CHAPTER 1

1K 16 0
                                    

"Elle, gising na anak, may pasok ka pa." sabi ni Mama.

Papasok ako ngayon at ako'y grade 8 pa lamang kaya kailangan ko gumising ng maaga para hindi ako ma-late sa aking papasukan.

Pumunta na akong kusina para mag umagahan at sabayan si Mama sa pagkain.

Kaming dalawa na lang ni Mama, wala na ang Papa ko dahil hindi ko naman siya kilala, bata pa lang ako wala na akong papa, ayaw naman ako sagutin ni Mama pag nag tatanong ako.

Mahirap lang kami pero masaya kaming namumuhay kahit kaming dalawa na lang.

Nag titinda lang si Mama ng turon at do'n kami nabubuhay.

Pag wala akong pasok ay tumutulong ako. Pero 'pag may pasok ako hindi ako nakakatulong pero pag uwian na saka ko siya tinutulungan.

Ayaw ni Mama na tumulong ako pero dahil makulit ako wala na siyang nagagawa.

Umupo na ako sa lamesa para kumain ng umagahan.

Ang ulam namin ngayon ay itlog at tuyo na pareho naming paborito.

Kumain na ako at sinabayan si Mama.

Pagkayaring kumain naligo na ako.

Nang matapos na ako sa lahat ng gagawin ko ay nag paalam na ako kay Mama na aalis na ako.

"Ma, Aalis na po ako!" sigaw ko para marinig niya.

Lumabas muna siya sa kusina para tignan ako.

"Sige anak, tatapusin ko lang ang pag aayos ng turon at magtitinda na ako. Maaga kang umuwi huh?" sabi ni Mama tumango naman ako saka lumapit sa kan'ya para humalik sa pisngi niya.

Pagalis ko sa bahay agad akong pumunta sa paaralan para pumasok.

Wala akong kaibigan dahil mahirap daw kami, wala naman problema sa pagiging mahirap kaya hindi ko na lang sila pinapatulan. Sabi ni Mama h'wag na raw ako sumasali sa gulo at masama raw 'yon kaya hindi na lang ako pumapatol.

Pagpasok ko sa room ko ay umupo na agad ako sa pinakadulo ng room. Kaya sa dulo ako umupo dahil ayaw ko sa atensyon mas gusto ko sa likod dahil do'n ako komportable.

Mula nung nag-aral ako wala na akong nagiging kaibigan dahil lagi ako napapaaway, lagi kasi nilang dinadamay ang Mama ko.

Lagi nilang sinasabi na anak daw ako sa labas kaya lagi ako napapaaway, hindi ko alam kung bakit ako tinatawag na ganon.

Siguro dahil lang sa mata ko, ang kulay ng mata ko ay asul kaya mapagkakamalan talaga ako na iba ang lahi ko, tinatanong ko kay Mama kung bakit ganon ang mata ko at kung bakit magkaiba kami ng kulay ng mata. Ang kulay ng mata ni Mama ay Brown kaya madaming nagtataka, ang laging sinasabi ni Mama ay sa Papa ko raw ito nakuha, pero dahil madaming chismosa ay may kumakalat na anak daw ako sa labas.

Tinigil ko muna ang pagiisip ng makita ko na ang guro namin na papasok na sa room kaya umayos na ako ng upo.

"Good morning class, I'm your advicer and call me, Miss Stacey and Math ang subject na ituturo ko sa inyo." sabi ni Ma'am, hindi siya mukhang masungit at hindi pa siya matanda para siyang bata pa lang mga 30's years siguro.

Dahil sa sinabi ni Ma'am na subject agad na umatungal ang mga kaklase ko.

Hindi na lang sila pinansin ni Ma'am at nag salita ulit.

"Well, this is first day of school so, you need to introduce yourself." sabi ni Ma'am kaya naman yung iba ay umatungal nanaman.

Wala na rin silang nagawa at nagpakilala na.

Nasa dulo ako kaya huli akong nagpakilala.

Nang ako na, agad din akong tumayo at nagpakilala.

"Hi good morning classmate, I'm Aubrielle Aria Sullivan, you can call me Elle." pagpapakilala ko, agad din akong pinaupo ni Miss Stacey kaya umupo na ako.

First day of school kaya wala pang masyadong gagawin ngayon kaya naman nung nag uwian agad akong lumabas para tulungan si Mama magtinda.

Pagkalabas ko nakita ko si Mama malapit doon sa tindahan kaya lumapit na ako.

Pagkalapit ko dito agad akong yumakap sa kan'ya nagulat pa siya nung una pero tumawa rin naman siya kaya natawa na rin ako.

Bumitaw na agad ako at saka tumingin sa lagayan ng mga tinitinda niya at nakita ko na naubos na ito kaya naman tumingin ako kay Mama na parang natutuwa kaya naman natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Wow, Mama paano? ang bilis naman naubos." sabi ko hindi pa rin makapaniwala, tinawanan lang niya ako.

"Maaga ako nakaubos dahil may birthday-an d'yan sa kanto, binili nila yung tinda ko kaya ang aga ko nakaubos." paliwanag naman ni Mama, tumango na lang ako saka tinulungan siya mag buhat ng lalagyanan.

Umuwi na kami sa bahay namin para makapagpahinga.

Habang nag lalakad, nagtatanong lang si Mama sa'kin na sinasagot ko naman ng totoo.

"Kamusta ang unang pasok sa school?" tanong ni Mama.

"Hmm... ayos naman po, wala kaming ginawang madami kasi unang pasok pa lang." sagot ko naman sa tanong niya.

"Mabuti naman kung ganon, H'wag ka ng makikipag away ng dahil lang sa'kin okay?" sabi ni Mama kaya tumango na lang ako.

"Opo, pero pag sumosobra na sila puwede na po ba akong lumaban?" tanong ko naman kaya napailing siya.

"H'wag kana lang pumatol, 'pag naman sumobra na isumbong mo na lang sa guro niyo." sabi niya kaya napabuntong hininga nanaman ako.

"Opo." sabi ko naman, kaya napangiti siya sa naging sagot ko.

Nang makarating kami sa bahay agad akong nag bihis ng pam'bahay para mag palit, pagkatapos ko pumunta ako sa kusina para mag luto ng kanin at ng ulam.

Si Mama naman ay pumunta sa likod para maglaba.

Pagkayari ko sa lahat ng ginagawa ko ay ganon din si Mama kaya sabay na kaming kumain.

Kumakain kami habang nag ku-kwentuhan dahil gano'n kami palagi.

Kahit kaming dalawa na lang ni Mama masaya naman kaming dalawang magkasama.

Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nawala si Mama, siya na lang ang kasama ko sa buhay ko kaya ayaw ko na mawala siya sa piling ko.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now