Chapter 8

2.3K 169 41
                                    

A New Member

Ruri's POV

Ito na ang last subject namin sa morning class. Pagkatapos nito, recess na. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na makinig sa guro, wala naman akong naintindihan. Kaya ang lagay...

Lutang sa klase...

Yung iba busy sa pag take notes. Halos dalawang pangungusap lang ang naisusulat ko. Ang bibilis mag sulat ng mga teacher dito. Pagka-sulat sa pisara, limang minuto lang...binubura na nila.

Nagmamadali ba sila?

Nagring na ang bell. Isang hudyat na ito na ang oras ng paboritong subject ko.

Recess.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Kahit papaano naman ay may naipon ako sa probinsya. Mayroon ding allowance na binibigay si Mom sa amin.

"Sama ka na sa'min mag lunch" pag-aaya sa'kin ni Qabis.

"Sama ka sa'min Ate!" aya sa akin ni Peter.

"Hmmm, join us... Para makilala mo rin yung ibang mga ka-grupo natin" sabi nung isa pang lalaki.

"Oo, para makilala mo mga ka-grupo natin" dagdag ni Peter.

"Ka-grupo ka? Ka-grupo ka?"

"Hindi! Hindi! Nagpapa ampon lang sa group 5. Sabit lang! Sabit!"

"Tara na nga sa cafeteria, gutom lang 'yan. Libre ko na lunch" sabi ni Qabis.

Parang pumalakpak ang tenga naming tatlo. Para bang iisa lang ang utak namin, dahil pare-pareho kami ng reaksiyon. Nanlalaki ang mga mata naming halos magning-ning.



Pagbaba, nakita namin ang mga estudyante na nagkalat. Yung iba may hawak na pagkain. Isa lang ang napansin ko, mas lamang ang estudyanteng may hawak ng libro, kaysa sa may hawak ng pagkain.

Mahal na mahal nila ang katalinuhan nila, samantala ako pagkain laman ng utak ko 24/7

Narating namin yung cafeteria. Mahaba ang pila at maraming tao. Naiilang rin ako dahil ang daming tao ang nakatingin sa'min.

Bumili ako ng isang order ng kanin at isang fried chicken.

Syempre ang daming mga mayayaman dito. Baka isipin nila patay gutom ako! Libre naman pero di ko muna aabusuhin

"Sigurado kang 'yan lang kakainin mo?" tanong ni Qabis.

Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas naman ng tawa niya kaya't may ilang estudyante ang  napatingin sa'min.

Sige lang...

Si Jake na ang nagdala ng tray na may lamang pagkain namin. Naupo na kami sa lamesa sa bandang dulo nitong cafeteria.

"Bakit naman ang kaunti ng pagkain mo ngayon?" pang-aasar ni Qabis.

Naririnig ni Ethan at Jake yung sinasabi niya kaya't pati sila ay tinatawanan ako. Sinuntok ko yung braso niya.

"ARAY!" inda niya habang hinihimas ang braso.

Parehong napa 'ohhh' yung dalawang kasama namin.

"Dre, matapang pala" sabi ni Peter.

"Sinasapak ka lang? Aguyyyy" pang-aasar ni Jake kay Qabis.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now