Chapter 23

1.6K 109 21
                                    

Protective Sean

Ruri's POV

Papasok na ako ng bahay namin. Inihatid ako ni demonyong Kurt dito sa gate ng village. Hindi naman naging mailang ang biyahe dahil kasama namin sa kotse si Peter na siyang kinakausap ko habang nasa biyahe. 

Bumungad si Kuya Sean nakatayo sa mismong harap ng pinto. Hinigit ko ang paghinga ko nang aksidenteng magtama ang mga mata namin. Nag-uumapaw sa galit ang mga mata niya. Dumagdag pa ang salamin sa matang suot niya na naging isa pang dahilan para manayo ang mga balahibo ko.

"Saan ka galing, RURI?!!!" may otoridad sa malalim niyang boses.

"K-kuya-"

"I've been calling you for 3 fvckin' hours, bakit ayaw mong sagutin ang phone mo?!!"

Agad ko namang kinalkal ang bag ko para mahanap ang cellphone ko. Nang mahanap ko iyon, napapikit ako ng mariin nang makitang mahigit sa 30 missed calls na galing kay Kuya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"N-naka silent" nagkakanda-utal ako dahil sa kaba ngayong kaharap ko si Kuya sa ganitong mood.

"Pumasok ka sa loob" aniya habang napahawak sa sintido.

Dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa loob. Halos magmaka-awa akong maglaho ako ngayon ng hindi napapansin ng kung sino. Gusto ko na lang makain ng lupa mula sa kinatatayuan ko.

Pero imposible 'yun, una wala namang tao ang nakakain ng lupa ng ganoon na lang. Isa pa, wala namang lupa dahil bukod sa puro simento, puro tiles lang ang narito.

"Ano 'yang suot mo?!"

"Damit ho"

"Hindi ako nakikipag-biruan" may pagbabanta sa boses niya.

"Kanino 'yang mga damit na iyan?" dagdag niya.

"S-sa kaklase ko"

"Sino-sino 'yung mga kasama mo?" 

"Wait, should i ask kung ilan muna ang mga kasama mo? I should prepare a gun loaded with bullets, right?"

"A-anim ho"

"Anim na lalaki mga kaklase ko naman, nag review lang kam-"

Maging ang sunod-sunod na malalim na paghinga  niya ay naririnig ko dahil sa sobrang taranta ko. 

"I'll prepare six bullets"

"Wait, did they touch you?" nagngangalit ang mga mata niya nang makasalubong ko ang mga mata niya.

"HINDI" mariin kong sabi.

"I swear, i'ma kill those asshole kapag nalaman kong may ginawa sila sa'yo"

"Remove you hoodie"

Ginawa ko ang iniuutos niya at mabilis namang bumakat ang dibdib ko mula sa damit na suot-suot ko gayong wala akong suot panloob. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Kuya habang napapikit at napahawak sa sintido. Matalim na tingin naman ang ibinigay ko kay Kuya Clark nang makita ko siyang habang mulat na mulat ang mga mata niyang nakatingin sa dibdib ko.

"Kaninong bahay ka ba galing?"

"K-kay Ethan po"

"Be specific, i need his full name"

"Ethan Brix ho"

"Ethan- what?"

"Ethan Brix, Kuya"

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now