Chapter 2

3.3K 207 85
                                    

New house

Ruri's POV

"Aalis na tayo..." sabi ni Tito Jackson.

3:00 pm na at nandito kami sa sala,  nag-aayos ng gamit na isasakay sa kotse. Mabilis namang natapos ang pag hahakot ng mga gamit papunta sa compartment.

Kahit gusto ko mapalayo sa stepmother kong masungit at mataray, mamimiss ko si Lola...

"Lola...alis na po kami..." sabi ko habang papalapit sa gate.

Naka-akbay naman sa akin si Tita Mylene.

"Ingat ka doon apo ha..." sabi ni Lola.

Kinuha ni Lola ang takas na hibla ng buhok at inilagay iyon sa likod ng tenga ko.

"Kayo din po... Baka may mag evolve na manananggal po dyan..." biro ko.

Agad namang nagtawanan si Lola at si Tita Mylene. Nahalata ko na kilala nila tinutukoy kong mag e-evolve.

"Sige po... Baka gabihin kami ng sobra sa daan..."

Pumasok na kami sa sasakyan. Hindi ko alam kung anong tatak nung sasakyan. Hindi pamilyar sa'kin eh. Pero nakita ko yung pa cross na logo sa unahan at sa likod ng kotse.

Siguro red cross....kahit gold yun baka red cross pa din pangalan nung kotse. Baka pininturahan lang ng gold yung cross.

"Pasok kana..." pa-anyaya ni Tita Mylene.

Sinunod ko naman siya. Pagpasok ko sa backseat, doon ko nakita kaagad si Kuya Sean. Nakaupo na si Kuya Sean at may hawak na...nagpapaliwanag sa mata ko.

Chitchirya pagkain!!!!!

"Pahingi!!" paawa ko kay Kuya habang nakanguso.

Mas nagpaawa pa ako sakanya nang irapan niya ako.

"Oh!" sabi ni Kuya at binigyan ako ng pagkain galing sa hawak niyang backpack.

"Yieeee!!!! Pillows" masayang sabi ko bago tanggapin yung pagkain.

"Pahingi din ako" sabi ni Kuya Clark habang naka-ada.

"Eh! Ayoko!" sabi ko at inilayo ang pillows na kinakain ko.

"Kuya Sean pahingi" pagpapaawa niya kay Kuya nang makitang may pagkain din ito.

"Wala na..." sabi ni Kuya at binaliktad ang balot ng chitchirya.

"Wow simot!" sarkastikong sagot ni Kuya Clark.

Tumalikod siya at nag cross arm.

"Dadamot niyo!!!" apila pa niya.

Naubos ko naman yung pillows. Pa-andar na ang kotse. Biglang bumaba ang bintana sa tabi ni Kuya Clark. Napa-iktad naman siya sa gulat at napa kandong sa akin.

"Hoy! Siraulo lang??!!" reklamo ko.

Mabigat!!!

"Sorry, akala ko kalaban..."

"Inemahers na'to, akala mo naman napakagaan niya"

Nag-wave naman ako ng kamay ko kay Lola. Pero agad din akong napa-ayos ng upo nang makita si Papa, ka akbay yung manananggal.

"Ay shemay mayroong manananggal... Baka malasin ako hanggang doon"

Medyo masikip, lalo na at naka upo pa ng animo'y senyorito si Kuya Clark.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now