ganun ba? Parang hindi ko yata kayang masanay kapag ganyan lagi ang pagbati sa akin ng mga tao sa buong Headquarters."

"Pinapatawag na po kayo ng general sa loob ng Headquarters," sabi nito sa akin at hindi niya narinig ang aking nasabi.

"T-teka lang," pagpipigil ko sa kanya nang bigla siyang hahakbang palayo sa akin, "puwede mo bang ikuwento sa akin kung anong klaseng lider si Dad?"

Nanlaki naman ang mga singkit niyang mga mata sa sinabi ko at ngumiti ito habang nakatingin sa ibaba.

Kylvin Diasque [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now