Chapter 25

1.6K 109 12
                                    

Welcome to Hell!

Ruri's POV

Humahakay pa ako habang pa-akyat para sa susunod na klase namin. Kakatpos lang ng recess at naka-ramdam ako ng antok dala na rin ng sobrang kabusugan. Napaka-rami kong kinain kanina kaya halos mahirapan ako sa paghakbang pataas. 

Pagpasok na pagpasok sa classroom, sinalubong ako ng katahimikan. Gaya ng nakagawian, naupo ako sa silya ko bago ako tuluyang dumukdok sa lamesa ko. May natitira pa namang oras kaya napag-pasiyahan kong maidlip muna. 


"Ms Vandra" aniya kasabay ng pagyugyog sa akin ng kung sino.

"Hmmm?" ugong ko.

"Ruri, wake up" ani pa nito.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Kinuyukos ko ang mata ko habang pinipilit kong imulat ang mga mata ko. Nang  maimulat ko ang mata ko, tumambad si Ms Shier na nakayuko para mapantayan ako. Naalarma ako kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko dahil baka may panis na laway pang naroon.

"Anong nangyari sa'yo?"

"I-i'm sorry ma'am, naka-idlip po ako"

"No, hindi iyon ang tinutukoy ko"

"Alin po?"

Ngumuso siya kaya't napakunot ang noo ko. 

"Ano pong" ginaya ko ang pag-nguso niya.

"Your hair"

Napakunot ang noo ko lalo sa sinabi niya. Mabilis kong kinapa ang buhok ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maramdamang nakatayo na parang pine tree ang buhok ko. Napaka-tigas at tayong-tayo ang buhok ko nang mahawakan ko ito. Napabaling ang tingin ko kay demonyong Kurt.

Sa lahat naman ng tao dito sa loob ng silid na'to siya lang ang may sama ng loob sa'kin na gagawa ng kabulastugang ito.

Nanlilisik ang mata kong nakatingin sa kaniya. Naka-tiim bagang ako habang pinapanood siyang ngumiti ng malawak. Itinaas niya ang dalawang kilay niya at umaktong animo'y namamangha. Nanakbo ako papalabas ng classroom kasabay ng pagtatawanan. Nanankbo ako pababa sa hagadan. May mangilan-ngilang teacher at estudyante akong nakaksalubong na siyang tumatawa dahil sa lagay ng itsura ko ngayon.

"Oh my-"

"What kind of pauso is that na naman ba?" 

"Omg"

"Ohhhh my goodness"

Mga dinig kong sabi nila nang makasalubong ko kasabay ng pagtawa nila. Nakita ko din na naglabas pa ang ilan sa kanila ng cellpone para picturan at bidyuhan ang paghihitsura ko. Agad akong nagmadaling makapunta sa cr.

"Kukulamin ko 'yung gago na iyon" bulong ko dala ng kainisan.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng cr. May mga babae rin na nagtawanan nang makita ang hitsura ko. Isa-isa ko silang binigyan ng matalim na tingin. Inambaan ko rin sila ng suntok na dahilan naman para magtilian sila habang nanakbo papalabas.

Mabilis akong nagtungo sa salamin para makita ang kabuuan ko. Nagtaasan ang buhok ko na animo'y spikes. Kapit na kapit rin sa kamay ko ang amoy ng hairspray na siyang paniguradong ginamit nila. Napahawak ako sa anit ko habang pinagmamasdan ang repleksiyon ko. Napa-iktad naman ako nang maramdaman ang napakalamig na likidong umaanod sa katawan ko.

"Oooopsss" matinis na boses ng isang babae. 

Nandilim naman ang paningin ko nang lumingon ako sa gawi kung saan nanggaling ang tumapong tubig sa akin. Napaka-lamig at alos magtaasan ang lahat ng balahibo ko.

"Ano bang problema mo??!!!" sigaw ko sa kaniya.

Agad namang lumabas ang apat pang mga babae na may hawak na cellphone. Binibidyuhan nila ako habang naliligo sa ibinuhos nung demonyita na nagyeyelong tubig.  Nangangatog ag mga tuhod ko.

"Wala talaga kayong magawa eh 'no??!!!!" 

"Oooppsss, sorry"

"It's an order from our master"

"Mga siraulo!!" sigaw ko na siyang mas ikinahalakhak nila.

Agad akong nanakbo papalabas ng cr. Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan ng mga babaita habang nananakbo ako papalabas. 

Ipapabarang ko kayo!

Dinala ako ng mga paa ko sa lumang building sa bandang likod ng school. May mangilan-ngilang bench sa di kalayuan. Napili kong umupo sa bench na naka-puwesto sa bandang dulo. Nangangatog ako lalo nang maramdaman ko ang sunod-sunod na paghampas ng hangin. 

"SIRAULO KA EVERETT!!!" buong lakas kong isinigaw ang galit na nasa loob ko.

Nanlalamig ang buong katawan ko dahil basang-basa ang unipormeng suot ko. Nanggagalaiti ako sa galit sa kada oras na pumapasok sa utak ko ang mukha ni demonyong Kurt. Ilang beses ko na siyang tinorture sa utak ko. Kung pwede lang pilipitin ang leeg niya at tiklupin siya sa walo, ginawa ko na.

"ANG GAGO MO!!!" sigaw ko pa dala ng galit.

Niyakap ko ang tuhod ko habang mas nagkuyom ang kamao ko. 






Clark's POV

I'm having a hard time finding Ruri. Humahangos ako dahil halos malibot ko na ang buong Evanston. I just saw a post about her, at halos maaligaga ako sa paghahanap sa kapatid ko. I was on the middle of our Science class when my phone got a notification, halos lahat rin ng mga kaklase ko ay natanggap ang parehong notification. Pinaka mahigpit na teacher namin si Mr Jief pero walang habas akong lumabas ng klase niya sa kalagitnaan ng pagtuturo niya mahanap ko lang si Ruri.

I need to find her, i need to find our princess.

Napadpad ako sa bandang likod ng Evanston. I was about to run when i saw a lady sitting on the bench. Lumang building na kasi ito, dating building raw ng juniors pero wala ng taong napunta rito. Naningkit ang mga mata ko nang makitang gumalaw ang babae roon. Napakunot noo ako abnag inaaninag kung sino ang naroon. Mabilis ang tibok ng puso ko nang pumasok sa isip kong baka multo iyon.

Ayon kasi sa sabi-sabi may namatay daw sa building na ito at nagmumulto.

Agad naman akong nanakbo nang makita kong si Ruri ang babaeng naka-upo sa bench. Humahangos ako nang makalapit ako sa kaniya. Ilang minuto na rin akong nananakbo sa loob ng Evanston para lang mahanap siya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Lumingin siya sa akin. Agad namang nanlambot ang tuhod ko nang makita ang kabuuan niya. I sat beside her and i checked her condition. Inayos ko ang ilang hibla na nakaarang sa mukha niya.

"Kuya" parang batang tawag niya sa pangalan ko.

"Hmmm?"

"Nagugutom ako"

Pinitik ko ang noo niya.

"Pagkain pa rin nasa isip mo" i chuckled as i saw her laughing with me.

I hugged her to comfort my little sister. I hugged her tight as i can.

Pinag-alala mo akong babae ka.

"Bibili lang ako ng bagong uniform. Mayroon daw sa faculty room, bibilhan kita ng uniform mo. Dito ka lang, babalikan kita hmmm?"

"Kuya"

"Hmmm?" nilingon ko siya.

"Bakit gusto mo mag-stay dito?"

"Because i fell in love with a lady, studying here in Evanston. Bakit mo naitanong?"

"Kung lilipat ba ako ng school sasama ka?"

"Well, it's my duty to protect you kaya syempre lilipat din ako"

"I'll be back, bibili na rin ako ng mga pagkain sa cafeteria" sabi ko bago pinisil ng madiin ang ilong niya.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now