"Kita ko nga may aso. Oh tapos? "

"Anong oh tapos? Malamang takot ako sa aso obvious ba. Hahabulin ako niyan tsaka tatahol yan."

"Ashley aso yan tatahol talaga yan. Wag mo na lang tignan. Diretso lang ang tingin para di ka din pansinin." sagot naman niya pero takot talaga ko e.

Tumalon ako sa likod niya para ma piggy back ride niya ko.

"Ayan! Okay na! Tara na." sinilip ko ang mukha niya nung hindi man lang siya gumalaw para mag lakad palayo sa aso, nakakatawa yung itsura niya parang nakakita ng multo sa pag ka gulat.

"Ui! Ryden tara na hanggang makalayo lang tayo sa aso tapos bababa na ko ulit."

"Ah-- eh--. Tsk! Dapat kasi nag sabi ka hindi yung bigla bigla ka dyan" nag lakad na siya kaya kumapit ako ng mahigpit baka malaglag ako e.

Bumaba na ko agad nung nakita ko na malayo na kami sa aso.

"Thanks"

"Ang bigat mo pala Ashley." at ngumiti pa nga ng nakakaloko ang lalaking to.

"Wow! Ha.. Ha.. Ha.. Pero okay lang. Alam ko naman na crush mo ko."

"Ano? Paki-ulit, Nabibingi ata ako sa sinabi mo?"

Tinignan ko lang siya ng masamang tingin. Halata naman kasi na crush niya ko e. Alam ko na yung mga ganung kilos. Haist Ryden your trying to read me pero sorry nauna kita nabasa e.

"Sabi ko crush mo ko denial ka lang" iniwan ko na lang siya dun bago pa siya mag react alam ko naman na itatanggi niya yun.

Nakarating na kami sa court nung may nakita akong bola ng basketball. Nag dribble lang ako at tumakbo takbo habang iniintay si Ryden. Saktong pag ka pasok ni Ryden na shoot ko din yung bola pag ka tapos ng ilang missed.

"Ang galing ko no!" pag mamayabang ko sa kanya.

Hinihingi niya ang bola kaya pinasa ko sa kanya. Nag dribble siya at binato ang bola sa ring, shoot. Parang di man lang nahirapan.

"Galing ko din di ba?" pag mamayabang din niya.

"Ryden, hinahamon kita paramihan tayo ng ma shoot. Race to 10, kung sino matalo manlilibre." with confidence na pag hahamon ko sa kanya.

"Salitan lang tayo sa pag shoot? Or may agawan din?"

"Salitan lang malamang hello babae pa din ako duh! Tsaka sa free throw line ka ako naman sa free throw lane."

"Sana nag palibre ka na lang. Parang lugi ako ah" angal naman niya.

"Dali na please" nag pa cute pa ko. Exciting kaya pag may laro.

"Sige na game!"

Nag rock paper scissor muna kami at syempre, talo ako. Tsk. Okay lang babawi ako sa laro.

Kinuha niya ang bola at boom tumama lang sa net, I have a good feeling about this game! It's my turn now.

"Watch and learn Ryden" And shoot, nasa akin pa din talaga ang swerte para sa libreng pagkaen.

9-9 na ang points at nasa kanya ang bola. It's time for a little bit of distruction.

"Pag yan nag shoot crush mo ko." and hindi nag shoot.

"Ang daya. Tsk. Pag yan nag shoot-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya na shoot ko na.

"Yes! Ililibre mo ko!" nauna na ko mag lakad pauwe.

"Kala ko ba papalibre ka?" tanong naman niya.

"Oo Stick-O"

"Binigyan ka ni Russel nung isang araw lang"

"Ubos na yun, gusto ko ung pinaka malaki jar ng Stick-O"

Nag yakag na ko pauwe kasi sobrang pagod ko na at aayusin ko pa yung kwarto ko dahil pag naiwan yun na magulo habang wala ako for sure lilinisin pa yun ni inay.

Nag lilinis lang ako ng tawagin ako ni inay, para mag dala ng ulam kay Ryden. Hindi ko alam kung sino talaga ang apo e, ako o si Ryden.

Naiwang bukas ang gate kaya pumasok na lang ako.

"Ryden!" sabay katok sa pinto. Hindi naman ako matagal na nag intay. Lumabas naman siya agad.

"Oh padala ni Inay."

"Thanks. Hindi na ko mag luluto"

"Tsk hindi mo ko yayakagin sa loob? Kahit mag pa juice ka man lang." hindi na ko nag hintay pa ng sagot niya at bumungad sakin ang makalat niyang bahay.

"Ilang weeks ka ng nakalipat hindi ka pa din tapos?"

"Ako lang mag isa e, tsaka busy ako pag punta ni mama dito papatulong na lang ako." sagot naman niya.

"Iintayin mo pa? Lika na tulungan na kita."

"Ano na naman kapalit?" tanong niya sakin.

"Wala meryenda lang okay na. Ito naman parang di ka pa na sanay na pag kaen lang sapat na. #foodislife nga di ba."

Nag simula na ko tignan ung mga box na nag kalat. Karamihan libro, damit at sapatos lang naman. Kulang kulang pa mga gamit. Kaya umuwe muna ko kumuha ako ng mga extra organizer ko.

"Ano yan? Nag dala ka pa ng kalat, di pa nga nakakapag linis."

"Engr. ang tawag dito ay organizer hindi kalat."

Nag ayos lang kami pati ung mga damit niya inayos ko lang ang tiklop. Simple lang din ng kwarto niya. Wala masyadong ganap. Nahuli ko siya na nakatingin sakin.

"Hala! Kanina lang crush mo pa lang ako ngayon inlove kana sakin, house wife material ba?" pambibiro ko sa kanya para alisin na niya tingin niya sakin baka matunaw ako, mahirap na nag iisa lang ako sa mundo.

"Lakas talaga." yun lang sinagot niya kaya...

"Ui di tinanggi" kinuha niya ung mga nag kalat na box at padabog lumabas ng kwarto niya.

Ang obvious mo Ryden, pero sana hindi ka ma fall. Mahirap akong karelasyon. I'm not worth it, masasaktan ka lang. Your too good for me.

Unseen BattleWhere stories live. Discover now