Chapter 29

1.5K 101 12
                                    

Leave or Stay?

Ruri's POV

Narito na ako naka-upo sa silya ko. Ilang araw rin akong hindi naka-pasok sa klase dahil sa nangyari. Kahit maayos na ang pakiramdam ko ay pinilit pa rin ako ni Kuya Sean na mag-stay sa ospital. Kahit tamad ako mag-aral medyo nakaka-miss maupo dito sa silya ko.

"Ate Ruri"

"Hmmm?"

"Tulungan mo ako"

"Saan?"

"Didiskarte ako kay Venn"

"Kay Prez?" gulat kong tanong.

Tumango siya bilang sagot.

"Wala ka na atang pag-asa Pete, nililigawan 'yan nung taga-Athena dinadalaw sa bahay nila. Usap-usapan na 'yun sa twitter may picture pa nga na may hawak na bulaklak eh"

"Hindi ka papatulan ni Prez, malabo-"

"Naging kami nga dati eh" pagyayabang niya.

"Nagising ba siya sa katotohanan o na-kornihan na siya sa'yo kaya ka hiniwalayan?" pagbibiro ko.

"Hindi, akala niya kasi nag-cheat ako"

"Nag-cheat ka ng ba?"

Sinuklian niya ako ng pekeng ngiti bagi ibahin ang usapan.

"Kain tayo, tara sa cafeteria" aya niya kay Qabis.

Nakatingin ako kay Venice na kasalukuyang nakaupo sa silya niya. Maganda at matalino si Venice, bukod pa doon ay narinig kong mayaman ang pamilya niya. Kung naging sila ni Peter, bakit naman sila naghiwalay? Wala naman kasi sa ugai at itsura ni Peter ang pag c-cheat sa realsyon. Pero malay natin, hindi ko pa lubusang kilala si Peter kaya maaari na nag-cheat nga siya.

Mga lalaki nga naman, mga siraulo din kung minsan. Ang ganda at yaman, bonus pa na mabait si Venice tapos niloko lang. Ako nga na hindi mayaman, hindi rin kagandahan kilos ko nga panlalaki eh. Hindi na ako umaasang makita si Carlos eh, malamang na may mas maganda na 'yun na kasama ngayon.

"Kapag talaga nakita ko 'yung talipandas na iyon, bubugbugin ko siya 'yung hindi ko na bubuhayin" bulong ko nang pumasok sa isip ko si Carlos.

'Tado ba naman eh, nang ghost.

May ilang minuto pa bago magsimula ang klase kaya naisip kong tumaas sa rooftop. Umakyat ako sa hagdan, ni-isang gamit ay wala akong dala-dala. Nang makarating ako rooftop, unang sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin. Naglakad ako papunta sa may railings at doon ko pinagmasdan ang ibabang parte ng building na ito.

May mangilan-ngilang estudyante pa ang naroon. May kanya-kanyang ganap ang mga estudyante na nasa baba. Mula rito, kitang-kita ang school ground kung saan may mga estudyanteng nagkalat roon. Mula sa lugar na tinatayuan ko, kita ko rin dito ang lumang building ng juniors. Kung pagmamasdan sa malayo ang lugar ay nakaka-kilabot nga ito pero noong na-bully ako ay diyan ako tumakbo. Hindi naman ako nakaramdam ng takot noon kahit ako lang mag-isa ang naka-upo sa bench.

Sa katunayan nga, ilang dipa lang 'yung building mula sa bench na inupuan ko noong araw na iyon.

"What are you doing here?" malalim na boses ng lalaki mula sa likuran ko.

Nilingon ko iyon at nakita ko si Chris. Bahagyang hinahangin ang buhok niya ngunit hindi sapat iyon para makita ko ng malinaw ang mata niya. 

"N-nagpapahangin lang" 

Akmang maglalakad na ako paalis dahil napansin kong ayaw niya na makita ako dito. Ayon din kasi sa sabi-sabi ayaw niyang may kasama lalo na sa lugar na ito.

"Kailan ka aalis?"

Nilingon ko siya.

"Hindi ako aalis"

"Bakit ba atat na atat kayong palayasin-"

Nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Napa-atras naman ako dahil sa kaba. 

"Lumayo ka, gago!" sabi ko habang hinahampas ang dibdib niya. 

Hindi ako nakagalaw nang tumama ang likod ko sa pader. Nahigit ang paghinga ko nang magkalapit ang mukha namin. Yumuko ako para lusutan ang braso niya. Akmang aalis ako sa pagkaka corner niya sa akin nang yumukod siya para pantayan ako at iniharang ang dalawang kamay niya sa tig-kabilang gilid.

"If you were on his position, are you willing to say hello and risk another goodbye?"

Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napa-kagat ako ng labi ko. Naghahanap ako ng paraan para makawala sa mokong na'to.

"Hmm, parehong-pareho kayo ng mata ni Mr Ian"

Mas inilapit niya pa ang mukha niya kaya kusang nag-react ang katawan ko. Ini-untog ko ang ulo ko sa noo niya. Agad naman siyang dumaing sa sakit habang hinihilot ang noo niya. Tumalon ako sa braso niyang nakahawak pa rin sa pader. Nanakbo ako pababa habang mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Parang gusto kong sumigaw pero pinipigilan ng utak ko. 

Nakatingin ako sa taas habang nagmamadali akong bumaba. Napabunggo naman ako sa kung sinong talipandas na narito. Napa-aray ako nang tumama ang ulo ko. Nag-angat ako ng tingin dahil may katangkaran ito kaysa sa akin. Napangiwi ako nang makita si demonyong Kurt.

"Good morning" may pagka-ilang na bati ko.

"Good morning my ass!" sabi niya habang ginagaya ang tono ko.

"Napaka-sungit mo, daig mo pa babaeng may regla kung mag mood swing ah" 

Napa-isip ako sa sinabi ko.

Tama ba 'yun? Mood swing?

"Feeling close, Ms Vandra?"

"Baliw !" sigaw ko kasabay ng paghubad ko ng sapatos ko. 

Sinipat ko pa ang ulo niya bago paliparin ang sapatos ko papunta sa kaniya. Malakas ang pagkakahagis ko na siya namang sumapul sa ulo niya. Napa-ngiti naman ako nang tumama sa inasinta kong parte ang sapatos ko. Nahinto siya sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod mula sa akin. KItang-kita ko ang pagbuntong bininga niya.

"Crazy" sabi niya bago buksan ang pinto ng classroom.

Napatunga-nga naman ako nang hindi siya gumanti sa'kin.

"Baka may taning na 'yung buhay ng kumag na 'yun" napa-kunot ako ng noo.

Ilang minuto rin akong nakatulala sa posisyon na iyon hanggang sa napagpasiyahan ko ng pumasok. Medyo mahirap din kasing suotin ang sapatos ko kaya naupo muna ako sa baitang ng hagdan. Pagbukas ko ng pinto ay naroon na rin 'yung mga asungot at may hawak na kani-kaniyang pagkain.

Naglakad ako papunta sa silya ko. Nasa malayo pa lang ay natanaw ko na ang silya ko, kaya't nanlaki ang mga mata ko dahil sa nahagip ng mata ko. Naliligo sa kape ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Nanakbo ako papunta roon at halos malaglag ang panga ko nang makitang nakatumba ang cup ng kape at natapon ang laman sa mismong lugar kung saan nakalagay ang cellphone ko. Mangiyak-ngiyak ako nang damputin ko ang cellphone ko. Sinubukan ko iyong buksan pero wala na, sira na ito.

"Oops, my bad" sabi ni demonyong Kurt.

"Tado ka!!!!!" bulyaw ko sa kaniya bago hinigit ang kuwelyo niya.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Where stories live. Discover now