CHAPTER 3

344 7 0
                                    

Sinampal siya ni Mama.

Nagulat ako sa ginawa ni Mama pero hindi lang ako nagulat dahil lahat ng taong naka paligid ay nagulat din.

Si Mama na hindi pumapatol at walang pakialam sa mga sasabihin ng tao sa kan'ya.

Si Mama na ayaw sa pakikipag-away.

Si Mama na pinipigilan ang lahat ng kaya para lang walang gulo.

Pero ngayon iba ngayon si Mama parang may parte sa 'kanya na hindi ko kilala.

"H'wag na h'wag mong tatawaging anak sa labas ang anak ko!" galit na sabi ni Mama kaya naman mas lalong nagulat ang mga tao dahil ngayon lang siya nakita na parang galit na galit.

"Hindi siya anak sa labas naiintindihan mo?" gigil na sabi ni Mama saka dinuro ang mukha nung lalaking kanina ay parang lasing ngayon ay parang natauhan na.

"S-sorry Aubrey h-hindi na m-mauulit!" nanginginig sa takot na banggit nung lalaki.

Agad ko naman hinawakan si Mama sa braso para patigilin na siya.

Nang maramdaman niyang may humawak sa kan'ya ay tumingin siya sa'kin.

Nang mag tama ang mata namin agad naman lumambot ang tingin niya at saka tumingin sa'kin na paramg humihingi ng sorry, pero ngumiti lang ako.

"Ma, tara na u-umuwi na tayo." aya ko sa kan'ya kaya naman tumango na lang siya at saka kinuha ang mga gamit niya.

Tinulungan ko na siya para agad din kaming makauwi.

Habang naglalakad walang nagsasalita at tahimik lang kami.

Hindi ako sanay dahil ang tahimik, hindi naman kami gan'to 'pag umuuwi, eh lagi kaming masaya pag umuuwi pero ngayon hindi na, ang tahimik na.

Pagdating namin sa bahay agad akong pumunta sa kwarto para mag bihis na. Si Mama naman ay dumiretso sa kusina para siguro magluto na.

Nang matapos na ako pumunta na ako sa kusina para kumain kasama si Mama.

"Kain na tayo anak." sabi ni Mama habang nakangiti na parang walang nangyari, ngumiti na lang ako sa 'kanya pabalik.

"Ma." pag tawag ko dito habang umuupo kaya naman tumingin siya sa'kin habang naglalagay ng kanin sa plato ko.

"Bakit?" tanong niya bago umupo ng maayos at tumingin sa akin na parang inaabangan ang tanong ko.

"Yung kanina po kasi..." sabi ko pero hindi ko ito natuloy at saka ako yumuko.

"Sorry." sabi ni Mama kaya naman tumingin ako sa kan'ya na parang nagtataka.

Nang makita niya na nag tataka ako saka siya ngumiti at sumagot.

"Sorry kasi nakita mo pa na ganon ako, pangako hindi mo na ako makikita na ganon ako okay?" sabi niya saka ngumiti sa akin, ngumiti na lang ako.

"Hindi po 'yon Ma, eh." sabi ko kaya tumingin ulit siya sa akin.

"Totoo po bang anak ako sa labas?" sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata ni Mama.

"Hindi, hindi 'yon totoo, h'wag mo na lang sila pakinggan anak, hayaan mo na lang sila." sabi ni Mama kaya naman napabuntong hininga na naman ako.

"Bakit po ba ayaw mo pong sabihin sa akin ang totoo Mama?" sabi ko.

"Hindi pa ito ang tamang oras anak, makinig ka sa'kin kahit na kainin kana ng galit mo h'wag ka mag papatalo at matutong mag patawad, kahit anong mangyari naiintindihan mo?" sabi ni Mama habang nakahawak sa mukha ko at nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now