“Pupunta pa ko sa OR.”

“Ow, that girl? Yung kasama nung asawa ng naaksidente kanina? Siya na ba ang bago mo? Paano na niyan si Chariz? Sayang off niya ngayon. Mukhang may mabo-broken-hearted na naman ng dahil sa’yo.”

“Sira ulo! There’s nothing going between me and Chariz.” Iniwan na niya ito. Mula sa ER, dumeretso siya sa OR. Pero wala sa labas ang pakay niya. Sinubukan niyang pumunta sa chapel malapit do’n. Napangiti siya ng makita ito katabi ang isang babae. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang balikat nito.

“Prinsesa.” mahinang tawag niya dito. Napalingon ito sa kaniya.

“Aeroll.” Hinawakan niya ang kamay nito at inakay ito palabas ng chapel. “Anong ginagawa mo dito? Naka-duty ka diba?” tanong nito. Hindi niya ito masyadong nakausap kanina. Tinanong lang niya kung okay lang ito, tumango lang ito. Pero ramdam niyang hindi.

“Tapos na ang duty ko.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Okay ka lang ba talaga?” tanong niya.

“Okay lang. Medyo...” Nilibot nito ang tingin sa paligid nila. “Ayoko lang kasi ng amoy ng ospital... Ayoko lang makakita ng namamatay... Ayoko dito...” Nilingon siya nito. “Naiintidihan mo ba yung gusto kong sabihin?”

“Naiintidihan kita.” May iniiwasan ito kaya ayaw nito dito. Iniiwasan nito ang mga ala-alang pilit nitong kinakalimutan.

Pilit itong ngumiti. “Thank you.”

“Kung ayaw mo dito? Bakit nandito ka ngayon?”

“Dahil walang kasama si Ate Aiza. She’s my neighbor. Mabait siya sakin. Para ko na siyang ate at kuya ko naman ang asawa niya. Kailangan niya ng makakasama lalo na ngayon. Malayo ang pamilya nila dito. Kailangan niya ko.”

“You’re so brave, Prinsesa.” Ang tapang talaga ng prinsesa niya.

Sumandal ito sa ding-ding. “Matapang ba talaga ko o nagpapanggap lang na matapang? Minsan, hindi ko na rin alam. Hindi na ko tumapak ng ospital simula ng mamatay sina papa at mama. Nung college ako, nasa ibang bansa si ate. If ever na magkasakit ako, walang mag-aalaga sakin. Kaya I made sure na hindi ako magkakasakit, kahit simpleng sipon pa ‘yan. Dahil ayokong pumunta ng ospital. Dahil alam kong maaalala ko lang sila mama at papa.”

Sabi ko na nga ba. Hinawakan niya ang kamay nito.

“All my life, pilit kong iniiwasan ang mga bagay na alam kong makakasakit sakin. Kaya hanggang ngayon, hindi pa din ako maka-move on sa nangyari sa magulang ko. Sa nangyari sakin. Dahil never ko talagang hinarap ang mga ‘yon. Kaya maski sa panaginip ko, sinusundan nila ko. Kaya sa bawat bagay na may kinalaman sa kanila, nasasaktan agad ako. I always felt scared.”

Kaya pala madalas sa tuwing may pagkakataon na marinig niya itong nag-i-sleep talk, tinatawag nito ang magulang nito. At ang mga bagay na kinatatakutan nito na nalaman niya habang kasama niya ito. Lahat ng ‘yon. He understands her. And he’s willing to help her.

Nilingon siya nito. “Kaya sabihin mo, matapang ba talaga ako na pilit iniiwasan ang mga bagay na dapat matagal ng tapos kung matagal ko ng hinarap? Tell me, Aeroll.”

He sighed. “Come here.” Hinatak niya ang kamay nito palapit sa kaniya. Hanggang sa tuluyan na niya itong yakapin.


* * * * * * * *


She closed her eyes while he was hugging her. “Hindi masusukat ang katapangan ng isang tao dahil lang kaya niyang harapin ang mga problema niya. Matapang ka, Prinsesa. Dahil nagawa mong kayanin ang lahat ng nangyari sa’yo.”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Where stories live. Discover now