CHAPTER 14

275 7 0
                                    

"Gusto kong lumayo ka sa'kin at h'wag ka ng mag papakita sa'kin, ayaw ko ng makita 'yang mukha mo!" wala pa ring emosyon na sabi ko.

"B-bakit? Ayos naman tayo kahapon, ah? May nagawa ba akong mali?" tanong niya pero tinignan ko lang siya na parang wala akong pakialam sa 'kanya.

"Lumayo kana lang! Wala ng maraming paliwanag basta lumayo ka sa'kin tapos!" sabi ko saka siya tinulak patagilid para maka daan ako ng maayos.

Nang pag talikod ko saka pa lang tumulo yung kanina ko pang pinipigilang luha.

Hinayaan ko lang ito tumulo ng tumulo.

Nawalan ako ng ganang mag tinda kaya naman pumunta ako sa tulay na lagi kong pinupuntahan kapag malungkot ako at may gusto akong takasan na problema.

Nang makarating na ako binaba ko muna yung paninda ko saka ako umupo sa tabi non.

Nang maka upo agad akong tumingin sa harap ko pero agad din ako tumingin sa baba dahil nasilaw ako sa sobrang taas ng araw kaya nasilaw ako.

Hindi ko inisip na sobrang init sa pinag uupuan ko at umiyak lng ng umiyak doon.

"Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan bakit lahat pinag kait pa ng mundo?" sigaw ko habang umiiyak.

Nilalabas ko lang lahat ng nasa isip ko.

"Bakit? Ano bang masama sa pagiging anak sa labas?" sigaw ko ulit.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil alam ko naman na walang makaka rinig sa'kin.

Tumagal lang ako ng ilang oras doon at saka ko ulit inayos yung sarili ko para hindi mag alala si Mama.

Hindi muna ako mag titinda.

Nang maka uwi na ako agad kong nakita si Mama sa may sala namin at nag lilinis, napa hinto naman siya sa pag lilinis dahil lang sa nakita niya ako.

"Oh, anak ang aga mo naman!" sabi naman niya pero pina kita ko yung tinda ko na wala 'man lang bawas.

"Ma! Hindi po muna ako mag titinda!" sabi ko naman at saka ko nilagay sa kusina 'yon.

"Bakit may problema kaba anak?" tanong ni Mama kaya umiling ulit ako.

"Wala po ah, saka nga po pala Ma! pwede po bang doon muna ako sa may tulay na lagi kong pinupuntahan?" pag papa-alam ko.

"S-sige basta umuwi ka rin ng maaga, huh?" sabi naman niya kaya tumango na lang ako at saka lumabas mg bahay.

Nang dumating na ako 'don ay pumunta ako doon sa may duyan at doon humiga.

Nang maka higa ako doon lang ako naka ramdam na totoong pahinga.

Kapag talaga nandito ako natutulungan akong pagaanin ang loob ko.

Pumikit na lang ako at saka iniisip ang lahat ng bagay na maaaring mangyari.

'Kung hindi ko ba nakilala di Miller maayos pa ako?'

'Kung lalayuan ko ba siya masisigurado ko bang magiging maayos si Mama?'

'Bakit kung kailan ako naka hanap ng kaibigan na nandiyan para sa'yo pero kailangan mo siyang layuan para sa kaligtasan ng Mama ko!'

'Gusto ko lang naman maging masaya bakit lagi na lang may nangyayaring malungkot sa tuwing masaya ako?'

'Bakit hindi pwedeng masaya na lang? Kailangan ba laging may kasamang lungkot?'

'Ayaw kona'

Sa sobrang pag iisip 'di kona namalayan na naka tulog ako.

Habang natutulog ako parang may naramdaman akong naka tingin sa'kin kaya naman dahan dahan akong dumilat para tignan kung sino yung nak tingin sa'kin.

Nakita ko agad ang pag mumuka ni Miller.

Naka tingin lang siya sa'kin pero blanko ito at hindi ko mabas kung ano ang nasa isip niya.

Napa balikwas naman ako agad ng tayo at saka lumayo sa 'kanya dahil sa sobrang lapit niya sa'kin kanina nung pag gising ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero ganon pa rin yung mukha niya at walang nag bago.

Napa tingin ako sa paligid at napag tanto kong gabi na kaya alam kong nag aalala na si Mama kaya naman umalis na ako sa duyan at tumayo na maayos.

"Alis na ako!" sabi ko naman at saka tumalikod pero agad naman niyang hinawakan ang kamay ko na siyang nag patigil sa'kin sa pag lalakad.

"Uuwi kana? Hatid na kita!" sabi niya kaya naman humarap ako sa 'kanya at sak tumingin sa dalawang mata niya.

"Hindi na kailangan!" sabi ko naman kaya naman napa pikit siya ng mariin.

"Gabi na baka kung ma ano ka d'yan!" sabi naman niya pero hindi ko 'yon pinansin dahil naka tingin ako sa labi niya na may dugo.

Sinalat ko ito at agad naman siya napa atras sa naramdaman niyang sakit dito.

"Anong nangyari d'yan?" tanong ko.

"Wala, wag mo ng alalahanin at halika na at ihahatind na kita!" sabi naman niya.

"Layuan mo ang anak ko!"

Bigla nanaman pumasok sa isip ko yung sinabi ng Mom ni Miller kaya naman agad akong umiling.

"Hindi na kailangan, umuwi kana rin at ako naman ay kaya kona ang sarili ko." sabi ko naman at saka tumalikod na.

"Aria!" sigaw niya pa pero hindi kona lang ito pinansin at nag lakad na papa uwi.

Habang nag lalakad ako naramdaman kong may naka sunod sa'kin pero hindi ako naka ramdam ng kaba dahil alam kong si Miller lang 'yon.

Hindi kona lang siya pinansin at hinayaan na sundan ako.

Alam kong nag aalala lang siya sa'kin kaya naman kahit patago ay susundan niya ako.

Yun nga lang hindi siya magaling mag tago dahil alam ko at nararamdaman ko kung saan siya mag tatago.

Ewan ko bata pa lang ako pansin kona parang amg lakas ng pakiramdam ko sa paligid ko.

Nang makarating sa bahay nakita ko si Mama naka upo sa sala na parang hindi mapakali at parang may hinihintay kaya naman alam ko agad na hinihintay niya ako.

"Andito na po ako!" sabi ko kaya naman agad tumingin si Mama sa'kin at saka lumapit sa'kin at saka niyakap ng mahigpit.

"Bakit ngayon ka lang? sabi ko sa'yo h'wag kang mag papa gabi 'di ba?" naiiyak na sabi niya kaya namab yumakap na rin ako.

"Ayos lang ako Ma! Naka tulog lang ako sa may duyan kaya hindi ko namalayan na gabi na, sorry dahil napag alala ko kayo 'di na po mauulit!" sabi ko naman at saka bumitaw ng yakap.

"Buti naman sige na ma ligo kana!" sabi niya kaya nama tumango na lang ako.

"Teka, asan si Miller? sabi ko sa 'kanya puntahan ka, eh pero 'bat 'di mo kasama?" tanong naman ni Mama na nag patigil sa'kin.

"Uhm... sabi niya po uuwi na siya, eh saka hinatid niya naman po ako hindi lang po nakapag paalam sa'yo!" sabi ko naman, tumango na lang siya sa sinabi ko kaya naman umalis na ako at naligo na.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora