CHAPTER 2

392 8 0
                                    

Hindi na ako kailangan gisingin ni Mama dahil kanina pa ako gising.

Habang natutulog pa si Mama ako na ang nagasikaso sa lahat ng gawain.

Nagluto ako ng ulam at kanin para may kakainin na kami.

Nang matapos na ako sa lahat pumunta na ako sa kwarto ni Mama para gisingin siya.

"Ma, Gising na. Kain na po tayo Ma." sabi ko naman habang inaalog-alog ang balikat niya kaya agad din naman siyang nagising.

"Hmm?" tanong ni Mama na halatang inaantok pa.

"Kain na tayo, tanghali na po." sabi ko naman.

"Susunod na lang ako." sabi naman niya kaya tumango na lang ako at saka tumayo para pumunta na sa kusina.

Hinintay ko muna siya makapunta dito sa kusina bago ako kumain.

Nang makita ko na si Mama na palapit ay ngumiti ako sa kan'ya kaya ngumiti rin siya sa akin pabalik.

"Kain na tayo?" sabi ni Mama kaya tumango na lang ako at saka kumain na.

Naguusap kami habang kumakain dahil 'yon na talaga ang nakasanayan namin.

Nang matapos na kaming kumain ay nagayos na kami at nag handa dahil ako ay may pasok habang si Mama ay mag titinda ngayon.

"Pag butihan mo ang pag-aaral mo do'n Elle, at matatamaan ka sa'kin pag may narinig nanaman ako na nakipag away ka nanaman." paalala nanaman ni Mama.

"Opo Mama hindi na po ako makikipag-away at mag aaral na ako ng mabuti, pero Ma, 'pag nasa tama ako lalaban ako at lalo na pag dinamay ka nila lalaban talaga ako kaya sorry po kung mapapaaway ako pero alam ko naman po na nasa tama ako." mahabang litanya ko kaya napabuntong hininga na lang si Mama dahil sa walang magawa sa katigasan ng ulo ko.

"Hay nako anak." sabi ni Mama habang napapasapo sa noo niya kaya naman natawa ako.

"Pumasok ka na at para 'di ka ma-late." sabi ni Mama kaya naman humalik na ako sa pisngi niya at saka pumasok na sa school.

Malapit lang ang school namin kaya naman nilalakad ko lang.

Nang makarating na ako sa room umupo na ako sa upuan ko at tumunganga na lang dahil wala naman akong gagawin lalo na at wala akong cellphone para may magamit, mahirap lang kami kaya hindi namim afford na bilhin 'yon.

Habang nakatingin sa labas naririnig ko silang pinag bubulungan nanaman nila ako.

"Siya ba yung anak sa labas?"

"Oo siya, sabi ng Mommy ko mayaman daw ang tatay niya, saka tignan mo naman ang mata niya hindi basta-basta."

"Oo nga 'no? iba nga ang mata niya kulay blue?"

"Kaya wala siyang kaibigan, eh dahil anak daw siya sa labas."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko pero hindi ko na lang pinapansin dahil wala naman akong mapapala.

Tumahimik din silang lahat dahil dumating na si Ma'am Stacey.

Nag simula na siyang mag turo kaya do'n ko na lang itinuon ang aking atensyon.

Tahimik lang akong nakikinig pero may napansin ako na parang may nag babato sa akin ng papel.

Tinignan ko naman kung sino 'yon pero 'di ko nakita dahil lahat sila nagsiiwasan ng tingin.

Bumuntong hininga na lang ako at hindi na lang sila pinansin. Nakinig na lang ako ng maayos.

Pero habang nakikinig naulit nanaman 'yon, may bumato nanaman sa'kin ng papel sa ulo ko, pero hindi ko na lang ulit ito pinansin.

Alam ko naman kung bakit sila ganyan sa akin pero hindi naman nila kailangan na ipamukha sa akin na ayaw nila sa'kin.

Tulad ng sinabi sa akin ni Mama ay h'wag na lang pansinin kaya 'yon na lang ang ginawa ko.

'Kahit na ilang beses niyo kong batuhin hindi ko pa rin kayo papatulan.' sabi ko sa isip ko.

Isina-isip ko talaga ang mga sinabi ni Mama kaya hindi ko muna sila papatulan.

'Bakit kasi blue ang mata ko? Bakit hindi kay Mama ako kumuha ng kulay ng mata? Bakit sa Papa kopa na hindi ko naman kilala? Bakit? Dahil sa 'kanya lagi ako nabu-bully.'

Hanggang sa matapos na ang klase hindi ko pa rin sila pinapatulan.

Kaya ngayon bumilib ako sa sarili ko dahil nakayanan kong mag timpi at hindi sila patulan.

Hindi ko alam kung kakayanin kong hindi sila patulan hanggang sa matapos ko ang aking pag-aaral.

'Pag nahanap ko ba ang Papa ko ano kaya ang magiging reaksyon ko? Ano kaya ang gagawin ko sa araw na magkita kami? Matutuwa kaya ako? O magagalit? Sa ngayon hindi ko pa alam dahil mula noon hindi ko pa siya nakikita'

Nang matapos na ang klase lumabas na ako at hindi na lang sila ulit pinansin.

Nang makalabas na ako do'n lang yata ako nakahinga ng maluwag.

Hinanap ko ulit si Mama para tulungan ulit siyang mag tinda.

Nakita ko siya do'n sa may nag iinuman na parang galit na kay Mama kaya agad akong lumapit para tignan kung ano na ang nangyayari 'don.

"Isang shot lang naman, eh bakit ba ayaw mo huh?" sabi nung isang lalaki na parang lasing na.

"Sabi ko naman sa'yo hindi ako pwede, mag titinda pa ako." nagtitimping sabi ni Mama.

Lumapit ako sa tabi ni Mama kaya naman sa akin napunta ang atensyon ng lahat.

"A-ano pong nangyayari?" tanong ko kay Mama habang nakatingin sa mga mata niya.

"Wala anak, Umuwi ka na ako na bahala dito." sabi naman ni Mama kaya umiling naman ako agad.

"Hindi Mama, ano po ba talaga nangyayari?" sabi ko saka tumingin 'don sa mga lalaki.

"'Yang Mama mo kasi ang arte, isang shot lang naman ang pinapainom namin pero tumatanggi siya." lasing na paliwanag nung lalaki.

"Eh, ayaw naman po pala bakit niyo pa po pinipilit?" magalang na may inis na sabi ko kaya parang lalong uminit ang ulo nung lalaki.

"Hoy Bata, h'wag ka nga nakikialam, eh anak ka lang sa labas." sabi naman nito kaya naman nagulat ako hindi dahil sa sinabi niya dahil sa ginawa ni Mama sa kan'ya.

Sinampal siya ni Mama...

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now