Chapter 46

1.4K 95 20
                                    

Trouble Maker

Ruri's POV

Papasok ako sa gate ng school. Medyo maaga ang dating ko dahil kailangan ko pang magreview dahil sa quiz na ibibigay mamaya. Kahit naman wala sa bokabularyo ko ang pag r-review ay kailangan ko pa rin itong gawin.

Baka manghurumitado na naman 'yung Demonyo naming lider.

Ipinagpaalam ni Demonyong Kurt si Chris sa mga guro. Kahit kasi may mga quiz na ibibigay sa piling subject, mas pinili ni Chris na bantayan si Willow. Maging hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Willow.

Nakakapanibago lang dahil madalas akong sinasabayan ni Chris pataas sa room. Napalingid ako sa paligid. Hawak ng lahat ang mga cellphone nila. Pagapasok na pagpasok ko pa lang ay dinig ang pangalan ni Chris sa magkabilang gilid ko. Kada sulok ata nitong Evanston ay si Chris ang laman ng usapin.

Napakarami nilang dama.

"It's Chris Terrence pala..."

"Omg, i thought he's such a green flag pa naman"

Napa-irap na lang ako sa hangin habang pinagmamasdan silang lahat. Nakikinig ako habang binibigyan ko rin ng batikos ang lahat ng sinasabi nila sa isip ko.

"Nagkalat ang mga chismoso at chismosa sa ground ng Evanston" bulong ko sa sarili.

Napailing ako.

"Oh my god that's awful! He's awful!" maarteng bigkas nung babaeng bagong rebond kuno.

Napalingon ako sa gawi niya. Halos mahiya ang ruler sa tuwid ng buhok na animo'y pitong araw plinantsa. Nagpanting ang tainga ko sa linalabas ng mamula-mula niyang bunganga.

Maya-maya, nagulat ako nang mahimasmasan ako. Dikit sa mukha niya ang kamao ko. Hindi lang dikit dahil halos tumilapon na siya at mapahiga sa simento.

Gag* napalakas ata...

Nanlaki ang mga mata ko nang tumabing sa mukha niya ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok.

"What the hell is wrong with you??!!!" sigaw nito.

Humarap siya sa'kin, doon ay nagsalubong ang mga mata namin. Kulay kahel ang mga mata niya na halos magbuga ng apoy. Nakalata sa mukha niya ang mamula-mulang bakat ng kamao ko. Maputi siya kaya't halos makita ang hulma ng kamao ko.

Napangiwi ako nang may tumulong dugo sa ilong niya. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

P-putcha!

Napa-peace sign ako habang pinipilit ngumiti na mas nagmukhang ngiwi.

"Oh my god!!!!! Ahhhhh!!!!" sigaw nito nang makapa ang dugong galing sa ilong niya.

"Hoy, Ate Ruri!" sigaw mula sa likod ko.

"Rur-" sabi ni Demonyong Kurt ngunit natigil ito nang makita ang babaeng impokrita.

Ngayon ko lang napansin ang malaking bilog ng mga estudyante na nakapaligid sa amin. Nahagip din ng mata ko ang mga gurong papalapit sa gawi namin.

"What the fvck?!" singhal ni Demonyong Kurt.

"Wala akong kasalanan ah...siya may kasalanan" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.

"Ms Hellace! Dalahin niyo sa clinic si Ms Hellace!!! She's bleeding!" Pag-aaligaga ni Mrs Smith.

"WHO DID THIS?!!!!" sigaw ng superior.

Agad namang nag-alisan ang mga estudyante at animo'y nahati ang bilog nang dumating ang Superior. Napalunok ako nang maramdaman kong may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

Hinila ako ni Peter. Bahagya akong nagulat pero wala na rin akong nagawa. Pilit niya akong pinasuong sa kumpol ng estudyante. Ilang minuto rin kaming nakipag siksikan room dahil halos lahat na ata ay nakichismis sa ganap na iyon.

Dinala ako ni Peter sa likod ng isang building. Walang ibang tao kaya halos manlukot ang noo ko. Napalinga-linga pa siya bago ako hinawakan sa magkabilang braso. Agad akong napa krus ng braso patakip sa dibdib ko.

"Ano 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa kamay ko.

"Putcha layo!" pag-aabog ko sa kanya.

"Hoy, papalit ka ng utak... You're so ewwy Ate!" aniya sa pinakamaarteng boses.

"Bakit mo sinapak? G*ga ka, anak ng Ambassador 'yun!" sabi ni Peter sa'kin.

"Anak ng Ambassador 'yun?" tanong ko.

Tumango siya.

"Bakit naman mukhang pokpok?"

"Pasmado bibig nito oh, tigil mo nga 'yan! Mayayari tayo pare-pareho sa superior eh...mamaya may makarinig sa'yo"

Napa-kapa siya sa bulsa niya. Kinuha nito ang cellphone bago nagpipindot dito. Nakatingin lang ako roon at pinapanood siya. Maya-maya pa ay ngumiting aso siya habang nakatingin sa akin.

"Boom, finish!" anito.

"Anong finish pinagsasasabi mo?"

"Deleted na sa twitter, insta pati facebook 'yung evidence. Bahala na ang swerteng mapipili sa Class B umako. Pati 'yung CCTV footage ng school hacked na tapos nakuha na tape"

"Paano nadelete?" tanong ko.

"Magic" anito bago ngumiti at nagpa taas-taas pa ng kilay.

"Eh kung gripuhan kita?" pagbabanta ko.

Agad na napasimangot ang kumag.

"Syempre...si Ethan-"

Pagkabanggit pa lang niya sa pangalan ni Ethan ay nakuha ko na agad ito. Iba talaga ang husay ni Ethan pagdating sa mga ganoong bagay. Kung wala siguro si Ethan malamang na malalagot ako kay Kuya sa mga oras na ito. Anak pala ng Ambassador 'yung babae na 'yun.

"Bakit nasali pala 'yung Class B?" tanong ko.

"Under sila ni Commander...kung sino mapipili doon, sila aako nung kasalanan" sabi ni Peter.

"Putcha, unfair naman pala!" pagrereklamo ko pa kahit na mukhang pabor na ito sa akin.

"Anong unfair? Kapag sila ang napili na umako noon, may bayad 'yun. 50k, kapalit ng mark" pagpapaliwanag nito.

"SINGKWENTA MIL?!!! PUTCHA!" gulat kong aniya.

"Dito sa Evanston, hindi mo kailangan maging magician para magkaroon ng milagro. Pera ang kailangan mo, hindi magic skills. Kahit gaano ka kagaling mag magic eh hindi ka makakabuo ng milagrong kayang gawin ng mayayaman"

"Seryoso ka, singkwenta mil?!" hindi ko pa rin makapaniwalang tanong.

"Oo nga! Imbes na kabahan sila na mapili eh nag-uunahan pa sila. Sayang nga naman 'yung singkwenta mil. Barya lang sa kanila 'yung singkwenta mil, lalo na kay Commander Kurt" sabi ni Peter.

"Wala pa sa kalahati ng kita nila sa isang araw ang singkwenta mil eh" dagdag nito.

Agad naman akong nagulat sa mga narinig ko. Halos di ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Peter. Sa mga nakikita kong gamit at mga luho ni Kurt, halata namang barya lang sa kanya ang usapang libo. Maski ata gel sa buhok nung lokong 'yun ay milyon ang halaga.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now