Prologue

2.7K 97 33
                                    

Sampung taon nang patay si Mama. Nabaril siya habang inililigtas ako mula sa mga kumidnap sa akin. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa mga nangyari sampung taon na ang nakakalipas.
Kahit ilang beses kong alalahanin ang mga pangyayari, limitado lang ang naaalala ko.

Ang naka maskarang kumidnap sa akin, na siya ring pumatay sa Mama ko.

Maging ang mukha nung babae, hindi ko nakita. Tanging likod niya lang ang nasilayan ko hanggang sa pag-alis nila.

Pagkatapos ng mga nangyari, nagblangko na ang isip ko. Paggising ko, nasa ospital na ako. Halos anim na buwan rin akong binabangungot dahil sa mga nangyari. Ilang buwan rin akong nakaratay sa ospital dahil sa ilang injury.

Ilang ulit akong tumawag kay Papa noong mga panahong iyon, pero hindi siya sumagot. Kahit sa burol at libing ni Mama, hindi siya nagpakita. Hanggang sa bumalik na lang siya isang linggo pagkatapos ng mga pangyayari. Kasama niya si Porsche Medina, ang naging step mother namin.

(Sa susunod na bisita namin diyan, isasama na namin kayo. Dito na kayo mag-aaral sa Maynila) sabi ni Tita Mylene mula sa teleponong hawak ko.

"Sinabi niyo yan Tita ah" masaya kong aniya.

Sa wakas makaka alis na ako sa lugar na ito!!!

Naiilang akong kasama si Papa dito sa bahay niya. Bukod pa doon, masama ang trato sa amin ng kinakasama niyang si Porsche.

Mula sa pag-insulto niya sa pumanaw kong ina, pananakit, at panglalait. Mas lalo rin akong napalayo ng loob sa tatay ko. Kahit harap-harapan na ang pang g*g*go sa amin, nagbubulag-bulagan siya.

(One condition Hija...bawal ka na masangkot sa kahit na anong gulo) napawi ang ngiti ko.

Bukod kasi sa pag c-cutting classes... Pakikipag bugbugan ang dahilan ng pagpasok ko sa school. Halos araw-araw akong nakikipag rambulan. Mapa lalaki o babae nirarambol ko.

"Pero Tita-"

(Ayaw ng Kuya mong masangkot ka pa sa gulo. Itigil mo na yan, pangit tingnan sa babae hija. Manang-mana ka sa mama mo ay. Ang ganda-gandang babae, pero siga. Ayun imbes na ligawan ng mga lalaki kinatatakutan)

"Tita naman eh, self defense po yun di po siga-siga" pagpapalusot ko.

Yun na ang nakasanayan ko. Ikakamatay ko ata pag di ako nakipag bugbugan ng isang araw.

(Ang self defense ginagawa yun pag kinakailangan hija. Wag mong araw-arawin ang pakikipag-jombagan. Balak mo ba maging wrestler Ruri?)

"Tita naman eh" apila ko pa.

(Siya sige na. Bilin ng Kuya mo na di ka pwedeng sumama sa isang buwan kapag nakipag-jombagan ka pa) sabi ni Tita Mylene bago patayin ang tawag.

Pabagsak akong humiga sa kama. Na e-excite ako sa pagbalik ni Tita Mylene dito sa probinsya. Na e-excite rin ako sa pagkikita namin ni Kuya Sean. Matagal-tagal na rin nung umuwi dito si Kuya.

Doon na kasi si Kuya nag-aaral sa Maynila. Nakatira siya kay Tita Mylene. Nandoon na siya nag highschool. Naiwan kami ni Kuya Clark sa bahay na ito.

Wala rin naman akong ibang gagawin kaya sa sobrang pagka sabik ko ay naisip kong mag impake. Inilagay ko ang ilang mga gamit na importante sa backpack ko.

Dadalhin ko rin naman lahat ng gamit ko doon eh.

Habang kinakalkal ko ang mga gamit na nasa drawer, napukaw ang atensyon ko sa notebook sa gilid.

"Dito ko pala ito naitago" sabi ko bago kinuha ang notebook.

Matagal-tagal ng di nagpapakita ang nagbigay nito. Buhay pa kaya yun? Kung buhay pa siya, at nagpakita siya sa akin mabubugbog ko talaga siya.

"Infairness ito lang ang natirang notebook ko na maayos" pagkausap ko sa sarili.

Mag-iisang taon ka na palang walang paramdam. Humihinga ka pa ba?

Ito yung regalo ni Carlos sa akin noong 1st monthsarry namin. Biruin mo, naitago ko pa pala. Malapit ng mag isang taong hindi nagpaparamdam ang nagregalo sa akin nito. Mag-iisang taon na rin akong naghahanap sa kanya.

Pero hindi na ako umaasa na babalik pa siya. Kung nawala siya ng wala man lang pasabi, di naman ako t*nga. Mag-iisang taon na walang paramdam ni text o tawag. Alam ko naman ang ibigsabihin noon. Pero umaasa pa rin akong mahanap ko siya, para kahit papaano marinig ko ang paliwanag niya.

"Ang ganda ko pala magsulat dati" tinawanan ko ang sarili ko.

Ito lang ang natitirang notebook ko na maayos at walang sira.

Ito ang naging parang diary naming dalawa. Hindi ako mahilig magsulat, akalain mo yun marami-rami akong naisulat dito. Mas marami pa ang naisulat ko dito, kaysa notes na kailangan ko sa school.

"Carlos Yakrie Dela Fuente, kauna-unahang lalaking minahal ko. Unang lalaki rin na naging ex boyfriend ko. Unang beses akong nagpaka t*nga sa pag-ibig. Unang beses akong nagpaka martir kuno hahahaha. Hanggang ngayon, kahit iniwan na ako...umaasa pa rin akong magkikita kami" sabi ko habang isa-isang binubuklat ang mga pahina.

"Para akong naghihintay ng eroplano sa pier. Gustong-gusto ko marinig ang paliwanag niya, pero di ako sigurado kung maniniwala ako sa kanya" sabi ko sa sarili.

Wala eh first love ko eh. First time kong nagpaka sira sa pag-ibig.

"Apo...hapunan na. Labas na diyan" narinig ko ang boses ni Lola.

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko.

Si Lola pa nga pala. Bukod sa inaasahan kong babalik pa rin dito si Carlos, napamahal na ako kay Lola. Pero ok na rin yun...bagong buhay sa Maynila. Masyado na akong na stuck dito sa probinsya eh. Parang na trap na ako dito sa lugar na'to.

"Papalabas na po!" sagot ko.

Isinalampak ko ang mga gamit ko sa drawer. Inilagay ko sa ilalim ng kama ko ang backpack ko.

Panigurado kasing magbubuga nanaman ng apoy ang step mother ko. Ayaw niya kaming paalisin dito. Paano ba naman, buhay señorita siya ngayong nandito pa rin kami ni Kuya Clark. Kami ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Pati nga panty at bra niya ako pa ang pinaglalaba. May sa demonyo ata 'tong step mother namin eh.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon